Paalam Na

41 0 9
                                    

Alam na alam ko
Sa puso ko ikaw parin ay nandirito.
Masakit na isipin,masakit na tanggapin
Ang katotohanang wala kana sa akin.

Malinaw pa sa aking mga alaala
Nung una tayong magkakilala
Malinaw pa sa aking mga alaala
Mga masasayang panahon nating dalawa.

Nooy sabi mo sa akin
Wala knang iba pang mamahalin
Ikaw lang at ako
Tayo lang dalwa sa ating mundo

Pero di naglaon
Nag iba ang panahon
Tila ayaw mo na sa akin
Kahit na anuman ang aking gagawin.

Lahat pilit ginawa
Wag ka lang mawala
Nakikiusap,nagmamakaawa
Sa huli, wa parin akong napala.

Ngayong wala kana sa aking piling
May isa lang akong hiling
Sanay maging masaya ka sa kanya
At hindi ka sana sasaktan pa.

Lagi mong tandaan,
Mahal kita magpakailanman
Pero gusto ko rin na iyong malaman
Hahanap din ako nang aking kasiyahan.

Salamat sa lahat nang nagawa mo para sa akin
Sa pagmamahal, at sa pagtanggap mo sa akin.
Salamat narin kay Bathala
Di dahil sa kanya'y di kita makikilala.

Patawad kung ako may nagkasala
Di ko yun sinasadya.
At sanay malaman mo
Wala na akong galit sayo.

Ikaw na dati kong "asawa"
Mag ingat ka palagi ha?
Miss na miss na kita
Pero sa tingin ko, ito'y paAlam na.

Sa tamang panahon, sana ako'y kakaibiganin mo na.

Paalam NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon