Supernatural 1

25 0 2
                                    

Chapter 1

WEREWOLVES DEN...

"Oh, anak ready ka na bang pumasok sa school niyo? Be friendly, okay? Remember, no fights and no threats." Bilin sa akin ng aking ina na si Sara. She's a wonderful mother. Caring, sweet and nice.

"Mom, I'm not Julian. And for wolf's sake mom, I'm a girl! I won't pick a fight with others. Tsss. It's your son you should worry about."

But sometimes, Mom is so overreacting.

"Hoy Violet! Sinisiraan mo na naman ako kay Mom!" It's my brother Julian. Short-tempered-jack-ass brother.

"Like, duh. Totoo naman kaya!"

"Okay.. okay.. stop it you two! Lumabas na kayo at kanina pa naghihintay ang driver."

"Thanks Mom! Bye! Mwuah!" We kissed mom and went outside. It's our first day of school. And btw, I'm Violet Duval and my family is a bunch of werewolves. ;)

SUPERNATURAL UNIVERSITY

Hayyy nakooo.. Bakit ba kasi kailangan pang pumasok kami sa paaralang ito? Tsss. Iyan tuloy wala akong maka-usap.

Ang kapatid ko namang si Julian nandoon sa mga kaibigan niyang mga maaangas.

Ang Supernatural University ay paaralan para sa 16-17 year old na babae at lalaki na nakatira dito sa New Orlando.

Yup, lahat ng mga estudyante rito ay mga halimaw. Pero may peace and order naman rito.

Maliban siguro sa iba. Pareho din sa mga normal na tao may mga bully rin dito. You know, teenagers pa rin naman ang mga halimaw dito. Haha.

And one of the bullies... tadaaa! Julian and his pack. First year pa lang ako rito pero marami rin akong narinig na usap-usapan sa mansyon namin galing sa mga katulong na si Kuya nag hahari-harian daw dito. Kungsabagay wala namang mas matanda pa rito sa school na ito dahil dalawang taon lang naman ang iginugugol rito.

Bakit 16 years old bago pumasok rito? Kasi ito ang hustong edad kung saan naku-control na ng bawat isa sa amin ang mga katangian na aming tinataglay.

Ang unang taon sa paaralan ay ang mga dapat naming malaman sa bawat pamilya na nabibilang sa New Orlando. Strengths, weaknesses, skills at lahat-lahat ng bagay.

Sa ikalawang taon naman ay trainings. Para maprotektahan ang aming mga sarili sa mga hunters.

Hunters, ang mga taong nagh-hunting sa amin. Sa mga bagay na hindi karaniwan dito sa earth. Sila ang mga taong hindi dapat namin makasalamuha.

Marami na silang napatay na mga kalahi namin kaya kailangan na naming mag-ingat. Lalong-lalo na dito sa New Orlando.

Enough with the narration muna, mag-aaral na ako. Tssss. As if marami akong makukuha. My whole life is a bore. Hindi ako masyadong pinapayagan ni Mom na lumabas ng bahay noon kaya sa malaking library lang ako lagi. Not to boast but, I think what I know is already enough.

So I'm here na in this new classroom and I kinda feel out of place. Puro wraith ang kasama ko ngayon. Argh, nahihiya naman akong makisalamuha kasi baka sabihin nila FC ako. I'm not into socializing with others din kasi.

"Oh, look what we have here. Is that you whitey-witty-Violet?"

And here comes the bitches! One of our own. Nadia- my cousin. I hate her, really.

"Hi there cuz! Good to see you here." I said then gave my most plastic smile. We can't stand to face each other. That's the only thing we have in common. HATRED.

Imperfectly PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon