Chapter 6: *flashback.3*

50 2 0
                                    

Author's Note: 

Guuuys, sorry mali yung nasabi kong info sainyo. di pala nung last chapter yung flashbacks dito na yuun. :) HIHI. anyway, binago ko pala yung title ng story, ginawa ko siyang 'He's Beautiful'. thank you sa lahat ng ngababasa at sumusuporta sa story ko. Ai Shiteru. :** 

Troy's POV

 Nagpunta ako sa ******* Resto para i-meet si Manager at mapag-usapan ang sinabi niya sa text. Pagdating ko dun, andun na si Manager. 

"Oh Troy, andyan ka na pala. Sige, mag-order ka na muna." 

"Sige po, Manager." 

Kung napansin niyo, hindi ko sinisinghalan at sinisigawan si Manager. Para na rin kasing pamilya ang turing ko sa kanya. Tuwing may kailangan ako, andyan siya lagi. At nung nainjure ako, andun din siya para alagaan ako at pagaanin ang loob 'ko. Hindi niya ko iniwan. 

Dumating na ang waiter at nagorder na rin ako, 

"Isang lasagna with ice coffee." 

Habang iniintay namin ni Manager yung order namin, nagusap usap muna kami. 

"Kumusta naman ang school mo, Troy?" 

"Okay lang naman po, manager. Mas lalong hinigpitan ang security." 

"Aaah, mabuti naman kung ganon. Aah, Troy-----------------------" 

Di natapos ni Manager yung sasabihin niya kasi dumating na yung orders namin. 

"aah, sige. Kumain ka na muna, mamaya na lang natin pagusapan. 

Habang kumakain kami ni Manager, may narinig akong 3 babaeng nagbubulungan sa katabing table. 

"Diba, si Troy Cruz yun?" 

"Oo, yan yung nainjure." 

"Tara papicture tayo." 

Siguro, napansin rin ni Manager na naiinis na'ko kaya siya na lang yung kumausap sa 3 babae. 

Natapos naman kaming kumain na walang nanggugulo. Nagpatulong rin kasi kami sa mga waiters at guard para harangin kung sino naman ang magtangkang gumulo sa'min. 

"At gaya nga nung sinasabi ko Troy. Kumusta naman ang injury mo?" 

"hindi ko po alam, at wala akong balak magpacheck-up." 

"Pero Troy, kailangan mong magpagaling para sa susunod na match mo sa Nationals." 

"wag na po kayong magabala pa, dahil di na rin nman po ako sasali sa Nationals." 

"Ano ang ibig sabihin mo Troy?" 

"Nakapagdecide na rin po kasi ako. Titigil na'ko sa paghahigh jump." 

May sasabihin pa sana si Manager, pero lumabas na'ko. Mamaya, di ko na mapigilan ang sarili 'ko at baka pati siya masinghalan ko na. 

Paglabas ko ng ***** Resto, may mga nagaabang ng mga reporters. Buti na lang at tinulungan ako ng guard na makaalis ng maayos at di makuyog ng mga reporters. 

"Troy, totoo bang tinakwil ka na ng mga magulang mo?" 

"Ano ang masasabi mo tungkol dito?" 

Naikuyom ko ang mga kamay ko dahil sa galit. 

Hanggang sa makita ko na nakaabang na ang kotse ni Manager. 

Nagaalinlangan pa ako nung una, pero sabi niya, 

"Sumakay kana, di ko na ipipilit  ang topic na 'yon sayo." 

He's Beautiful.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon