Chapter 7

95 3 0
                                    

Misis

Medyo may katagalan naman ata yung dalawang ulupong na yun? Wait, bakit ko ba iniintay pati si Xyle.

Shunge Kayli, malamang umuwi na yun sa kanila. Intayin mo na lang yung kuya mo na umuwi dahil wala yung dalang susi. Shunga kas! Kainis.

Time check…  11:21pm

Wala ba talaga silang balak umuwi?! Buti na lang talaga at sabado bukas kaya okay lang na mapuyat ako.

Ilang minuto pa ang nakalipas, medyo nakakatulog na din ako sa sofa ng biglang may sumigaw sa labas…

“Kayli. Buksan mo 'tong pinto!” si kuya with matching kalampag pa sa pinto. Hindi pala naka-lock yung gate?

“Ayan na! Wait lang. Di makapag intay? Makakalampag parang walang bukas! Tulog na mga kapitbahay hoy!” ganting sigaw ko habang binubuksan ang pinto. Tapos nakita ko si kuya kasama si…

“Hala kuya! Anyare d'yan?!”

Puro pasa kasi si Xyle. Kahit naman papano eh nag-aalala padin ako sa itsura nitong balasubas na 'to. Gwapo pa naman sayang.

“Napaaway kami eh. Halika tulungan mo ko, gamutin natin.”

“Wag na. Uuwi na ako.” Pagtanggi ni Xyle. Yabang talaga. Kala mo naman kaya n'ya pang umuwi sa lagay na yan.

“Shunga ka ba?!” sabi ko kay Xyle. “Kuya kuhanin mo yung first aid kit sa taas.” Sabi ko naman kay kuya.

“Halika nga, tingnan ko 'yang bangas mo.”  At pinaupo ko sya dun sa sofa.

“Halikan?” then he chuckle.

“Eh kung dinadagdagan ko pa kaya yang bangas mo?!”  Bastos talaga to. Nabangasan na nga at lahat lakas padin mantrip!

**Kriiiiiiinngggggg… kriiiiiinngggggg*

“Ako na ang sasagot. Oh eto, gamutin mo muna yan.” sabi ni kuya at iniabot sakin ang first aid kit.

“Okay po, sige po. Byee” sabi ni kuya dun sa kausap nya.

“Patay! Online daw si mama.” Hala lagot kami pag nalaman ni mommy ang nangyayari dito. Kahit pa close na sila ni Xyle, magagalit yun pag nalaman na napaaway si kuya at nadamay pa 'tong isang 'to.

Tanga kasi ni Kuya. Ugh!

“Teka. Gamutin mo na muna 'yan. Ako na lang kakausap sa kanila. Kunwari tulog ka na. Wag kayong maingay ah.” sabay takbo ni kuya sa taas. Naiwan tuloy kami ni Xyle dito.

“Kala ko naman angas nang kuya mo. Takot pala kay mama.” Natatawang sabi ni Xyle.

“Bakit? Ikaw ba di ka takot sa nanay mo?!” mataray kong sabi sa kanya habang nililinis ko yung sugat nya.  Lakas maka-‘mama’ sa nanay ko ah? Kailan ko pa sya naging kapatid? Tsk.

Kawawa naman, nagka-cut yung kissable lips nya. Lande haha!

Teka! Ano ba 'tong naiisip ko? Nahahawa na ba ako sa kamanyakan nya? Oh No.

“Hindi. Aw- Aray! Dahan dahan naman.”

“Tiisin mo para matapos na 'to!”

“Masakit eh! Aw.. Ouch! Hey dahan dahan!”

“Nung nakipag-suntukan ka ba di ka din nasaktan?! Arte nito, para alcohol lang eh.”

Di na ulit sya umimik. Buti na lang tumahimik na 'tong lalaking to.

Pagkatapos kong linisin yung sugat nya at lagyan ng band-aid nakita ko na ngumisi sya.

“Oh. Ano na naman ang nakakatawa at ngising aso ka d'yan?”

“Nothing. It's just that..." Tinaasan ko sya ng kilay.

"That?"

"We looked like real couple a while ago. Para tayong mag-asawa.” He continued, pinched my nose and smiled.

Ano daw? Parang biglang nag palpitate ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba aa sinabi nya o sa ngiti nya.

“E-ewan ko sayo!” tumayo na ako at nagdiretso sa kusina para maghugas ng kamay.

Nakakaasar. Feelingero talaga 'tong lalaking 'to.

Hanggang dito, kinig ko yung tawa nya. Hello? What's so funny? Kaloka.

Wait. Tumatawa sya? NG MALAKAS?

Patay, baka makinig sya ni mommy, magtatanong yun syempre! Patakbo akong bumalik sa sala at tinakpan yung bibig nya.

“Sshh… baka makinig ka ni mommy! Ingay mo!” pabulong pero pagalit kong sabi.

“Okay. Okay." He said while holding both his hands up. "Tatahimik na ako pero dito ka lang sa tabi ko.”

“Mukha mo!” Patayo na ako ng tumawa ulit sya ng malakas at nagkakanta ng kung anu-ano.

“Shit. Ayan na, tumahimik ka lang please?!” naupo ulit ako sa tabi nya. Nakita ko naman na nag-smile sya.

Magkatabi lang kami dun at feel na feel nya na gawin akong unan. Nakatulog sya na nakapatong lang naman yung ulo nya sa shoulder ko. Feeling ko medyo tipsy to eh, amoy alak sila ni kuya kaya hinayaan ko na din syang ganan. Isa pa, baka mag-ingay pa 'to kung ku-kontrahin ko pa sya.

**Yaaaaawn* inaantok na din ako.

***

Pagka gising ko wala na si Xyle sa sala. Baka umuwi na yun. Oo nga pala, sa sala din ako nakatulog diba? Baka ipinasok ako ni kuya sa kwarto ko. Ambait talaga nun kahit mabigat ako. Hoho

Nagluto na ako ng breakfast namin, gigisingin ko na si kuya maya ng konti at gigisahin ko sya kung bakit sila napaaway. Baka may hang-over pa yun.

“Good morning Ann...” kailan pa ako tinawag na Ann ni kuya?

“Good morning kuy-- W-what are you doing here?!” Akala ko ba nakauwi na yan?

“Dito ako natulog remember?” preskong sagot nya sakin habang dererechong lumakad papunta sa mesa.

“S-sa kwarto ni kuya?” Oh-em-gee! Positive. Bading nga to. Kawawa naman si kuya baka buntis na ang isa sa kanila. Magiging tita na ako!

“Oo eh. Asar nga, ayaw akong payagan sa kwarto natin matulog.” Then he winked at me.

Infairness, kahit bagong gising at gulo ang buhok eh ang gwapo nya padin tingnan. Pero ano daw?

“A-anong kwarto.. n-natin sinasabi mo?!”

“Don't shout." He pat my head. Aso lang? "Diba sa iisang kwarto naman tayo matutulog pag mag-asawa na tayo?”  he chuckle.

“Hoy! A-anong sinasabi mo! Lakas mo mangarap boy!”

“Hahahaha. Sabi ko wag kang kiligin. Oh misis tara kain na tayo.”

Asdfghjkl what the hell is running in his mind?!

My not so Ideal BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon