Supernatural Prologue

41 1 0
                                    

Prologue

Once upon a time, sa isang maliit na bayan ng New Orlando may limang klase ng pamilya.

Hindi sila mga maharlika na may mga sariling palasyo pero may mga bahay sila na sing laki nito.

Maraming kayamanan at maimpluwensya ang bawat pamilya. Isa isa ay nagbigay ng mga palatukuran para makamit ang matiwasay na pamumuhay.

Lugar ng mga mukhang tao. Pero sa kaloob-looban ay mga halimaw.

Una sa limang pamilya na ito ay ang mga Djinn.

Sila ang mga halimaw na nagbibigay ng 'masayang kamatayan' sa kadahilanan na habang ikaw ay pinapatay nila ng paunti-unti, hindi mo ito mararamdaman dahil nalulunod ka sa akala mo'y panibagong buhay ngunit panaginip lang pala.

Sila ang nag mamay-ari sa bandang timog ng lugar.

Ikalawa ay ang pamilya ng mga Wraith.

Mga pangit na halimaw. Makikita mo ang kanilang tunay na anyo sa mga salamin o sa anong makinis na bagay na maaaring makita ang repleksyon. Pumapatay sila gamit ang matalim na bagay na lumalabas sa pulsuhan nila. Sa bandang kanluran naman ang kanilang destinasyon.

Ikatatlo. Vampires. Hindi typical na Bella at Edward. Hindi nasusunog ang mga bampira sa isang maaligam-gam na araw. Nagtatago lang sila sa araw dahil ang sinag ay nakaka-apekto sa kanilang mata.

At napaparami nila ang kanilang lahi sa pamamagitan ng pagsalin ng dugo sa isang tao. Nasa silangan naman ang mga bampira. Kung saan ang kagubatan.

Ikaapat ay ang mga Shapeshifters. Sila ang mga halimaw na nangongopya. Itsura, boses, galaw at kahit ano man ang mayroon ang taong kinopya nila ay magagamit nila.

Isa sila sa mga nakakatakot dahil kahit hawak o sa litrato lang magagaya ka nila. Though, hindi nila malaman ang nasa isip mo kung hindi ka nila nahahawakan still, mapanganib pa rin sila. Nasasakop nila ang hilaga.

At ang huli. Ikalima. Ang mga Werewolves.

Mabangis, matalas ang pang-amoy, mabilis gumalaw at mga dominante. Nasa kanila ang sentro ng New Orlando.

Ang iba't ibang pamilya ay kinakaibigan sila lalo dahil isa sila sa mga pamilya na hindi dapat kalabanin. Wala silang pili. Pamilya lang nila ang kanilang iniisip. O ang iba naman ang kanilang sarili lang.

Iyan ang mga halimaw ng New Orlando at isa ako doon. Oo, isa akong halimaw. Isang werewolf.

**A/N: Hi guys! Some names are based on Supernatural but some aren't. And about the monsters' skills and what bouts are just work of my imagination. Hindi lahat binase ko sa Supernatural kung ano sila doon. So, please enjoy this story! ^_^ Sino pala maka Dean dito? I bet most of us? Hihihi! Apir!**

Started: July 2016 😁
Published: October 13, 2017 😂

Imperfectly PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon