Chapter 3: Try.

15 0 0
                                    

Rhiane's POV

"Ay palaka kang butiki ka!" Nasabi ko na lang bigla nung may kumalabit sa akin habang naglalakad ako sa hallway. Muntik muntikan ko ng mabitawan yung hawak hawak kong libro. Nahulog nga lang yung mga nakaipit na lapel dun.

Aissh! Mahalaga pa naman yung mga yun.

"Kasi naman, e!" Asik ko habang pinupulot yung mga nagkalat na papel sa hallway.

Tinulungan ako nung nanggulat sa akin. Nakita kong si Sean yun at natatarantang siyang pinupulot yung mga papel ko.

"Sorry, Rhin." Bulong niya sa akin habang nagpupulot ng mga papel.

"Sorry din. My fault. Natetense kasi ang inner self ko, e." I said giving him a reassurring smile.

It's been five days since that day that I sang in front of the crowd. Di ko alam kung bakit pero sobrang nabablanko ako kapag naaalala kong kumanta ako sa harap ng maraming tao.

Hindi siya big deal sa iba kung tutuusin... Pero sa akin. OO! Isa yung napakalaking big deal kasi FIRST TIME! Imagine. First time kong kumanta in front of the crowd.

Di ko na ata kayang ulitin pa yun...

Nang matapos kaming magpulot, tumayo ako at saka ko kinuha sa kanya yung mga nakuha niya. "Salamat..." Napabuntong hininga ako. Mag-aayos na naman ako nito ng mga records. Hayst.

Aalis na dapat ako nung narinig kong tinawag niya ako. "Yes?" Paglingon ko.

"Ahh... Wala naman. Pinapasabi lang ni Ate Racquel na kung hindi mo kayang magpunta dun sa audition... Tawagan mo daw siya." sabi ni Sean at saka tuluyan ng umalis.

Lalong bumigat yung pakiramdam ko kasi napepressure na ako.

Para kasing... Nakapangako ako tapos hindi ko na kakayaning tuparin. I know that promises are meant to be broken pero... Ayoko namang may madisappoint sa akin.

Simula nung Saturday... Simula nung kumanta ako sa harap ng maraming tao... Natataranta na ako na napepressure na kinakabahan na ewan.

Feeling ko kasi di ko na kakayaning gawin ulit yun. Di ko nga alam kung paano ko nagawang kumanta sa harap ng maraming tao, e. Naku naman...

Nung mahatid ko yung papeles at libro na hawak hawak ko sa faculty ni Ma'am Irene, dumiretso ako sa room namin para sa susunod kong class. Excused dapat ako ngayon dahil may pinapagawa sa akin si Ma'am Irene.

Langya kasing mga kaklase. Iboto ba naman akong Vice. Alam naman nilang hindi ako masyadong nakikisama Kay Francheska tapos iboboto nila akong Vice niya.

Aissh...

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ni Francheska sa akin pagpasok ko pa lang ng room. Yung tono niya, parang di makapaniwala.

Luh... Ano na naman bang ginawa ko dito?

"Di ba nandun ka pa kay Ma'am Irene? Hinahanap ka niya!" Asik niya sakin at muntikan na akong matawa dahil sa itsura niya. Di talaga siya makapaniwalang nandito ako. Pfft.

"Kakasabi niya lang sa akin 10 minutes ago na nasa principal's office siya. Break time ko daw muna." I said as a matter-of-factly. Problema nito? Niloloko niya ba ako?

Nilagpasan ko siya at dumiretso ako ng upon sa pwesto ko. Nilapag ko sa desk yung notebook para sa subject na sunod-- dahil yun lang ang dala ko kasi naiwan ko sa faculty ni Ma'am yung gamit ko-- at saka yung ballpen. Manghihingi na lang ako ng papel kung may quiz.

"You should not be here!" Francheska whined and I can say that she's getting a lil' ugly. "You're really a moment wrecker! This is supposed to be my moment!" After niyang sabihin yun, padabog siyang umupo sa upuan niya.

Discovered. [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon