One

294 8 3
                                    

"Ano Spade? Sorry nanaman kase hindi mo sinasadya? Nakalimutan mo? Busy sa school? Na-traffic? Ano pang excuses ida-dahilan mo ngayon ha?!" She said at the very top of her voice. Sa almost 3 years namin pagsa-sama, bibihira ko lang siya makita magalit saakin ng ganito, dahil kadalasan nagpipigil siya at napaka haba ng pasensya ng nilalang na 'to. Isama mo pa ang pagiging mahinhin niya, kaya pag sumisigaw na siya ibigsabihin lang nun ay sagad na sagad na yung pagtitimpi niya saakin.

"Krysta, sorry na talaga. Deadline kase ng grades kanina kaya nakalimutan ko yung dinner date natin." Pagpapahingi ko ng patawad sakanya, tiningnan niya lang naman ako at tinaasan ng kilay.

"Bagong excuse nanaman? Nice!" She replied habang pinapalakpakan niya pa ko. "Spade, kailan ko pa sayo sinabi tong dinner date na to? Magiisang linggo na kitang inaaya pero lagi nalang hindi natutuloy dahil sa mga excuses mo." Nanghihinayang niya pang sinabi

"Babawi talaga ako hon bukas, promise!" Sabi ko sakanya, nag cross my heart pa nga ako.

"Promise? Pero siguro sa pagbalik ko nalang, may kailangan kase akong ayusin na papers sa Korea."

"Oh right. Kailan nga ba ulit flight mo?"

"Thursday morning. Wag mong kakalimutan okay? Ikaw pa man din maghahatid saakin." Natawa naman ako sa sinabi niya, ako pa talaga makakalimot?

"Ako ba or ikaw?" Biro ko. "Kidding, oo naman pero paano pala yung 3rd anniversary natin?" Tanong ko, sayang naman yung hinanda kong surprise kung di siya makakapunta diba?

"Don't worry hon, sa mismong araw ng anniversary natin nandito na ulit ako." She assured me.

"By the way, kumain ka na ba?" She asked.

"Nope, ipagluluto mo ba ko?"

"May magagawa pa ba ako?" Sagot naman niya.

For almost 3 years namin na pagli-live in, she was there in ups and downs of my life. She was there to make me feel na may halaga ako. She never fails me to make my day complete, for short? She is my happiness, my everything.

"Bye hon, ingat sa flight okay? Kakao mo ko once you arrive Korea." Bilin ko sakanya.

"Alright, mamimiss kita kahit 1 week lang ako dun." She said while she's hugging me.

"I will miss you too." I replied.

"Check in na ko hon, I love you!" Sabi niya while she's waving her right hand.

"I love you too!" I also wave my right hand, hanggang palayo na siya ng palayo.

Mabilis lumipas yung araw. Even though wala siya rito sa bahay, nafe-feel ko pa rin yung presence niya through skype. I really miss her so much, sana mas lalo mag fast forward ang oras.

"Uy dumaan ako MS Entertainment kanina." Pag sha-share niya saakin while she's eating ramen.

"Really? Nag audition ka naman?" I asked. Eversince pinangarap niya talaga maging singer sa Korea, pero mas pinili niya ang pagtuturo ng music dito sa California because she really want to serve people through teaching.

"Hahaha hindi. I just took a picture, grabe nakakamiss rin pala ang Korea." Sagot naman niya.

"Pero mas miss kita." Banat ko.

"Cheeeeeesy." Maikli niyang isinagot saakin. "Miss na rin naman kita, pero mamaya na rin naman flight ko. So mayayakap na rin kita ulit." She added.

"Hon I'm really sleepy, pwede matulog na ko?" Pagpapaalam ko sakanya.

"Matulog ka na, kaya ka parang stick tsk!" Nilait pa kong stick, pasalamat siya malakas siya saakin.

"Good night!" I said, kiniss ko naman yung screen, ganun rin naman ginawa niya

"Good night din." After that, di ko na namalayan nakatulog na ko.

"Happy 3rd anniversary hon!" I greeted her while I'm handing her a bouquet of roses.

Napa-yakap naman siya saakin. "Thank you hon, grabe nag effort ka pang magsurprise saakin." Naiiyak niyang sinabi saakin.

"Anything for you my Queen, huwag ka ng umiyak okay? Syempre this will be our last anniversary bago tayo ikasal, kaya dapat lang ma-effort." I replied, pinunasan ko naman yung mga luhang dumaloy sa pisngi niya.

"May nilalanggam, may nilalanggam!" Pangaasar saamin ni Luna.

"Happy 3rd anniversary pala sainyo!" Pagbati saamin ni Ailee.

"Thank you!" Pagpapasalamat ni Krysta.

"Kain na tayo!" Yaya ni Victoria saamin.

"Sige sige, mauna na kayo." Sagot ko.

"Spade..." Mahinang tinawag saakin ni Krysta. "I love you Spade, I'm so blessed to have you. Thank you sa lahat, thank you for loving me. Thank you sa pagiintindi saakin-" Hindi pa man siya tapos sa sasabihin niya, nagsalita na ako agad.

"Shhh." Tinakpan ko yung bibig niyam "Ako dapat yung mag thank you, I love you too Krysta-"

Ring ring ring!!!

Nagising naman ako sa ingay ng alarm clock ko. "Panaginip lang pala, akala ko totoo na." I whispered to myself, bumangon naman ako agad para ihanda ang aking sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Another LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon