***VIRUS ***

147 6 5
                                    

(NORMAL POV )

“ noong mga panahong tinanggalang ng korona si lyra .. wala talaga akong balak na paghiwalayin silang dalawa ni ethan.. yun ay dahil alam kong si ethan na lang ang natitra para sa kanya!”--- malungkot na sabi ni eliz.

“ ituloy mo .. wag kang matakot..handa akong making!”---seryosong sabi ni chris.

“ pero nagulat ako ng bisitahin kami ni Richard ng isang opisyal.. si henry.. ang ama ni oxford.. naaalala mo ba nung pumunta si oxford sa school niyo para saktan ka..yun ay dahilutos yun ng kanyang ama !”---pagpapatuloy pa niya.

“ natatandaan ko nga ang hampas lupang iyon !”---seryoso pa ring sabi ni chris.

“ hindi ka lang isang beses na pinagtangkaan ng mga opisyal.. hindi ba’t minsan ka na nilang pinagtangkaang dukutin nuong maliit ka pa ?”--- pagkukumpirma ni eliz sa kanya.

“oo , sa tingin ko iyon yung iniligtas ako ni ethan ng punong puno siya ng dugo ..!”--- sagot ni chris sa kanya .

“ ang mga iyon ay isa lamang pagsubok para malaman nila kung tuluyan na bang gising ang iyong kapangyarihan.. nung unang beses ka nilang pagtangkaan ay nagbalak na talaga silang tanggalan ka ng kapangyarihan.. pero dahil nga kay ethan .. hindi natuloy yun! Kagaya ng sinabi ko kanina wala talaga akong balak na paghiwalayin sila.. pero ng dumating si henry nagbago ang lahat..

         Isang mind controler si henry.. kinontrol niya kami at pinilit na isagawa ang ritwal at pagpalitin ang pagpapares!”--- malungkot na sabi ni eliz.

(ELIZ POV )

“ parang dinudurog ang puso ko ng Makita ko kung paano naghirap ang dating prinsesa, pero wala akong magawa .!”--- dagdag ko pa sa kanya.

“anung dahilan at mas pinili ng mga opisyal si ethan na mapangasawa ko kesa kay owen?”---nagtatakang tanong ng prinsesa sakin.

“dahil ang akala nila mas mahina si ethan kesa kay owen.. ang hindi nila alam kusa naming sinelyuhan ang kapangyarihan ni ethan !”---sagot ko sa kanya .

“sinelyuhan ? bakit ?”--- taking tanong niya ulit .

“ dahil lubhang kalagim lagim ang kapangyarihang meron si ethan mahal na prinsesa..isa siyang deroxni pero taglay niya ang kapangyarihan hindi makakayang taglayin ng isang deroxni lamang ..!”---dagdag ko pa.

“anong kapangyarihan ?”--- tanong ng prinsesa.

“kamahalan kakaiba ang kakayahang iyon .. nakita ko nay un ng isang beses ngunit sa hindi malamang dahilan ay nakalimutan ko rin.. nagamit niya na rin yun minsan sa harap ninyo ng minsang tangkain niya kayong iligtas .. ikaw kamahalan natatandaan mo pa ba ang pangyayaring iyon ?”---tanong ko sa kanya.

“tama ka, marahil ay nakita ko na nga rin iyon kaya lamang ay hindi ko na rin matandaan!”---sagot niya sakin .

“yun ang hindi alam ng mga opisyal ang akala nila mas madali ka nilang makokontrol kung isang mahinang ethan ang nasa tabi mo !”---sabi ko ulet sa prinsesa .

“ pero eliz .. anung dahilan at nawala ka ng sobrang tagal.? Lubhang nagtatanim ng hinanakit at galit sayo si owen ng dahil sa pangyayaring iyon ?”--- tanung niya ulit .

“ hindi ko sila naalagaan dahil nagging abala kami sa pag-aayos ng mga problema !”--- malungkot kong sagot sa kanya .

“anong problema ?”--- tanong niya .

“nang malaman ng mga opisyal na tuluyan nang nagising ang kakayahan mo .. naisip nilang hindi na gagana kung ikaw ang gagamitin nila kaya nag-isip silang alternatibong paraan para pabagsakin kayo...at nauwi nga sila sa isang plano !”----sabi ko ..

“anong plano !?”--- sabik na tanong niya sakin .

“ang ubusin ang mga deroxni ... naisip nilang kapag nawala kami wala nang prinsepe o prinsesa pa ang isisilang sa royal family!”--- pagpapaliwanag ko.

“napakasama talaga nila !”--- galit na galit na sabi ng prinsesa.

“ nagpakalat sila ng isang virus na tanging deroxni lamang ang itnatamaan .. sa oras na mahawaan ka nito sa loob ng isang lingo ay unti unting maagnas ang iyong katawang lupa hanggang sa maubos ito!”--- naiiyak na sabi ko habang inaalala ang mga kamag-anak ko na unti unting naubos sa mismong harapan ko.

“ paano kayo nakaligtas kung ganon ?”--- tanong niya ulit .

“nung panahong iyon may 5 deroxni ang may kakayahan na tumuklas ng gamut ng kahit na anong karamdaman .. pero dahil hinahadlangan nilang matuklasan naming ang mga unas ang 5 ay nagging 4 , 3, at nung dalawa na lamang silang natira ay syaka nila natuklasan ang lunas.. pero 10 deroxni na lang ang natitira.. hindi kami nagpapakita o nakikipag-usap kila owen at ethan ng mga oras nay un sa takot nab aka mahawa sila sa nasabing virus .. pero isa lang ang masasabi ko kahit na ganun hindi kami nagkulang sa pagsubaybay sa kanila mula sa malayo ..”

Magsasalita pa sana ang mahal ng prinsesa ng dumating ang asawa ko..

“ kamahalan “---- gulat na sabi ni Richard .

“ ayus lang Richard.. nalaman ko na ang mga bagay na dapat kong malaman kaya’t aalis na rin ako !”---sabi ng mahal na prinsesa .

Pagkatapus sabihin nun ay tumayo na siya syaka naglakad palabas ng pinto ..ng nasa tapat na siya noon ay bigla siyang huminto .

“sa ngayon magpahinga na muna kayo !”--- sabi niya samin .

Pagkatapus nun ay nagtuloy tuloy na siya sa paglalakad hanggang sa mawala na siya sa aming paningin pero ng mawala na siya ay may naramdaman akong kakaiba sa aking katawan ..

“ eliz ? a-ang kapangyarihan mo ay nagbalik na !”---- masayang sabi ng asawa ko.

Lumapit ako sa kanya syaka yumakap ..

“ ang mahal na prinsesa .. sigurado akong siya ang nagbalik ng kapangyarihan ko !”---mahinang bulong ko sa kanya .

“ talagang napaswerte natin at nagkaroon tayo ng prinsesang katulad niya !”--- Masaya ring sabi ni Richard .

Tama ka asawa ko nararamdaman ko ring hindi siya mananahimik lang sa isang tabi pagkatapos ng lahat ng nalaman niya .. sabi ko sa isip..

(CHRIS POV )

Nangigigil ako ...

Walang kapatawan ang lahat ng ito..

WALA !!

Hindi ako mananahimik lang sa isang tabi pagkatapos ng lahat .. humanda sila ..

Naglakad ako papunta sa upisina ng papa ko ...kailangan nilang malaman ang lahat ...

SAWANG SAWA NA AKONG MAGING TAU-TAUHAN SA MGA LARO NILA ... ORAS NA PARA SILA NAMAN ANG PAGLARUAN ..

****SSSSSLLLLLAAAMMMNNN!!****

Malakas na balibag ko sa pinto ng opisina .. nakita ko naman ang mga magulang ko na bahagyang gulat pa sa ginawa ko..naupo ako ng walang pasabi at inumpisahang ikwento sa kanila ang lahat ng nalaman ko.. nagulat sila at hindi makapaniwalang may ganung klase ng bagay ang naganap..

In short talagang itinago sa kanila ng mga opisyal ang nangyari .. halatang ginawa nila ito para maiwasan nila ang pagtulong ng royal family sa mga deroxni ..

Hindi naman naitago ni papa ang galit dahil isa rin itong dating deroxni ..

“SHIT !! kung alam ko lang ...mga hayop talaga sila !”--- gigil na gigil na sabi ni papa.

“h-hindi ko ito inaasahan.. tayo nga ang dahilan kung bakit nangyayari to sa kanila ..hindi ko dapat pinagsalitaan si Richard ng ganun!”--- hindi naman makapaniwalang sabi mama..

Bumuntong hininga ako ..

“ kung may magagawa lang sana tayo para sa kanila at sa mga sarili natin !”---- mahinang bulong ni papa ..

That’s it yun lang naman ang hinihintay kong marinig eh ..!

(A/N : pasensya na ulit sa paghihintay .. hindi po ako magsasawang humingi ng pasensya sa inyo kasi hindi rin kayo nagsasawang antayin ang UD ko salamat much po talaga ! bye bye ..

Again please read... vote ... post a comment...and be my fan ..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Do you Believe in Vampires???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon