Chapter Four- "Online Chat"Tulala lang ako, di ko kasi magawang magsalita.
"Oh teh tubig, kanina ka pa tahimik baka panis na laway mo"
"Thanks, ang laki ng tulong mo"sagot ko
"Eh kasi naman! Akala ko ba move on ka na? Eh ano tong pinapakita mo sakin?"
Hindi ko na mapigilan. Umiyak na ako. Shit! "Hindi pa ako naka move on"
"Oh ayan naman pala eh! Lumabas na ang baho"
"Wala ka bang advice diyan?! Di ka nakakatulong eh!"inis kong aniya
"Teh! Walanh silbe ang mga advice ko kaya tatanungin nalang kita"
"Oh ano yun?"
"Gusto mo bang mag move on?"
Napatigil naman ako, gusto ko bang mag move on? Ang tanga ko din kasi eh. Nag eexpect pa ako na pwede pa, na kaya pang ibalik ang matamis na nakaraan.
"Oh ayan! Yan ang problema! Kaya hindi ka maka move on kasi ayaw mo."
"Gusto ko naman eh!"
"Ang gulo mo! Para kang b•lb•l! Kainis!"sigaw niya, napatawa naman ako.
"Alam ko na, kasi umaasa ka pa. Naku teh! Kung ako pa sayo! Magpakasaya ka! Mag hanap ka ng bagong lovelife! Jusko! Sayang ang beauty!"
"Wala bang mas matino diyan?!"aniya ko sabay pahid ng luha ko, buti nalang gumaan na ang pakiramdam ko, thanks to my bestie na kahit walang kwentang kausap e nakakagaan naman ng loob.
"Ewan ko sayo! Teh! Move on ang sulusyon diyan! Maniwala ka!"asar niyang sabi
"Eh paano ba?! Di naman kaya ng sikmura ko ang makipag eyebol sa mga lalake!"sagot ko
"Eh kasi nga! AYAW.MONG.MAG.MOVE.ON!! Letche!!!"stress na stress niyang sigaw at enemphasize pa ang 'ayaw mong mag move on'
"Bakit ka ba sumisigaw? Hindi naman ikaw ang may problema"
"Heh! Ikaw ang problema ko, bakit ba kasi hindi ka nahawaan ng kalandian ko?! Para naman everybody happy!"
Napa facepalm naman ako, jusko.
"O sige! I'll try!"iritado kong sabi.
"Anong itra-try mo?"na alala ko naman yung ad na nag popout sa cellphone ko.
"Online chat?"

BINABASA MO ANG
Love me again
Romance"One cannot be in the here and now if they are looking backward to examine what was or forward to worry about the future" The ninth Law. -A