BYAHENG Pag- ibig

30 1 0
                                    

Marami sa atin palaging tinitignan yung mga taong makakasabayan natin sa biyahe. marami din tayong mga na eencounter 

habang nasa byahe tayo.

Yung iba kung makasandal sa atin akala nila nasa bahay lang sila at natutulog sa kama.

Kung minsan naman naka-upo tayo malapit sa driver at palaging taga abot ng bayad.

lalong lalo naman kung naka tabi ka ng gwapo o maganda

maiisip mo yung kantang "Jeepney Love story"

Itago nalang natin sa pangalan na Mr. Lyceum ang lalaking palagi kong nakakasabay kapag pumapasok ako sa school.

Simula palang na makasabay ko siya eh parang feeling ko eh gusto ko na siya. hindi siya ka gwapuhan at hindi rin naman lahat 

mapapatingin sa kaniya pero syempre depende naman sa taong titingin yun di ba?

Unang araw na makasabay ko siya sa biyahe nung wash day namin maybe this is the first time na halos hindi maalis ang mata ko 

sa kakatingin sa kaniya muntikan na nga niya kong mahuli na nakatingin sa kaniya eh pero syempre magaling ako kaya hindi niya 

nakita

halos ilang minutes lang ang biyahe na makakasabay ko siya kaya alam ko ng  saglit lang na makikita ko siya

sa mga panahong yun parang totoo ngang ayaw mo ng pumara? yung mga mga ganung feeling

so naisip ko ng yun ay huli ko ng makita siya syempre naman sa dami ba naman ng nagbabyahe eh makakasabay mo siya? tsaka 

malay ko ba sa schedule niya alangan naman eh antayin ko siya sa terminal para lang makasabay siya

at ayun nga bababa na.

nalungkot ako sa hindi malamang dahilan. sabihin niyo nang malandi or OA ako pero yun talaga yung naramdaman ko that time.

magkaiba naman kame ng way kaya hindi ko siya nakasabay.

nung nasa school ako gustong gusto ko ng ikwento sa mga kaibigan ko yung nangyari pero alam ko hindi naman maganda kung 

para akong tangang kinikilig sa nakasabayan ko lang naman sa biyahe.

uwian na namin pero super excited akong umuwi hindi dahil makakapag pahinga ako kundi umaasa akong makikita ko siya ulit

hindi ako nagkamali. nakita ko siyang nakasakay na. kaso paalis na yung sinasakyan niya. kahit ganun pa man masaya ako na may 

posibilidad palang makita at makasabay ko siya ulit

pagdating ko sa amin naisip kong hindi ko siya makakasabay kinabukasan dahil  medyo late na yung pasok ko

kinabukasan magybabayad na ako nung makita ko siya na nakasakay na. nakaharap ko siya. yung feeling na pareho ba kame ng 

sched kaya nagkakasabay kame? so sobrang kilig ko lang dahil imagine eh nasa harap ko lang siya? sobrang umaasa tuloy akong 

araw- araw ko na siyang makakasabay.

eh sinulit ko na talaga eh natutulog siya kaya this is it. free na titigan ko siya hanggang makababa.

sa kasamaang palad bigla siyang dumilat at naging dahilan na makita niyang nakatingin ako sa kaniya.

sobrang namula ako nun at iniwas ko talaga yung tingin ko malapit na ngang mabali dahil ayaw kong makita niya na guilty ako. 

sobrang nakakahiya halos gusto ko nang lumubog sa kinakaupuan ko eh

pero mukhang wala lang naman sa kaniya dahil natulog na siya ulit

ayun malulungkot nanaman ako dahil babaan na

Halos everyday nakakasabay ko na siya. at take note nagiging reason siya para hindi ako malate ang aga ba naman niyang 

pumasok eh. pareho ata kame ng sched kaya nakakasabay ko siya. minsan nga naisip ko inlove na kaya ako sa kaniya? at 

madalas eh iniisip ko pano ko kaya siya makilala? parang nakakasawa din kasing hanggang tingin ka nalang?

then halos ganun ang nangyayari sa loob ng isang sem na pumapasok ako. parang minsan nga wala ng epek sakin eh dahil yun lang 

lagi. eh siya kaya naiisip niya na bakit palagi kameng nagkakasabay? minsan kasi darating sa point na parang gusto mong 

maramdaman na gusto ka din niya na hindi lang ikaw yung masaya sa tuwing makikita mo siya?

it was second sem kaya mahaba habang bakasyon ang aantayin ko para makita siya ulit. sa sobrang love ata eh hinanap ko na 

siya sa facebook eh. yung tipong sa dame ng gumagamit nun eh makikita ko ba siya? pero syempre malay mo may mutual friend 

kami hindi naman ako nawalan ng pag- asa eh. kaya lang failed hindi ko siya nakita. baka hindi uso sa kaniya ang facebook.

Now 1st sem na at inaasahan kong makikita ko siya ulit pero months na hindi ko na talaga siya nakita ulit.......

Then I realized it was just a co- incident na nakakasabay ko siya na dapat hindi ko hinayaan na madevelop yung feelings kasi 

diba malabo naman yun.

( itago nalang din natin siya sa pangalang "Ms. wait")

nakakatuwa isipin diba na minsan nga darating na naiinloved tayo sa maling panahon at maling lugar? imagine nalang sa girl na 

ito diba? maybe walang happy ending pero pupwede palang magmahal sa mga ganun panahon hindi ba?

ang sabi nga nila hindi mo naman pwedeng diktahan eh. kung kelan ba? or kung kanino ba?

So sana nagustuhan niyo at mejo nakarelate kayo sa kwento niya. malay nyo hindi pa pala ito ang ending? pwede pa silang 

magkita ulit at malay din naman natin na alam ni guy everytime na magkakasabay sila :)

-aljace30-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BYAHENG Pag- ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon