Pentel

1.6K 359 38
                                    


Pentel

ni: CorrectionFluid


"ANG pangit naman ng sulat mo!"

Sabi nila, masama raw ang ugali ko.

Well, hindi ko sila masisisi. Totoo naman kasi.

Men came along my way. Oo, tama ka. Men. Plural.

Sabi nila, I.S.O. raw ang standards ko.

Why not?

Kung alam ko namang deserve ko ang best para sa sarili ko, bakit hindi ako magkakaroon ng standards diba?

I see nothing wrong with that.

"Ang yabang naman ni boss! Ikaw kaya magsulat?"

He's a typical guy na may pangit na sulat. I was looking intently at him habang nandito kami sa pantry. He's preparing his visuals, well, sort of. Formal observation niya yata kaya siya naghahanda.

"Give me the marker. Ako na. Kaysa naman tuluyang ma-murder yung cartolina sa kamay mo."

Men used to define me as someone who's very headstrong. Yung tipong 'cannot be reached' daw. I, for one second, don't believe their explanations and other shenanigans.

Natutunan ko lang talagang maging matapang at a very young age. Kailangan eh. Sundalo ang tatay ko. Ako naman ang bunso sa pamilyang puro kuya. Sino nga bang hindi magiging headstrong diba?

"Nasaan ba ang instructions pati problems? Anong page dito sa book?"

He was smiling coyly at me. I was about to be conscious nang bigla siyang nagpahangin.

Literally and figuratively. Mas lumakas ata ang hangin sa pantry na nagmumula sa ceiling fan.

"Walang instructions at problems. Sa utak ko lahat nanggagaling yun."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Well then, i-dictate mo sakin nang matapos na 'to."

As I've said, he's typical.

He loves basketball. He bleeds music. May pagka – athletic din. He's also approachable dahil sa galing niyang makisama. Papasa ng Mr. Congeniality, kumbaga.

Samantalang ako, atypical.

I'm a lady who's feared by many. Maraming kumakalat na chismis tungkol sakin. I was labelled names like amokera, judgmental, mapanlait, echosera and worst, maldita. Sabi ko nga, hindi ko sila masisisi.

Sa tagal ko na sa school na 'to, napakarami ko na rin kasing naranasan. As the cliché goes, "experience is the best teacher." Sa dami na rin ng nakasalamuha kong tao, alam na alam ko na kung sino ang fake at genuine.

Atypical ako dahil sa dinami-rami ng nakakabit na pangit na pangalan sakin, still, many are clueless about the real me.

Ang nakikita lang nila is yung negative side ko. Every person deserves to be known deeply, not just by the way she looks, not just by the way she fights for what she believes.

And so, I'm atypical because people have known my fondness of books, despite the fact that by profession, I should be more inclined to numbers, not letters.

I'm also known for my penchant for our school's Friday attire. Instead of wearing the usual blouse and skirt, I dared to be different. I wore dresses.

Lastly, they don't know that inside my maldita façade, is still a woman who loves her family immensely.

Ironic lang din, dahil sa dinami-rami nang nagdaang lalake sa buhay ko, this young man managed to get past my defences.

PentelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon