Recap: (Back to Daphney and Darius)
"Ahh.Good Evening po tito, tita. Nandiyan na po ba si Daphney?"
"Yes Hijo. Nandoon sa kwarto." - Tito Seig
"Thank you po tito. Aakyatin ko lang ho."
"Go on."
Buti naman pala at nakarating siya ng safe and sound sa bahay nila. Kumatok ako sa pinto at agad niya naman binuksan.
"Daphney, anong oras kang nakauwi? Ok ka lang ba? Anong sinakyan mo? Hanggang anong oras kang naghintay sa school? Tinawagan mo ba sina Tito at Tita? Bakit di ka tumawag sakin kanina? Di sana naalala ko kaagad. Im sorry kas---"
Naputol ang sasabihin ko kase tinignan niya ako ng masama. Alam mo yung tingin na mapapatigil ka talaga sa lahat ng mga ginagawa mo? Heto yun. Nakakapanlambot ng tuhod. Ambakla pakinggan pero totoo. Nakakatakot.Si.Daphney.Ngayon. Parang ang lakas maka-black ng aura niya. Killer. Tinignan niya ko ng masama for about 5 seconds. Then, pabagsak niyang sinara yung pintuan niya ng pagkalakas lakas. Hindi ako magtataka kung sira yun bukas. Sobrang lakas! Nabingi ata ako.
So, galit na naman siya. Yea right. Im such a douche. Daphneeeeeeeeeey. Not again. TT_TT
I was wrong for thinking this day is just a Double Trouble because honestly? It was worser than TRIPLE.
Chapter 7: The Dare
Umuwi ako ng bahay namin ng magka-galit na naman kami ni Daphney. Seriously? Anong nangyayari sa buhay namin at bakit palagi na lang kaming nag-aaway ngayon? Aii, hindi pala kami nag-aaway. Nagtatampo lang lagi si Daphney kase nagiging iresponsable na ako. Yun, galit na naman siya. ARAW-ARAW. At sa totoo lang, naiinis na ako sa sarili ko.
"Haaaaay buhay..." Pumasok na ako ng kwarto ko. "Makaligo na nga muna."
After 25 minutes, nakahiga na ako sa kama. Iniisip kung papano ko na naman susuyuin si Daphney bukas. SUSUYUIN talaga? Para akong boyfriend na nahuli ng girlfriend niya na may kasamang iba at ngayon ay nawiwindang sa kakaisip ng sasabihin para hindi makipag-break sa kanya ang girlfriend niya. Tsk. Tsk. Kaya lang, di naman kami mag-nobyo ni Daphney. Para kaming magkapatid at mapalad ako dahil ako ang matanda, meaning I need to be a full-time brother to her lalo na at babae siya. I remember that day when she made me promise to be with her side everytime.
Flashback: May 16, 2004
Bakasyon noon. Naglalaro kami dun sa bahay nila ng mga barbie niya. OO, mga BARBIE. Pero siyempre, hindi naman yung mga common barbie na puro mga babae at binibihis-bihisan. Meron kaming certain barbie na nilalaro noon. Yung binigay sa kanya ni mama na family set. It composed of a father, mother, two daughters and one son. Syempre, ako yung humahawak sa tatay. Si Daphney naman dun sa nanay. Ganoon kami magbahay-bahayan noon.
"Prince, after 10 years sapalagay mo mag-lalaro pa tayo ng ganito? Bahay-bahayan?" Seryosong tanong niya.
"10 years? Hmmn. Edi 18 na tayo. Binata at dalaga na tayo nun ee! Adik ka ba? Pagtatawanan na tayo ng mga tao nun! Heto nga lang paglalaro ko ng barbie kasama ka panigurado pag may nakaalam nito pag malaki na tayo, pagtatawanan ako ng todo ee." I pouted.
"Pero pumayag ka pa rin naman maglaro ng ganito kasama ko." She smiled sweetly.
Tumango na lang ako. Naaalala ko pa nun na pag ngumingiti na siya ng ganon, wala na akong magawa. Yung ngiti na lang ni Daphney ang nakikita ko kahit na nawawala yung isa niyang front tooth noon.
"Bakit ka pumayag?" She asked habang nakakunot ang noo. Letting me know she's really curious.
Napaisip ako. Bakit nga ba? "Wala lang. Do I have a choice rather than this?" Sabay taas ko dun sa manikang lalaki. "Alangan namang laruin natin ee yung skateboard ko. Di mo naman alam laruin yun. Nagkasugat-sugat ka pa."
BINABASA MO ANG
The Twin's Affair
Teen FictionI've known her since our diaper days. Actually her mom and my mom are best of friends for who knows when. I am with her in my entire life. NO KIDDING. We are like twins. Same bithplace. Same birthday. Different time. (Im 53 minutes older than her)...