Chapter 1

62 4 5
                                    

Chapter 1

"Oh mahal kong Terese. Ang iyong mukha ay walang kapantay. Ang tagyawat moy hindi nang-iiwan at ang ngipin moy walang kasing dilaw." at narinig ko na naman ang tawanan ng mga kaklase ko.

Araw-araw ganyan ang sumasalubong sa akin.

At ang mas nakakainis pa niyan ay ang crush kong si Clyde ang nangbwibwisit sa akin.

Matagal ko na siyang gusto.

Si Clyde kasi gwapo, matalino yun nga lang masyadong maloko. Pero mabait naman yan.

Noong una, kontento lang ako sa pasulyap sulyap sa kanya.

Ano nga naman ang isang Terese sa mga babaing nagkakagusto sa kanya.

Hindi naman sa pangit ako. May pimples lang talaga ako sa mukha.

Hindi naman ganyan si Clyde sa akin dati eh.

Hindi ko nga lang alam kung ano ang nakain niya at naisipan niyang pagtripan ako.

Siguro kong hindi lang niya ako nilalait tuwing pinapansin niya ako. Siguro ay tuwang-tuwa na ako.

Sino ba namang hindi?

Ang pansinin ka ng taong gusto mo at campus crush pa huh!

Pero iba eh.

Sa tuwing pinapansin niya ako, may kasamang lait. May kasamang pang-aasar.

Sino ba namang matutuwa niyan?

Ang harap harapan kang laitin ng taong gusto mo.

Para na rin niya sinabing kahit kailan ay hindi ka niya magugustuhan.

Ang sakit kaya nun.

Pero sa araw-araw na pang-aasar niya sa akin ay wala akong sinusumbat sa kanya.

Katulad ngayon.

Pagkatapos niya akong asarin at pagtawanan ng mga kaklase ko ay diretso lang akong umupo sa upuan ko.

"Ibang klase din talaga kung man trip niyang si Clyde. Hindi kaba naiinis?" tanong ng katabi at pinsan kong si Kurt.

"Hayaan mo na lang."

Actually, kaunti lang ang nakakaalam na mag-pinsan kami.

Wala din namang nagtatanong eh.

"Palibhasa kasi, gusto mo yung tao."

Oo, alam niyang gusto ko si Clyde. Siya lang ang sinabihan ko.

"Manahimik ka nga, baka may makarinig sayo." ang daldal din nito minsan eh.

"Okay. Fine" minsan talaga naiisip kong bakla tong pinsan kong to eh.

Kung nagkataon, naku! Sayang ang lahi! Ang gwapo pa man din nitong Kurt na to.

"Pakopya nga ng assignments" tss. Lage naman eh.

Binigay ko na lang sa kanya ang notebook ko saka nagreview para mamaya.

"Mukha mong kasing oily ng porkchop at kasing gaspang ng rocky road. Yan ang mukha ng mahal kong si Terese"

"Katawan moy di sexy. Mukha moy walang beauty. Pero wag kang mag-alala , pwede kang tambay sa puso ko sinta."

Ilan lang yan sa mga banat sa akin ni Clyde.

At sa lahat ng yan ay wala parin akong sinumbat sa kanya.

Bakit ko naman siya susumbatan?

Totoo naman lahat ng panglalait niya sa akin eh.

Kaya wala akong karapatang magreklamo.

Pero tama nga sila, gaano man kalalim ng balon, may hangganan parin ito.

Akala ko ay sanay na ako aa araw-araw na panlalait sa akin ni Clyde.

Pero masakit parin pala.

Masakit parin palang tanggapin na ang taong gusto mo ay walang ibang ginawa kundi laitin ka.

Kaya isang araw, hindi ko inaasahan pero para na lang ako naging bulkan.

Basta-basta na lang sumabog.

Siguro nga napuno na rin ako.

Siguro nga ay masyado na akong nasasaktan at hindi ko na kaya pa.

"Good morning mahal kong Terese. Kumusta na ang pimples mo? Ilang dosena na ba yan? At ang baby fats mo, ilang kilo na ba yan?" muli ay narinig ko na naman ang wantusawang tawanan ng mga kaklase ko.

"Oo na! Tama na! May pimples nga ako, may baby fats, oily ang mukha, dilaw ang ngipin. Ano pa! Ano pa ha?"

"Ano pang gusto mong ilait sa akin? Kung akala mo nakakatuwa yang ginagawa mo, pwes hindi! Hindi ako natutuwa. Kung sila natutuwa, pwes hindi ako."

"Ibahin mo ko. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit para sa akin yang mga sinasabi mo? Kung gaano kasakit na ang taong gusto mo, walang ibang ginawa kundi laitin ka."

"Kung ikaw natutuwa ka sa panglalait mo. Pwes,wag ako ang laitin mo dahil punong-puno na ako. Sumosobra ka na!" and there, ive said it.

Pagkatapos niyan ay tumakbo ako papuntang school grounds.

Wala akong pakialam kahit may mga nakakakita sa aking umiiyak.

Masyado ng masakit eh.

A cry in the school grounds for who knows how many minutes hanggang sa naging okay ang pakiramdam ko.

"Tapos kana?" napalingon ako sa taong nagtanong sa akin.

Kahit naman hindi ako lumingon, alam kong kay Clyde ang boses na yun.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I just want to tell you sonething" saka siya umupo sa tabi ko.

"Do you know the story of a girl and his annoying classmate?" hindi ko siya sinagot.

"There was a girl named Therese. Shes not that pretty, she has pimples, yellow teeth, oily face and even baby fats." abay loko to ah.

"Pero, she has a big yet soft heart. Sobrang bait niya. And thats the reason why a boy fell in love with her."

"Yun nga lang, hindi naman siya pinapansin ni girl. Kaya ang ginawa niya ay inaasar niya ito araw-araw. Linalait niya ito but gusto talaga niyang iparating dito ay kahit hindi siya kagandahan ay mahal niya ito."

"Only if she just responds to his tease. But she didnt. Until the day came na sumabog na lang siya, and that day also, he had know that the girl likes him too."

"Pero sabi niya, ang daya. Mahal ko siya pero gusto niya lang ako. Pero okay lang. Gagawin niya ang lahat para mahalin din sya ng babae. Ipapakita niya kung gaano niya kamahal ito. Yun ay kung papayag ang babaeng ligawan siya ng lalaki." tsaka niya ako tiningnan na parang nanghihingi ng sagot.

All this time, mahal niya pala ako.

All this time, kaya pala inaaasar niya ako ay para pansinin ko siya.

Stupid him....and..me!

Tiningnan ko siya. At hinhintay parin niya ang sagot ko.

"Mag-iinarte pa ba ako?" his lips immediately form a sweet, genuine smile.

"Tss. Annoying classmate"

*************************

Okay, 2nd one shot. Sana magustuhan niyo.

Thanks!

My Annoying ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon