Domino Effect

152 3 3
                                    

Tanong ko lang, ba't ba mas pinipili nating mahalin yung mga taong hindi tayo mahal? Ang saklap noh? Parang domino effect lang eh, I fall for you, you fall for her ang trip. Diba pwedeng matuto tayong magmahal sa mga taong nagmamahal din satin?

Ika nga nila mas mabuti pa ang mahulog sa kanal kesa mahulog sa taong di ka mahal, sana lahat tayo may ganitong ugali at paniniwala ano?

Teka muna, ano nga ba talaga yung love? Ito ba ay isang kathang isip lamang? Ito ba ay isang damdaming pinapantasya ng mga taong walang magawa sa buhay? Hindi eh, none of the above, ang love ay pagiging kuntento sa kung ano ang meron satin. Pero tayo mga tao, we tend to look for a better person kahit may binigay na si Lord para satin.

Its like finding the best corn sa isang napakalawak na cornfield, may nakita ka ng napaka healthy na corn, di mo pa pinansin dahil youre hoping na baka sakali'y may mas heathy pa na corn sa unahan, not knowing wala na pala, at di ka na pwedeng bumalik sa dinaanan mo. Going back sa sinabi ko kanina, bakit nga ba di natin minamahal yung taong nagmamahal satin? Kagaya sa paghahanap ng corn, bakit ka pa naghahanap kung nasa harapan mo na ang para sayo? Hay nako.

Ako mga pala si Paula, fresh graduate sa highschool. Mag iisang taon na kami ng boyfriend ko, marami na kaming pinagdaanan, feel ko nga nacomplete ko na ang level for ups and downs sa relationship, may mga moments na we break up, then we love again. Times na hindi mo talaga alam if you have to let go or hold on. Right from the start, akala ko siya na. I enjoy his company, he never fails to make me smile. Pero, like all other relationships, bittersweet din yung sa amin.

Everytime we fight and feel like its the end of our relationship,  

Ako talaga yung nagho-hold on. Di ko alam kung ano ang nasa kanya na di ko siya kayang bitawan. Ngunit, umabot sa point na mismo ako, ay napagod na rin. Di ko alam kung bakit pero I have this feeling na baka hindi nga kami para sa isa't isa.  

Kaya we decided to end our relationship.

Time passes by, may nakilala akong tao. Si Carlo, 3rd year college, siya yung tipong tao na pag nakausap mo siya parang nawawala lahat nang pagod mo. Nasa "moving-on stage" pa ako noon, at nakilala ko si Carlo, siya yung parang naging kuya, bestfriend, at "bitterness-receiver" ko. Araw araw na kaming nagte-text at chat. May mga araw na he asks me to go out with him, and talk about stuffs na kami lang dalawa nakakaintindi. At during those times, parang nasa ibang planeta ako, na kami lang dalawa ang magkasama at I dont have to worry about a thing dahil kasama ko siya. Kapag kasama ko siya parang may background music na "Something bout the way, something bout the way you look in my eyes, you make everything so damn easy"

My feelings grew eventually, di ko mapigilan dahil napaka impossible para sa isang babae ang di siya mahalin, Minsan naman kasi, parang pinapaasa niya ako na possibleng maging kami, kaya my love for him really grew, in my own ways, parang sinasabi ko sa kanya ang feelings ko but I know he will never love me back. .

Isang araw he started sharing about this girl na crush na crush niya. syempre, as a friend, wala akong magawa kundi sumuporta sa kanya. May iba na siyang gusto, kaya ako Im trying to force myself na hindi siya mahalin and for us to remain friends, best friends. Si Carlo, ang tumulong sakin to move on, to see life differently, pero ang napaka saklap ay he never taught me how to live life without him.

Palaging sinasabi ng friends ko na "Uy, Paula, time will come mawawala yan, di na yan magpaparamdam" And I firmly replied "Di no! Di ganyang tao si Carlo."

ngunit Umabot nga sa punto na hindi na siya nagpaparamdam, Nasanay akong tumanggap ng goodmorning messages mula sa kanya, ngunit ngayon hindi na. Parang kinalimutan na ni Carlo ang lahat. Di ko alam kung may mali akong ginawa na bigla nalang siyang nawala nang parang bula.

There are also times na Im texting him, tapos he wont reply. Alam kong may load siya, alam kong nababasa niya yung mga text ko, but he chose not to reply, at di ko alam kung bakit.  

Times na dapat magkikita kami, tapos di siya sumipot, di man lang siya nagsabi ahead of time, that he wouldnt be there.

Masakit pala no? Pag iniwan ka ng taong mahal mo, tapos nagmahal ka ulit, at iniwan ka na naman. During this time, may mga lalaki that are asking me to go out with them, di ko gusto eh. Gusto ko siya ang kasama ko. Pinangako ko sa sarili ko na the next time I date someone, it should be him, it should be Carlo. Kahit alam kong di na yan possible, im still putting my hopes up.

Bakit nga ba ganito tayo? Why do we opt to love those who doesnt love us back?

Hanggang ngayon, Im still looking forward for my good morning messages and our late night chitchats. Im still looking forward for more tea times, for more times na we choose to forget our problems and enjoy the company of each other.

Kahit sandali lang yung pinagsamahan namin, I can say that it was all worth it. All the tears I shed for him, the laughter We shared, it was all worth it.

Right now, Im still thinking of him, still looking forward for a life with him. But as I wait, Ill be preparing myself for him, ill make myself the best he could ever have, because I know, he deserves it, he deserves the best.

At sana, kung di man siya yung para saakin, sana'y matuto akong tumingin sa mga taong nagmamahal sakin. Dahil isa din ako dun eh, isa ako sa mga taong, mas pinipiling mahalin yung mga taong hindi ako mahal, at sa huli'y masasaktan lang pala.

Sana ikaw din. Sana, marealize mong mahalin yung mga taong nagmamahal sayo, di yung mga taong pilit kanang pinapalayo sa buhay nila. We cant deny the fact that all of us will hurt one another, pero isa lang yung masasabi ko, we should choose the ones who are worth the pain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Domino EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon