"Ano ba naman to o! Umuulan na naman? Di pa naman ako nakadala ng payong."
Naglalakad si Alliyah sa kahabaan ng traffic nang bumuhos ang napakalakas na ulan. Siguradong basa na naman siya pagdating sa pinagtatrabahuan niya..
ALLIYAH'S POV:
Morning shift lamang ako nagtatrabaho sa Coffee Shop na yun. Sa gabi naman ay nag-aaral ako. 4th year highschool na ako ngayon at nagpaplanong maging arkitekto balang-araw. Magaganda naman kasi ang mga likha ko, sabi ng mga kaklase ko, kaya arkitekto ang pipiliin ko'ng kurso. Huwaaaaaaaw, hanep! Ambisyosa rin ako no? Hahaha! Pangarap ko lang naman yun. Kaya nga nagtatrabaho ako e.. para makapag-ipon. Ulila na nga pala ako. Nakikitira ako sa tiyahin ko na nagpalaki at nagpa-aral sa akin simula na'ng ako'y namatayan ng mga magulang. Ang nanay ko raw ay namatay pagkatapos akong maipanganak.. Ang tatay ko naman ay nung tatlong taong gulang ako, sa isang aksidente. Mabait rin naman ang tiyahin ko.. byuda na rin ito. Sundalo ang asawa nito at agad na namatay. Wala rin silang anak, kaya itinuturing nako nitong parang tunay na anak. Wala naman sana ako'ng problema sa pera e. Kasi mayaman siya.. Kaso nga lang, gusto ko'ng bumawi sa lahat na'ng ginawa niya para sakin.
Napahinto sa pag-iisip si Alliyah nang nakarating na siya sa Coffee Shop. Sinalubong siya ng bestfriend niyang si Danica na nagtatrabaho din roon.
Danica: O! Ba't basang-basa ka?
Alliyah: Nakita mo namang umuulan diba?
Danica: Ang taray.. Haha. Hindi ka nakadala ng payong?
Alliyah: Kita mo nga'ng basang-basa ako.
Danica: E. di magbihis ka na.. Dalian mo, baka dumating na si Sir.
(Sabay taboy sakin papuntang stock room.)
Alliyah: Okey.
Pumasok na siya sa stock room at dali-dali'ng nagbihis. Nang natapos na siya ay nagsimula na siyang magtrabaho.
Danica: Papasok na'ko. Maiwan na kita ha?
Alliyah: O sige. Ingat ka.
Pinupunasan ni Alliyah ang mga lamesa na'ng naagaw ang kanyang pansin sa isang matangkad na lalaking kakapasok lang. Napakagara ng damit nito na halatang anak-mayaman. Naka-reyban ito at naka-suit. Kahit sino'ng babae na mapatingin o mapasulyap man lang rito ay siguradong mahuhulog rito dahil sa kagwapuhang taglay. Daig pa ang mga model, taray! Ay teka, ano ba'ng nangyayari sayo, Alliyah? Dapat pumunta ka na sa counter! May customer o. Tulala ka na naman..
Pumunta na siya sa counter para kunin ang order ng customer.
Customer: Give me a Cafe de Latte.
Napakaseryoso ang tono nito sa pananalita. Nakakatakot!
Alliyah: S-sir?
Customer: A cafe de latte.
"Ano raw? Di ko marinig! Sobrang hina ng boses mo, Sir! Helloooooooooooo? Coke float kamo? Me'topak yata tong tao'ng to e."
Alliyah: Coffee Shop po to, Sir.
Customer: Alam ko. Now, will you please give me a Cafe de Latte?! I'm a busy man. Marami pa ako'ng appointments na naghihintay.
Alliyah: *nairita agad.. ang dali niya kasing mairita agad* Kung nagmamadali ka, e ikaw ang magtrabaho dito! Lumabas ka kung di mo kayang maghintay!
Customer: Hindi mo ba kukunin ang order ko ha?! I told you, mali-late na ako sa trabaho! Gusto mo ba'ng idemanda kita sa manager mo?!
"Idedemanda? Ng ano? Sexual Harrasment? Hahahaha! nagpapatawa yata siya. Di ko naman siya ni-rape, nor hinawakan. Ang kapal ng tao'ng to. Nakaka-turn-off agad! Gwapo pa naman sana. Kaso, sobrang arogante. Masyadong suplado. Hindi ko na siya gusto! Akala mo kung sino. Palibhasa e, customer.. Di na uso ang, "The customer is always right." sa panahong to.. May customer ring gago!"
Hinila ng customer ang buhok ni Liyah. At dahil dun, napatili ang babae ng malakas *ARAAAAAAAAY!* na siyang ikinalingon ng mga tao sa paligid. Nakatingin lahat ng mga mata sa kanila. Pero wala na siyang pakialam ngayon. Inis na inis na siya sa babaeng to. May problema yata sa utak!
Liyah: *SINAMPAL BIGLA ANG CUSTOMER NA HALOS MABALI NA ANG LEEG NITO* Walanghiya ka! Ba't mo hinila buhok koooo??! Kahit kelan hindi ako nasabunutan ng nanay ko! Tapos ikaw?! Bakit? Close ba tayo?! Nasisiraan ka na ng bait, ano?!! IPAPAHABOL TALAGA KITA SA ASO'NG ULOL DIYAN SA KANTOOOOO!
Hindi nakagalaw si Daniel sa mga sandaling yun. Grabe! Ang lakas ng pagkakasampal ng babaeng to sakin. Kulang nalang yata e, upakan ako agad. Buti na nga lang na nasa counter siya, e kung hindi, bugbog-sarado ako neto. Araaaay. AKALA NYA SIGURO UURUNGAN KO SIYA NO?! ANG SAKIT NUN A!!!! HUMANDA KA SAKIN, BABAE KA!!!!!!
Hihilahin nya sana ang buhok nito nang..
May bumusina ng napakalakas sasakyan sa labas ..
------------------------------------------------
END OF CHAPTER 1
Baguhan pa lang ho ako rito =) Pero sana po subayabayan nyo ang story nina Alliyah at Daniel.
Yun lang po =)