Chapter 2: Constellations

44 6 0
                                    

Sorry guys sa lame and late update. Hindi kasi na save itong chap. 2 so kelangan ulitin. Kainis. -___-

Btw. Enjoy reading and keep it up.

--------------

 

Sage's Pov

    Andito ako ngayon sa quadrangle ng campus. Ang sarap ng simoy ng hangin lalo na't umaga. Idagdag mo pa ang nakakarelax na katahimikan sa paligid dahil kakaunti palang ang tao dito sa school.

Umupo ako sa isa sa mga bench dito at kumagat ako sa hawak-hawak kong burger na masarap.

Napapikit ako dahil sobra talagang nakakarelax dito ngayon.

Naramdaman kong may tumabi sakin.

"Bro. Kamusta?" Masiglang saad ni Ariel. Kaklase ko. Well, he's not just my classmate, but my best bro friend. Friend kame ni Ariel simula elementary. And we know each other. A lot.

"Ok lang. Ikaw? Bati na ba kayo ni Veronica?" Tanong ko.

"Di pa nga ee. Di kasi ako nakapunta. Maraming tinapos e."

Nabalitaan ko kaseng nagkakatampuhan tong si Ariel at ang syota nyang si Veronica.

"Ok lang yan." Nakangiti kong sambit kaya maging syang ngumiti na rin.

Nasa kalagitnaan kami ng paguusap ni Ariel ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Dali-dali ko itong kinuha mula sa bulsa ko at tiningnan ang message.

From: Tarrababes

           Sage, I'm sorry. Hindi naman totoo yung video na yun e. Sorry talaga kung nasaktan kita.

"Bro. Ok ka lang?" Sambit ni Ariel na parang nag alala. Nabasa nya pala yung message.

"Oo naman. Ako pa ba?" I fake a smile.

"Bro. Wag mo munang isipin yung tungkol dun sa video na ipinalabas sa room natin." Mahinahon nyang tugon. Kaya naman tumango tango na lang ako bilang pagsang ayon.

Sabay kaming napabalikwas ni Ariel ng mag ring ang bell hudyat na simula na ang mga klase sa buong campus.

" Jusko. Aatakihin ako sa puso nito." Sambit ni Ariel habang tinitingnan ang bell na nasa likuran lang pala namin. Kaya naman pala -___-

Dali-dali na kaming nagtungo ni Ariel sa aming silid. Tutal mag kaklase naman kame.

--------------------

 

  "So class, mag kakaroon nga ng filmviewing sa Avr ngayon din. And I expect na magtutungi kayo roon ng mahinahon at walang ng kakasakitan." Pag aanunsyo samin ng adviser naming may edad na na si Ma'am Ramilo.

  "So. Stand up and fall in line. And please act on your age ladies and gentlemens." Pabebe nyang sambit.

Nagsitayuan na nga ang mga kaklase namin at isa na ako don. Pumila kami ng parang kinder. Bakit? Kase yung pila namin, parang hindi pila ng isang highschool dahil sa gulo nito.

Pumasok si Ma'am Ramilo at kinuha ang mga gamit nya tsaka lumabas.

Ngunit bago pa man sya umalis ay muli niya kaming hinarap at tumugon.

"And please, please fall in line according to your height." Sarcastic nyang saad.

Kaya naman imbis na sumunod ay nagtawanan lang kaming lahat.

--------------

  Andito na kami sa AVR (Audio Visual Room).

Iba...

Iba ang pakiramdam ko.

Pakiramdam ko may mga matang nakamasid sa akin sa kwartong to.

Inilibot ko ang aking panigin at hindi nga ako nag kamali.

Isang makisig at mapormang lalaking guro ang nakatingin sa akin.

Yung tingin nya...

Dali dali nyang binaling ang tingin sa iba ng malamang nakatingin na din ako sa kanya.

"Ariel. Sino yung teacher na yun?" Sabi ko at tinuro ko ang teacher na lalake.

 
Alam kong teacher sya dahil naka suot sya ng uniform ng mga teacher dito sa Dr. Daniel's Institute. Pero ngayon ko lang sya nakita. Baka bago?

"Ah yun? Si Sir Seb yun." Saad nya. "Sabi ng iba mysterious daw yang si Sir." Sabi nya sa tonong nananakot.

"Dude, you're scaring the shit out of me." Sabi ko na lamang at tumayo.

      Gusto kong mapagisa. And at the same time. Naiihi na ako. Hahahaha

Dali-dali kong tinahak ang hallway papunta sa silid aralan namin.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na agad sa akin ang malamig na simoy ng hangin na tila mo'y nagbabadya ng paparating na bagyo.

Dali-dali akong pumasok sa cr.

Hay. Ang sarap sa pakiramdam. Nakaluwag den.

Pag kalabas ko palang sa cr ay ramdam ko na na may kakaiba.

Napatingala na lamang ako at napabuntong hininga.

Natuon ang atensyon ko sa kisame ng silid namin ng mapansing napakalapit nito sa akin. Ngunit isinawalang bahala ko lamang ito at naglakad muli.

Nakakailang hakbang pa lamang ako ng mapadako ang tingin ko sa mga paa ko. At nagulat ako sa mga sumunod na nakita ko.

Ako. Habang nakalutang!

Nilibot ko ang paningin ko at natuklasan kong lahat pala ng gamit na nasa loob ng silid ay nakalutang na rin!

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

Ibig bang sabihin nito nakakalipad ako?


Ako na at ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

Imagine may telekinesis power ako at kaya kong lumipad! And the best thing is hindi lang yon isang imagination. I have superpowers.

I have superpowers for real.


End of Chapter 2.

Thanks for reading :)

Pls Vote and Comment.

ZODIAC CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon