Chapter 4

139 4 2
                                    

Green minded

“Hey. Is this right?” Xyle asked.

Simula noong ini-announce ang Academic Partner chuvachuchu na 'yan ay palagi ko nang kamasa ang ulupong na ito. Sumasakit na ang ulo ko sa kanya, ang bopols niya kasi. Kainis! Ang bagal ng pick-up.

“Hindi. Mali padin. Ulitin mo, dali. Psh, utak monggo.” Naiirita kong sagot. Pero syempre bulong lang 'yong last part dahil baka kainin pa ako ng buhay nang isang ito.

Gwapo naman.” Mahina din n'yang sinabi pero sapat na para makinig ko.

Letse! Over flowing ang self confidence nito sa katawan ah!

“Ikaw gwapo?! Sinong may sabi n'yan sayo, nanay mo?” Pambabara ko sa kanya. Mabuti nang mabawasan ang kahambugan nito sa katawan habang maaga pa.

Hindi naman siya sumagot ulit kaya napatingin ako sa kanya. Naabutan ko naman siyang nakatingin sa akin habang nakataas ang isang kilay. Bading nga siguro 'to. Positive.

Then an idea popped in my head.

'Siguro kaya gustong gusto niya na inaasar kaming dalawa ay para pagtakpan ang pagkabading niya! Oh my gosh, manggagamit siya! Ginagamit niya lang ako!'

Napatawa ako ng mahina at napapailing pa dahil sa naisip ko. Binigyan naman n'ya ako ng nagtatanong na mga tingin ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Nakita ko ang pangalan ni Vince sa screen. Oh bakit naman natawag to? Sagutin ko kaya? Kaso nasa library ako baka mapagalitan pa ko. Bahala na nga--

Hindi ko na nasagot ang tawag dahil inagaw ni Xyle ang cellphone ko saka pinindot ang end call button.

“Hoy bastos, bakit mo kinuha yung phone ko? Ibalik mo yan saken!” Mahina pero madiin kong sabi sa kanya.

“Tss. No.” Yun lang ang sinabi n'ya pagkatapos ilagay sa bulsa n'ya ang phone ko at nag umpisa na ulit siyang magsagot. Wow lang ha!

“Ano bang problema mo?!” Bulyaw ko sa kanya.

“You’re my acad-partner, okay? When you're with me, your attention supposed to be mine.” He said without looking at me.

Gosh! My nose is internal bleeding because of his accent. Pero hindi padin sapat ang accent niya para patigilin ang nanggagalaiti kong kalamnan.

“Aba, teka! Ano'ng sinabi mo—"

“Don’t pretend like you didn’t hear anything.” He’s voice is neutral. Problema ba talaga nito?

“Alam mo, kung may problema ka sa buhay at may galit ka sa mundo 'wag mo akong idamay! Ibalik mo na sakin yung phone ko. Baka importante yan—“

“Ms. Marasigan, library isn’t the right place for you to have a fight with your boyfriend. Out. Now.” Madiing sabi nang matandang librarian. Napansin ko din na pinagtitinginan kami ng mga tao sa library.

What?! First time 'tong nangyari sakin sa tanang buhay ko. Nahihiya nga akong mapalabas sa classrom tapos dito sa sa library mapapalabas! E ang dami daming tao dito, ang daming nakasaksi ng pagkapahiya ko. Ugh! Bwisit ka talagang Xyle ka! Kasalanan mo to eh!

Tinapunan ko muna ng masamang tingin ang lalaking katabi ko bago ako humarap ang yumuko sa librarian, "I'm sorry ma'am. This won't happen again."

Habang nakayuko akong naglalakad palabas ng library ay cool na cool lang si Mr. Nonchalant nyo. Yearight. Wala talaga s'yang pakialam sa nangyari.

Teka. Ano nga ulit sabi nung librarian? Boyfriend ko daw si Xyle? Potek! Asa pa! Mamatay na lang ako, wag ko lang maging boy friend yan! Akala siguro nun boyfriend ko 'to since lagi kaming magkasama sa library. Epic fail.

“Kasalanan mo 'to eh!” Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami. Syempre sinusundan ko lang sya.

“Tss.”

'Yun lang? 'Yun lang ang isasagot niya sakin? Wala man lang ba syang sasabihin na something? Di man lang ba n'ya ako susurahin at tatawanan?!

“Nakaka-bwisit ka kasi— te-teka! Anong ginagawa mo?!” Bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila papunta sa kung saan hanggang nakarating kami sa rooftop.

“Anong gagawin natin dito?” I asked.

Sa totoo lang kasi kahit mag-aapat na taon na akong nag-aaral dito ngayon pa lang ako nakarating sa rooftop na 'to. Wala naman kasing tumatambay na mga estudyante dito.

Hanggang fourth floor ang mga building sa school namin, so what do you expect? Magpapakahirap pa akong umakyat ng hagdan para lang tumambay sa rooftop na 'to? E pwede namang tumambay sa benches sa baba, sa cafeteria, sa soccer field o kaya naman sa mga study table. Lol

“Tss. Why, may gusto ka pa bang gawin natin?” Pabalang na sagot nya sakin tapos umupo sya sa sahig, nakasandal sya dun sa may wall.

Agad namang namula ang mukha ko. Bakit? Hindi ko din alam.

“O─oy! Kapal mo ah. Wala akong gustong gawin dito. Hindi ako katulad mo! A─ano... Ano ba 'to, ano'ng sinasabi mong gagawin natin?! Juice ko. Ano ba 'yang mga iniisip mo nakakadir─“ Napatigil ako sa pagra-rant when he suddenly chuckled.

Noong humarap s'ya sakin…

THE HECK AND ALL THOSE SHIT!

He bite his lower lip then he winked at me.

Bakit ganito? Feeling ko biglang umakyat yung lahat ng dugo ko sa mukha ko! Bakit pa─parang ang laswa n'yang tingnan?

Oh my gosh! Ayokong mahawa sa malumot nyang utak. Lord, help me. Iligtas n'yo po ako sa manyak na 'to. 

“What? Natulala ka na naman sakin?” he smirked.

“Hi—hindi kaya! Feelingero ka lang! Letse ka!” Tumalikod ako at nagkunwari na may tinitingnan sa baba.

Bakit ganito? Hindi ako komportable. Pakiramdam ko ang init init ng mukha ko. Mahangin pero parang hindi ako makahinga—

“I know. I’m hot.” Say what?!

“Hi-hindi! Hindi yun ang iniisip ko, gago! Ugh, you’re such a perverted jerk—“

“Tss. You’re too transparent.” Tinitigan niya ako na para bang inaanalisa niya ang buong pagkatao ko.

Ngumisi siya at saka pinagpatuloy ang sinasabi. "I never knew that you're that green."

Teka. Ano daw? Ako transparent? Ako green minded? Ang kapal talaga ng ulupong na ito! Waaa, gusto ko siyang wrestlingin hanggang sa magmakaawa siya sakin at tumakbo palayo. Palayo sa buhay ko. Ugh, I hate this guy so much! 

“Defensive ka masyado. Obvious tuloy.” He smirked.

 Inilabas n'ya ang kanyang notebook at inumpisahan ulit sagutan ang mga itinuro ko sa kanya.

Don't tell me na kaya n'ya ako dinala dito kasi dito namin itutuloy ang pagre-review? Masyado ata akong naging assuming. I thought... ugh! NEVERMIND.

My not so Ideal BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon