~~ Maxene's POV ~~
Nandito ako ngayon sa mall, kasama ko mga friends ko. Sina Patricia, Rebecca, Toni at Sandra.
"Maxene kayo ba ni Danilo?" Tanong ni Rebecca
"Ha?! Hindi ah!" Sabi ko na medyo naiinis
"Bakit hindi?.. ang pogi pogi ni Danilo" sabi sakin ni Toni na medyo kinikilig
"Hay nako Toni.. nakakita ka nanaman ng gwapo, kulang nalang kidnapin mo yung tao" sabi ko kay Toni
"Uy si Danilo ba yung nakikita ko?" Sabi ni Rebecca
"Nasaan nasaan?" Toni
"Ayun oh!" tinuro ni Rebecca si Danilo sa gilid ng jollibee siya nakaupo
Tiningnan ko yung tinuturo ni Rebecca, oo nga nandoon si Danilo.
Tinulak ako ni Rebecca.
"ARAY! ANG SAKIT HA!" sabi ko na medyo naiinis
"Sus! Pakipot ka pa. Lapitan mo na!" sabi sakin ni Rebecca na pabiro
"Ayoko nga!" sabi ko
"Kung ayaw mo ako nalang" sabi sakin ni Toni at talagang tinotoo niya yun, nilapitan niya talaga si Danilo at kami naman ng mga kasama ko ay nakatingin lang sa kanila
~~ Toni's POV ~~
"Hi Danilo ☺" nginitian ko siya
"Hi Toni.." ngumiti din siya sa akin
"Ikaw lang mag-isa?" tanong ko kay Danilo
"Oo, bakit ka nga pala nandito?" tanong niya sakin
"Wala lang. Nakita ka lang namin." sabi ko
"Ah. May kasama ka pa?" tanong niya na medyo nagtataka
"Oo, kasama ko din si Maxene" sabi ko sa kaniya na naka-smile
"Ah alis na ako" tumayo si Danilo at umalis papalayo
Lumapit na ako kina Maxene.
"Oh bakit umalis si Danilo?" tanong sakin ni Maxene
"Di ko alam eh, nagmamadali siya ata." sabi ko sa kaniya
"Ah sige tara na gala muna tayo." saad ni Maxene
~~ Maxene's POV ~~
Bakit kaya umalis yung lalaki na yun.
Habang lumilibot kami ng mga friends ko sa mall, bigla nalang akong napatingin sa gilid hindi ko alam kung bakit. Nakita ko doon si Danilo, akala ko umuwi na siya.Habang naglalakad yung mga friend ko, ako naman ay lumapit kay Danilo. Pinabayaan ko lang silang maglakad lakad, kahit hindi nila alam.
"Hi Danilo" sabi ko sa kaniya at katabi ko siya
"Anong kailangan mo?" tanong niya sakin na pataray (parang bakla amp)
"Grabe ka naman, ang sama mo!" sabi ko sa kaniya na medyo naiinis
"Joke lang 'to naman di mabiro" nginitian niya ako (ang cute niya )
"Anyways, wala ka kasama?" tanong ko sa kaniya habang kumakain
"Wala, nasan na yung mga friends mo?" Danilo
"Hindi ko alam eh, pinabayaan ko sila maglakad lakad. Hindi nga nila alam na kasama kita." sabi ko sa kaniya
"Ah ganun ba, gusto mo?" inabot niya sakin yung popcorn
"Salamat" syempre kinuha ko na sayang eh, favorite flavor ko pa naman yung kinakain niya.. wahh caramel flavor!
BINABASA MO ANG
BestFriend ♡
AcakDito mo malalaman kung paano magkaroon ng BoyBestfriend o kaya naman ay GirlBestfriend. Naranasan niyo na ba ito? Happy Reading. :)