A-i

394 6 4
                                    

Clap! Clap! Clap!

"Very Good Niece",

Natahimik ang lahat sa pagpasok ni Governor. Hindi ako kumibo kase hindi ko alam kung ano ang sasabihin o erereact.Hindi ko naman inilihim o tinago ang tungkol sa pagiging Garcia ko.

Nataranta ang facilitator ng event. Pinaupo agad si Gov. sa harapan. Mabuti naman at naagaw ang attention ni Gov nung pumasok din si Mr. Aboitez.

"diba si Gov. ang sunod na speaker?", mahinang tanong ni Bang.

"patingin nga ng copy sa programme", sabi ni Ella at kinuha sa kamay ni Mela.

"Ella naman, nagbabasa pa yong tao eh", reklamo ni Mela.

Nanatiling nakayuko lang ako.

"first year ba talaga yang si Lazaro?", narinig kung tanong sa may likuran.

"She's brave and smart ha",sagot naman nung isa.

"Pero siya ba yong tinukoy na niece ni Gov? "

"May iba pa ba? Siya lang naman ang nagsalita kanina",

"Malay natin yong taga St. Therese",

Kung magsalita parang wala ako dito. Helerrr isang kwarto lang kaya tayo. Andito ako oh.

Sumilip ako ng tingin sa harapan nakita kung busy si Gov sa pakikipag usap kay Mr. Aboitez.

" Beauty and brain si Lazaro",
Komento ng nasa harap namin.

I saw Alyssa smirked at the comment.

"Sinabi mo pa, mabait din si Lazaro nakasama na namin siya dati sa sports fest", segunda naman ng isa.

"Lets give around of applause for Governor Garcia", sabi nung speaker

Tumayo kami lahat at pumalakpak. Maiksi lang ang speech ni Gov. iniangat ko ang mukha ko at nakita kung nakatingin sakin si Sir Villamor ngumiti naman ako sa kanya, kahit ba medyo naoffend ako sa binatong tanong niya kanina . Agad ko ding iniwas ang tingin ko sa kanya.

Nagmamadaling umalis si Gov dahil may ibang appointment pa daw ito. Lumingon ito bigla nung nasa bukana na siya ng pinto at nagmartsa pabalik sa loob. Nakasunod naman ng tingin ang lahat ng estudyante ky Gov kung ano ang susunod na gagawin nito.
Lumaki ang mata ko nung naglakad siya papunta sa inuupuan ko.

She opened her arms widely, asking for a hug.

Nagdalawang isip ako pero nung tumingin ako sa kanya ay napakatamis ng ngiti nito kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya at yumakap.

"Good luck niece, I know you can do it", she said after we hugged.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Masyado na kaming agaw eksena.

"Ipapasundo kita mamaya for dinner", nakangiting sabi nito. Gusto ko sanang magprotesta pero bumeso na ito sakin at tumingin sa katabi ko kaya napatingin din ako. Ngumiti si Gov kay Alyssa.

"Miss Valdez, good luck sa inyo ng pamangkin ko. Ikamusta mo ako sa papa mo", naguguluhan man ay pinili ko na lamang ang manahimik.
Kilala niya si Alyssa.
How? Its for me to find out. Not now.

"Thank you Madam, Opo makakarating po sa kanya"
Magalang na sagot ni Alyssa.

"Mag ingat kayo, aalis na ako.
By the way sama ka na ky Dennise mamaya ipapasundo ko kayo for dinner ",

"Okay po. Salamat po",

Umalis na si Auntie pero ang kwartong inuokopahan namin ay tahimik parin. Siguro nagulat sila o di makapaniwala sa nangyari. Kahit ako din ay di rin makapaniwala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What can Love doWhere stories live. Discover now