CHAPTER 4- "MS. IMMUNE SA MALAS"

18 0 0
                                    

ALLIYAH's POV:

"May special delivery nga pala tayo, Liyah. Ikaw na ang magdeliver."

Tumango naman ako sa utos nya. Syempre, boss e. Di ko naman gustong ma-fired no.. Nakalimutan ko nga palang itanong kung saan nya ako ililipat. Sana naman okay ang bago kong pagtatrabahuan. Ah! Mamaya na nga lang pagbalik ko. Tinatamad nakong bumalik -.-

Tinignan ko yung note na ibinigay sakin ni Boss.

"1 CAFFE DE LATTE"

Torralba & Son Company, Figaro St., Manila, Philippines

Natatandaan ko tuloy yung halimaw na customer kanina. Ganito rin yung inorder nya sakin e. Hmmp! Nabi-BV tuloy ako ngayon. Seesh -.- Sana naman di magkatulad ang ugali nila sa umorder ng kapeng to. Special pa naman ang nagtimpla ;)

(A/N: KAPAL O. Special nga. SPECIAL CHILD! Wahahahahaha >:P)

(CHE! INSECURE KA'NG AUTHOR KA!)

(A/N: Whatever -.-)

Anyways, back to what I said earlier. Kasi naman itong si Author! INSECURE!

(A/N: SPECIAL CHILD! >:D)

Ewan ko nga sayo na Author ka. Too much epal >3<

Lalagyan ko sana ng lason ang itinimpla ko. *BWAHAHAHAHAHA* *Eeeeeeevil!!!!* Pero di ko naituloy kasi dinaig ako ng konsensiya ko. At tsaka, di ako nanglalason ng tao.. este halimaw pala. May plan B kasi ako. Yun ay ang ibuhos tong kape sa pagmumukha nya. Good Idea, diba guys? *BWAHAHAHAHHA* *Evil again* I know it's a bad idea para sa inyo. Pero good idea naman yun para sakin.. Wag na kayong umepal! POV ko to.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape. Pumara nako ng taxi.

"Yuhoooo! Taxi!! Where are youuuuuuu??"

Grabe! Wala man lang huminto na taxi para sakin. Mga walanja naman sila o -.-

Naghintay ako ng naghintay. Hanggang, AT LAST! May huminto na rin. Thank you Lord! Halleluiah..

"Sa Torralba and Son Company, Manong."

Makalipas ang kalahating oras. Traffic kase kaya natagalan. Ano ba naman tong Maynila, oo! Lagi nalang Traffic.

I felt dizzy. Para nga akong nasusuka. Ayaw ko talagang magbyahe e. Pero ewan ko kung bakit Tourism pa ang napili kong kurso. Bagay kasi ako dun, kasi pang-Ms.Universe ang beauty at height ko XD BWAHAHAHAHAH! Wag na kayong umangal. Tandaan nyo, POV ko to ;D mwahahaha.

Di na ako nagpatumpik-tumpik pa. At pumasok na nga ako sa loob ng napakalaking building ng karaka-raka! I'm sure.. mayaman talaga ang may-ari nito. Pagpasok ko pa lang, may bumungad na malaking fountain na sa gitna. WOW! SOSYAL A! Ang laki pala rito.. at ang ganda.. HUWAW NAMAN!    

Sana dito nalang ako nagtatrabaho. Kahit magtimpla lang ng kape, ayos na!

Napalingon ako sa iba't ibang sulok ng gusali.. Ang dami namang mga tao dito. Halata na puro workaholic -.- Nahiya naman ako sa suot ko. Naka-maong lang na butas-butas pa yung style na para bang ni-rape ng ilang beses tapos naka-green na t-shirt. Samantalang ang mga babae rito, naka-formal at office wear. Sa mga lalaki naman, halos lahat naka-suit. Ay oo nga pala! Ide-deliver ko pa to.

Nagtanong ako sa isang babae. Syempre naman no, di ko kabisado ang building na to. Mukha siyang secretary. Ang kapal kasi ng pintura sa mukha.. Este, make-up pala. Para siguro mapansin ng boss niya at tsaka.. maka- alam niyo naaa! XD *Cha-ching, Cha-ching* (sound ng money para sakin) Di rin naman sya halatang gold-digger nyan no? Tsaka halatang bigat na bigat na sya sa mga dalang folder niya.. Di na nga nya halos makita ang daan e. 

"4th floor, right side." -yung babae

Hinanap ko kung san banda ang elevator.

"Ah! YUN OH!" pasigaw kong nasabi. Pero wala namang nag-abalang lumingon sakin.

Oo na! Sila na workaholic T.T Napasobra kasi ang panunood ko ng Coco Martin ko kagabi. Kaya, SORRY (>.<)V

Papasok na sana ako dun sa elevator pero unfortunately, nakasira.

Pipindutin pa pala yung button. Tanga. T.T

Pagpasok ko sa elevator, may biglang nakabangga sakin. Buti nalang at di natapon sakin tong kape na hawak-hawak ko. Kung hindi, ibubuhos ko talaga sa pagmumukha nya! GRRRRRR >:/

Napatingin ako sa kanya. Wala sya'ng reaksyon sa pangyayari, at sa halip, hindi nya ko pinansin at ipinagpatuloy lang ang paglabas sa elevator.

"HOY IKAW!" Wala nakong pake kung magalit man tong manhid na to o hindi.. Wala syang modo! Nakakainis sya!!!

Nagdadalawang isip siguro sya kung lilingon sya sakin o hindi.. Di nya rin siguro alam na sya ang tinatawag ko.

"LUMINGON KA!! IKAW ANG TINUTUKOY KO!" Letch. Kung di pa sya lilingon ngayon, ihahagis ko talaga sa kanya ang suot kong flip-flops!

This time, lumingon na sya.. At last. Nilapitan nya ko at itinuro ang sarili nya sabay sabing,

"ARE YOU TALKING TO ME, MISS?"

Walanja! Aba't umingles pa..

"Oo! Alangan ba namang sarili ko?! G*go!" Oo, nagmumura nako. Di ko na mapigilan e. Pakialam nya?!

"Hey, hey.. Mind your words, young lady."

E, ikaw! OLD MAN! >.< Palibhasa young nga ako no! I'm younger than you!

"I don't care, Old.. Old.."

Old what ba?!

"OLD GUY!" Ay whatever. Mahina ako sa english e! Kaya ko lang naman sya natawag na OLD, dahil naka-glasses sya.. Workaholic din siguro to. Naka-formal attire din sya.

"Did you call me Old?!!"

"Uh.. Oo! Di ka naman siguro masyadong bingi!!!"

"What's the problem with you?!!!"

"What's the problem with me?!! E, malapit mo nako'ng matapunan nitong ide-deliver kong kape!! And it would take 30 minutes for me to be back in the shop where I'm working! Tapos tatanungin mo ko kung anong problema ko?!! Instead na magsorry ka, eto ka ngayon at nakipagsisigawan sakin!!"

 "I'll pay for it, then. Di mo na kelangang sumigaw!"

"Leche. E, sinigawan mo nga rin ako o!"

"You yelled at me first. Hence, it's not my fault."

G-G-R-R-R! Di ko na lang sya pinansin. Pumasok ako sa elevator.. Hindi ko namalayang sinundan nya pala ako sa loob nito.

"Ehem"

Sino yun? Akala ko ba ako lang ang nandito sa elevator? Lumingon ako sa direksyon kung saan ko narinig na may tumikhim.

Takte. SIYA NA NAMAN?!!! INIINIS NYA BA TALAGA AKO?!

"Hoy ikaw!"

Lumingon sya sa direksyon ko.

"Yeah?"

"Sinusundan mo ba ko?! Anong kelangan mo?! Ba't ka nandito?!!!"

"Hindi ko alam na ikaw na pala ang may-ari ng elevator." pa-cool niyang sabi

Di nalang ako naka-imik :/ Langya. Tama nga naman sya. Nabara ako dun a. Tssss >3<

*****

Chapter 4 Ended

*****

BITIN PO? DI NO??? HAHAHHAHA! Sinulit ko kase. XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

&quot;She's Beauty and He's A Beast&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon