Sa huling pagkakataon. . .
Sa sulat ko idadaan
itong aking nararamdaman
Nang ang kalungkutan ay mabawasan
Nag simula ang lahat sa simpleng asaran .
Hanggang sa unti unting di ko na namalayan.
Ang Pag ibig na nabuo ng hindi inaasahan.
Ang magulo kong buhay ibigyan ng kabuluhan.
Binago mong buo ang aking buhay.
Ang madilim na paligid ay nilagyan ng kulay.
Binali at pinutol ang matatalim kong sungay.
Itinuwid ang lakad kong pasuray suray.
Pag ibig na akala ko'y mag tatagal
Ngunit ngayo'y satin sumakal
Pag iibigang puno ng sagabal.
Patawad mahal. . .
Lagi kong iniisip oras oras, minu minuto
Bakit nga ba nag kaganito?
Ano na ba ang nangyari, dba nakakalito?
Ni hindi na malaman kung mali ba o wasto.
Kung maiibalik ko lang ang oras at panahon.
Hindi ako mag dadalawang isip ibalik ang kahapon.
Upang ayusinin at bigyan ng solusyon.
Itong nag papahirap satin na sitwasyon.
At ngayong wala ka na sa akin.
Hindi na malaman ang dapat gawin.
Masakit man, ngunit akoy umaasa parin
Kahit wala ka na'y patuloy kitang iibigin.
Saan nga ba kukuha ng lakas ng kalooban?
Upang itoy kayanin at malampasan.
Mahal wag mo sana akong sukuan
Kaya natin tong masolusyunan.
Mahal alam kong ikay nahihirapan.
Ngunit hindi pag pagsuko ang kasagutan
Kapit lang, Pangako di kita bibitawan
Sasamahan kita kahit saan pa man
Hinding hindi kita iiwanan.
Ngunit lahat ng kwento ay mag katapusan.
Bawat umpisa ay may kadulu-duluhan
Lahat ng bagay ay may hangganan
At tulad na lang din ng ating pag mamahalan.
Salamat sa lahat at patawad,
Patawarin mo ko sa hindi ko pag layo, at papatawarin kita sa hindi mo pag lapit.
Patawarin mo ko sa di ko pag suko, at papatawarin kita sa hindi mo pag sugal.
Patawarin mo ko sa di ko pag bitaw, At papatawarin kita sa di mo pag kapit.
-THE END-
Sana magustuhan nyo tong tula. Ginawa ko tong tula na ko base sa totong nangyayari samin. Kaya medyo madrama. :))
BINABASA MO ANG
Tula tungkol sa Pagibig
PoesíaMunting tulang aking isinulat upang ang mga mata mo'y mamulat