Chapter 1

4 0 0
                                    

"Ma, dito ka lang po ha? Bibilhan lang kita ng gamot mo. Wag kang mag-alala, babalik din ako kaagad." Sabi ko kay Mama.

Oo may sakit si Mama. At ang pinakamasakit kase wala akong magawa. Tumigil na nga ako sa pag-aaral para magtrabaho ng maaga para may panggamot lang sa kanya. Ganon ko kamahal mama ko.

I'm Karla Thesia Humazaki. Japanese ba apelyido ko? Di ko nga alam eh, pero sabi ni Mama Japanese daw tatay ko. Di naman talaga ako mukhang Japanese ehh. Pero yun din apelyido ni Mama.

Pumunta ako sa pinakamalapit na Pharmacy. Naglalakad lang ako kesyo wala kaming pera, mahirap lang kasi kami.

Matapos kung bumili ay ewan ko ba kung bakit bigla nalang akong kumaripos ng takbo. Masama ang loob ko na may hindi magandang mangyayari.

At nung nakarating ako, DUN NAGSIMULA ANG KALBARYO KO.

She Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon