I

8 0 0
                                    

  ↺|Hydra Hearst <photo>
—————

Hydra's POV

"Inip na inip na ako dito! Wala pa ba akong trabaho?".

"Hintayin mo lang malay mo naman 'di ba? Bakit ba atat na atat ka na? Libre naman kain mo dito ha?".

"Isang taon na akong walang ginagawa at tinatrabaho alam mo ba yun? Iba rin kapag may hawak kang pera".

"May balita na ako! Punta ka daw kay boss may utos daw tatrabahuin mo".

Sabat naman ng isa pang tukmol.

"Buti naman at pagod na akong maghintay sa utos niya----".

Aba't? Tinawanan ako ng mga gunggong na 'to? Anong trip nila? Alam naman nilang wala silang tama sa akin huh?

"Ikaw ba? Hindi kasi ikaw si kalbo! Pffftttt..."

Akala ko ako. Pahiya ako dun huh? Malay ko bang hindi ako yun di ba? Loko din talga 'tong mga tukmol na 'to!

"Bahala na nga kayo dyan!".

Bad trip na ako kaya ayun walkout muna ako.

Kaso mas lalo lang akong tinawanan ng mga gunggong nayun!

Talagang ang lalakas ng mga loob ahhh!

Tama babae ako at sa edad kong 17 ay nagtatrabaho na ako at hindi ito isang simpleng trabahong. Isa akong leader ng isang sindikato. Ang totoo niyan ay may master pa kami.

Sumusunod lang kami sa mga utos
niya buhay prinsesa at prinsepe naman kami kaya wala kaming reklamo dun.

Kahit na babae ako ay higit na mas magaling ako sa mga gunggong na yun. Napatunayan ko yun nung 10 taong gulang palang ako. Sinubukan nila ang kakayahan ko at 5 silang mga lalaking umatake sa akin.

Pero natalo ko lang sila agad. Kaya simula nun ay leader na tawag nila sa akin. Kahit na 2 beses silang mas malaki sa akin ay mabilis ko silang napatutumba.

Pambihira man pakinggan pero mas kakaiba kapag nalaman niyo ang kwento ko.

—————

Ros's POV

"Ang sama nito! Ano nang gagawin natin! Wala na tayong make-up artist Ros! Mayamaya na lang ay concert na natin!".

Sabi ng drummer namin sa banda na si Karius.

Hindi naman siya ang nagiisang make-up artist sa mundo makakahanap din naman kami.

Star In Danger | ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon