Biktima

0 0 0
                                    

Kinabukasan,
headline sa dyaryo at telibisyon ang biktimang babae sa bar.at walang iba kundi si veronica venice.isang sikat na sexy actress.
natagpuan ang bangkay nito sa mismong comfort room ng nasabing bar.ngunit ang malaking katanungan,sino at anu ang motibo ng pumatay sa kanya?

" my queen,till now di pa ako makamove on sa  venice na yun.." Si audy
" everytime na pipikit ako nakikita ko ang hitsura nya nung makita natin sa c.r!!"
" stop it,i dont want to hear that anymore! " naiinis kong sabi
" that' s non sense,ayoko nang pagusapan yang venice na yan.."
Pero yung totoo ,kahit ako di pa rin maalis sa akin ang nangyare.
Palaisipan pa din sa lahat ang nangyareng krimen.
Si jacinto nacino ang huling nakasayaw nito bago mapatay.
Pero sabi ni jacinto,nagpaalam daw ito sa kanya na magsi - c.r.
At nung di na ito bumalik sa dance floor,nakipagsayaw na lang daw ito sa isang socialite girl na si monique rivera.
Monique rivera is the only daughter of mr.arcangel rivera,ang nagmamay ari ng malaki at sikat mall dito sa pilipinas.
Monique rivera is also an actress pero di pa gaanong sikat dahil wala namn itong ibang talent kundi ang umarte ng walang kabuhay buhay..
Oo,maganda siya,pero girl,sa entertainment industry,di pwede na arte lang ang talent mo dapat  
Pang whole package ka,i mean,dapat knows mo kumanta at magsayaw .pero syempre mayaman,kaya artista na rin. Ok fine.peroid na lang!
...................
Ding dong..ding dong....
The door bell is ringing..
Syempre,ibig sabihin may tao..
At syempre,alangan namng ako pa ang magbukas...hello..??
Umarteng nagulat pa audy sa pagtunog ng doorbell..
" oh,sino kaya etech?" Pakendeng kendeng pa itong tinungo ang gate.
" audy,pag taga media yan,sabihin mo out of town ako ok,ayoko ng stress ngayon" pagkatapos nun ,umakyat na ako sa kwarto.
Hay naku,ayaw nila tumigil sa katatanong sa akin.anu ba alam ko sa babaeng yun!
Di nga kami close nun eh,tapos ako yung pagtatanungin nila? Bat hindi kay jacinto sila mambulabog at hindi sa akin ..
Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa malambot kong kama.
Maya maya,narinig ko ang katok ni audy..
" o,baket..sino yung nasa labas..? "Tanong ko.
"Wala na siya sa labas my queen,pinapasoq ko na!"nakangiting sabi ni audy.
" and guess who ito? Gwapo,matangkad ,at higit sa lahat super doper yaman!!" Kinikilig niyang dugtong.
" baklah..di ako si madam auring para manghula noh!"
Hay naku..sino kaya yun?
" babain mo na lang kaya para malaman mo ang da who??"
" ok wAit lang,magbibihis lang ako.gueh na kausapin mo na duon ,sabihin sandali lang!"utos ko kay audy.
Naexcite naman ako sa visitor na to,..
Bumaba na ako sa kama at nagbihis.
Naglagay ako ng konting make up para bongga..
Then,super check ko pa sa salamin ang aura ko kung maganda na ako.
And muntik na akong mapasigaw dahil super ganda ko pala ! Choooos.. Hahah

Pagbungad ko pa lang sa hagdanan ,namukhaan ko agad ang lalaking nakaupo sa sofa.
Walang iba kundi si rodmark wilson.
And girl,daming dala dala..
" ano yan? Galing ka ba abroad? Mali yata ang napuntahan mo?? Biro ko.
Napangiti siya.sumilay duon ang mapuputi at pantay pantay nyang ngipin.
Girl,ngipin pa lang ulam nah!
" para sa yo lahat yan..!" Sabi nya.
"Wow,kakahiya naman sa yo..!anyway salamat ha," grabeh bongga naman pala ang lalaking ito.
" ahm,what brought you here and paano mo nalaman ang bahay ko..?"tanong ko
" binigay ni audy ....nung nasa bar tayo."sagot nya
Sinulyapan ko si audy at pinandilatan.
Nakangisi ang bakla na naka peace sign ang kamay..
" any ways,ang talagang sadya ko dito ay para alukin kang maging modelo ng kumpanya ko" saad ni rodmark.
Syempre,gulat gulatan ang lola mo?
" why me?"i mean di naman  sa tumatanggi ako, pero hindi ko sure if  kakayanin pa ng schedule ko ,i think we need to talk to my manager .."
Whahaha pakipot girl !
" ok ,si levie sanchez ang manager mo right?.." Tanong niya
Tumango ako.
"Here."iniabot nya sa akin ang isang calling card.
" just call me if you are interested para mapagusapan natin ang tungkol sa bagay na ito.."dugtong nya
What the heck..! Yun lang? Huh? Anu bah, bat di na lang katawan mo ini offer mo,para wala ng usap usap! Hahah joke..
At yun nga tinanong nya ako if naka get ofer na ako sa killing issue sa bar.sabi ko sa kanya
" hay naku,sobrang stress na ako sa media noh,panay ako ang kinukulit...paulit ulit lang din namn ang sasabihin ko sa kanila..HINDI KO ALAM AT WALA AKONG ALAM! "
" well,under investigation pa din daw ang kaso.,walang finger prints na naiwan sa krimen so,till now wala pa ding maiturong suspect!"sabi nya.
" pero sino kaya ang gagawa ng ganun kay venice?pero sabi nung mga inbestigador, lalaki daw ang suspect,base dun sa laslas sa leeg ni venice..!"
Nangingilabot talaga ako pag naalala ko ang pangyayaring yun.!

Hay,naku,wag na nga nating pagusapan ang venice na yan..
Go na tayo sa next episode para mabilis heheh..

So yun nga,lumipas ang ilang buwan..back to normal ang buhay ko..
Tinanggap ko ang alok ni rodmark na maging modelo ng ' wilson garments and co.''  Na pag-aari ng kanilang pamilya.
And to make this story short,naging kami ni rodmark .
Sa una,okay naman ang relasyon namin..kaya lang habang tumatagal parang di na ganung ka exciting..
Alam mo yun,yung parang feeling mo na may nagbabago sa ugali nya..
Kasi dati,malambing siya sa akin,ngayon di na gaano
Dati,madalas nya ako tawagan,ngayon madalang na din
Dati,pag may event ako lagi siyang andun,ngayon wala,lagi siyang busy..
Minsan nga,nabanggit ko yun sa kanya and sabi ko magbreak na lng kami pero hindi siya pumayag.
Hay naku,bahala nga siya aantayin ko na lang na siya mismo makipagbreak..tutal kahit kami pa pwede naman akong makipag fling sa iba..ganda ko huh!

"Miss risha villa carte?!" Napalingon ako sa babae sa likuran ko.
kasalukuyang nagpapahinga ako sa bench habang inaantay ko ang set sa pictorial ko para sa isang men' s magazine.
" yes?"sagot ko
" ipinibibigay po ni sir rodmark wilson"si ella .
ang personal assistant ni rodmark.
Iniabot niya sa akin ang isang sobre.
"Ok,thanks ella.."sabi ko.
Pagkaalis ni ella,binuksan ko ang sobre.
Inilabas ko duon ang isang card.
INVITATION CARD
para sa isang costume party.
Nakasulat duon kung saan gaganapin at oras ng party.
Hinagilap ng mga mata ko kung sino ang nagimbita ,pero walang nakasulat duon.
At sa baba nun..nakasulat ang pangalan namin ni rodmark.
Isinilid ko ulit ang card sa sobre.
Hinagilap ko sa bag ang cellphone ko at idinayal ko ang number ni rodmark.
Nakatatlong dayal ako pero iisang boses ang naririrnig kong sumasagot.babae
THE NUMBER YOU HAVE DIALLED IS EITHER UNATTENDED OR OUT OF COVERAGE AREA,PLEASE TRY YOUR CALL,LATER!
Shitt...
Where the hell you are rodmark wilson..

Tapos na nag pictorial ko nang tumawag sa akin si rodmark.at nabanggit ko ang tungkol sa invitation.
Mayroon din daw siya nun.
So ibig sabihin dalawa kaming inbitado.
Oh di ba nga,pangalan naming dalawa ang nakasulat duon?? Ano bah?
Tinanong ko if alam nya ang address na nakalagay duon.
Oo,daw,
Tinanong ko rin if kilala nya ang nagimbita.
Oo daw.
Tinanong ko kung sino?
Surprise daw!
Kainis huh,ginawa pang palaisipan sa akin yung nagimbita sa party.
Tinanong ko if pwede kami magkita mamaya para pagusapan ang party
Sabi nya,tatawagan na lang nya ako mamaya..
Then he drop the call.
See?? Pag ganyan bah ang boyfriend mo tatagal ka girl??

INVITATION CARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon