JDEMKL bago naming tawag sa aming samahan dahil dumagdag nga sina Katie at Liza,hindi namin namalayan ang panahon at malapita na kaming mag Prelim exam.Sa panahong iyon ay naging sapat dahil nakilala ko nang maiigi si Liza syempre sa tulong ni Katie,naging close kami ni Katie na halos kami lagi nagbibiruhan pag magkakasama ang magbabarkada,hati sa pagkain at duet lagi sa pagkanta."Sana alam ni Liza na gusto ko sya"sabi ko kay Katie,"gusto mo ba paalam ko??"nanglolokong sambit nya,"huwag muna kasi hahanap pa ako ng tyempo"sabi ko pero na totorpe talaga ako.Hanggang makalipas ang Prelim exam mataas ang nakuha naming marka ngunit hindi ko pa rin nasasabi kay Liza na gusto ko siya.
Pagtatapat......
Isang linggo ang nakalipas pagkatapos ng katakot-takot na exams,naging buo na amng pasya ko nag aaminin ko na kay Liza ang aking nararamdaman,syempre nagpatulong ako kay Katie ata agad niya naman kaming sinet up upang makapag usap kami ni Liza,"ito na kami Jake"sabi ni Katie,"hello"ayan lang ang nasabi ko dahil sa kaba."Ano ba gagawin natin dito at bakit tatlo lang tayo"sambit ni Liza,"ganito kasi yun meron akong itatanong sa iyo"sabi ko naman,"uu nga may sasabihin siya sayo Liza"duktong ni Katie,"Liza kasi alam mo ako aaminin ko sayo"utal kong sabi habang tumatawa si Katie.Nung sasabihin ko na biglang meron tumawag kay Liza,"Liza ano na saan na yung pangako mo sa akin"sambit ng isang binatang lalaki,"ok cge ngayon na kita ililibre"sagot naman ni Liza at tumayo sya sa kinauupuan nya,"Jake saka mo na lang sabihin yun ahh kasi nangako ako kay Eric"sabi sa kin ni Liza,boom para akong sinabugan ng atomic bomb,nakakaramdam ako ng laban na hindi ko mapapanalunan.Tinanong ko si Katie "sino yun si Eric??" sabi ko kay Katie,"sya lang naman yung dream boy ni Liza"sabi ni Katie with sibangot.Sinabi ni Katie ang lahat tungkol kay Eric,"si Eric ay campus crush ng school namin noong high school at isa sa nagkakandarapa dyan si Liza,pangarap nya mapansin at maligawan nyang si Eric at nakwento sa akin ni Liza na single daw si Eric ngayon at magpapa cute daw sya.Si Eric kasi nasa kanya lahat ng hinahanp ni Liza sa lalaki matangkad,gwapo,magaling magbasketball yan ang gusto ni Liza"kwento sa akin ni Katie.Nawalan na ako ng pag asa parang binagsakan ako ng bulalakaw o kaya sinuntok ako ni pacman,wala akong gana kumain lutang ako nag-iisip ako ng paraan kung paano ko matatalo si Eric ngunit wala ako makitang sulosyon Nanghingi na ako ng advice sa team JDEMK(tinanggal ko yung L)pero si Katie lang may maayos na payo sa akin yun tatlo tinatawanan lang ako,wala ako magawa habang nakikita ko na good shot na good shot na si Eric kay Liza na alam ko naman na sa simula pa lang ay talagang gustong gusto na ni Liza ang campus crush na si Eric Carter.
Bad News.......
Bad news ang nalaman ko kay Katie,pumuporma na si Eric kay Liza pero kay Katie nanghihingi ng payo si Liza kung ano ang gagawin niya,at syempre sakin kakampi si Katie at sabi niya kay Liza na magpakipot muna kay Eric patagalin nito ang pag sagot kay Eric.Tumawag sa akin si Katie"hello Jake ano na anong petsa na nanliligaw na si Eric ikaw wala pa ding ginagawa"pasigaw saking sambit ni Katie,"eh ano kasi cge sasabihin ko na bukas pag kita pa lang natin"lakas loob kong sambit,"cge aasahan ko yan Jake ikaw lang ang pag-asa ko para sa kaibigan ko"sabi sa kin ni Katie..
Kinabukasan.....
Ito na ang takdang araw,pinaka mahirap na gagawin ko sa aking buhay pag ibig ang pag amin ng aking nararamdaman.Pinapunta ni Katie sa isang upuan sa ilalim ng puno siLiza na kung saan ako nag iintay."Ito na kami Jake"sambit ni Katie,ok this is it sasabihin ko na wala nang atrasan to,"Liza meron akong sasabihin sa iyo"sabi ko sa kanya,"ano iyon Jake?"tanong niya sa akin."Nililigawan ka ni Eric di ba??tanong ko,"oo bakit Jake may gusto ka rin ba kay Eric??"pabirong sagot niya sa akin,"tawa ng tawa si Katie kaya nawawalan ako ng pag-asa,"kasi Liza gusto kita simula noong una pa lang kita makita hindi ka na mawala sa isip ko"matapang kong pag amin.Nabigla din si Katie sa mga sinabi ko at syempre si Liza din,"bakit mo ako nagustuhan Jake"tanongsa akin ni Liza,"basta iba ang tibok ng puso ko noong una kita makita at nahulog ako hindi lang sa kagandahan mong pisikal pati na sa iyong maganadang pag uugali"patulang sambit ko."Jake alam mo ok lang sa akin manligaw ka hindi na rin masama kung manliligaw ka sa akin pero si Eric ang kaumpetensya mo cguro alam mo kung sino si Eric sa buhay ko dahil madalas kayo mag usap ni Kaite"sabi niya sa akin."Ok lang sa akin kung ano ang magiging kasagutan mo pero payagan mo ako na ligawan kita sa pamamaraang alam ko"sabi ko naman,"ok sige basta Jake kung anumang sagot ay sana manatili ang pagkakaibigan natinah"sabi nya sa akin.Napasaya noong marinig ko na pwede ko siyang ligawan,iba talaga sa pakiramdam na magtapat ka ng pag ibig sa taong gustom,ngunit kung iisipin kung sino ang katapat ko nanlulumo ako:'( pero di ako nawawalan ng pag-asa sabi ko na lang sa sarili ko "SIMULAN NA ANG LABAN"
Isang istorya nanaman ang natapos ko mga kaibigan,medyo hirap mag isip dahil on the spot ko itong sinusulat ang mga istorya ko..Sa mga nakakabasa po ng aking likha sana po ay folow ninyo po ako sa aking wattpad account at wag po kayo mahihiyang mag comment or mag suggest sa akin tungkol sa aking likha.Maraming salamat po at sana dumami kayong tumatangkilik sa akin..