May isang batang, Sobrang taba. Mahilig siyang kumain ng kumain. Iyon ang hilig niya. Mahilig siyang manuod ng Movie. Mahilig siyang magcomputer. Yun lamang ang tanging ginagawa niya araw araw.. Wala siyang pakialam kahit na sabihan siya ng mga magulang niya na ang taba na niya. Marahil, Wala siyang pakialam dahil gusto naman niya iyon..
Bakasyon na, Kakagraduate lang ni JM ng elementary. Sa tingin 'ko ay wala nanaman siyang ibang gagawin kundi Kumain ng Kumain. Magcomputer, Matulog atbp.
Kakagising lang ni JM at siya ay abalang abalang abala sa pagbaba ng hagdan dahil siya ay nagugutom na.
" Mommy! Anong Ulam natin ngayon ?! " ang sabi niya.
" Anak, wala pa'ng ulam. Maghintay ka muna saglit at magsasaing lang ako. "
" Nagugutom na ako Mommy! Ang tagal naman oh! "
" Saglit nalang ito Anak, Matatapos na. Ano ba, Huwag ka nga'ng magmadali at matatapos na ito'ng niluluto ko "
" Opo sige na Mommy "
Si JM ay nagmamadali dahil magcocomputer na'daw siya, Hindi siya makapaghintay kaya't binuksan na niya ang computer at naglaro nalang siya ng naglaro..
" Anak, Luto na ang pagkain. Kumain ka'na muna. Uunahin mo pa'ba ya'ng nilalaro mo ? Bago ka kumain ? "
" Saglit lang Mommy, Teka lang. Ba'ka matalo ako sa nilalaro ko ! "
" Kumain ka'na muna. Bilisan mo! "
" Opo. He'to na nga't kakain na po. "
Pagkatapos kumain ni JM ay muling bumalik siya sa pagcocomputer, Hindi niya alam na inabot na pala siya ng hapon sa pagcocomputer niya.
" Haa!? Anong oraas na pala! Mag gagabi na. Kaya pala ang sakit na nga mga mata ko. "
" Oo nga oo nga, Itigil mo na'nga yan at kanina ka'pang umaga diyan" Ang sabi ng kanyang Mommy.
Pinatay na ni JM ang computer. Pumanhik at pumunta sa kanyang kwarto, humiga at nag-isip..
" Haaaay! Sana pumayat na'ko. Haha! Wala eh. Computer lang naman ang kaibigan ko. Wala naman akong magagawa. Obese ako. Sa tingin ko mahihirapan ako'ng magpapayat nito :( "
End of Chapter 1