"Nanay gusto ko po ng baby alive!!"
Malambing na sabi ni Hailey na nakahawak sa kamay ko at titig na titig sa mga baby alive na nasa harapan niya. Top 1 siya sa klase nila. Kaya bilang premyo niya ipinasyal ko siya.
"Baby, promise ni nanay pag-iipunan ko yan."
Malambing kong paliwanag sa kanya at saka ko siya hinalikan sa noo.
"Aanak anak kasi. Hindi naman pala kayang sustentuhan ang mga pangangailangan ng bata."
Halos manghina ako sa narinig ko mula sa ilang tao na dumadaan sa may likuran namin. Napabuntong-hininga na lamang ako. Sanay na ako na makarinig ng mga ganun.
"Sige po nanay tutulungan po kitang mag-ipon para po mabili natin yung baby alive na gusto ko."
Nakangiting sabi sa akin ni Hailey. Sa kabila ng nangyari sa akin. Masaya ako na mayroon akong Hailey. At hindi ko hahayaang mawala siya sa akin.
"Ang bait naman ng baby ko. Sige, pag iipunan nating pareho ang baby alive mo."
Pagkatapos namin kumain sa Jollibee umuwi na rin kami ng bahay.
***
"Nanay, bakit po kaya laging may nakaparadang sasakyan sa harap ng bahay natin?"
Tanong ni Hailey habang kumakain ng almusal niya. Napansin ko nga rin yun. Baka naman may nagbabakasyon na kamag-anak ng kapit-bahay.
"Basta baby, yung lagi kong paalala sayo ha? Huwag–"
"Huwag makikipag-usap sa hindi kilala at huwag basta sasama."
Habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng kanyang uniporme. Kabisado na niya ang bilin ko. Walang araw na hindi ako nangangamba na baka bigla nalang kunin sa akin si Hailey. Huwag niyo po sanang hayaang mangyari yun Diyos ko. Ikamamatay ko po.
Paglabas namin ng apartment, nakita kong nandoon pa rin ang sasakyan na sinasabi ni Hailey kanina. Kulay pula ito at may tatak na BMW. Tumawag ako ng tricycle at sumakay. Hatid sundo ko sa school niya si Hailey.
***
"Harmony, we have a meeting with the clients. I want you to come with me."
"Yes Ma'am."
Pagkatapos nun ay agad kong inayos ang mga gamit ko at ang mga gagamitin para sa meeting.
"Good morning Sir/Ma'am."
Bati ko sa bawat dumadaang mataas sa akin. Halata naman sa mga ID's at uniforms nila. Nginingitian naman nila ako.
"Excuse me?"
"Yes Sir?"
Nauna na ang boss ko na makasakay ng elevator. Kinuha ko pa kasi sa kotse yung mga gamit niya.
"Mind if i ask where's the conference room here? I think im lost."
"Kung okay lang po sa inyo Sir sabay nalang po kayo sakin. Doon din po ang punta ko."
"Really? Thank you."
Pagtapat namin sa elevator agad niyang pinindot kaya nagbukas at sumakay na kami.
SILENCE
1 minute.... 2 minutes.... 3 minutes....
"Hala! brown out?"
Halos todo ang pagyakap ko sa mga gamit na dala ko.
Ayoko ng madilim! ayoko sa dilim!
"M-miss? are you okay? Relax. J-just relax. Im here."
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Nananatili akong nakapikit.
Natatakot ako! Ayoko na dito!
"Ssh don't cry. Im here. I won't leave you."
Naramdaman ko nalang na yakap na niya ako.
Sandali lang....
Halos maamoy ko yata lahat ng pabango niya sa katawan. Parang kilala ko yung amoy na yun.... Pamilyar. At– yung boses niya. Hindi ko naiwasang tingalain siya at pakiramdam ko nangyari na 'to sakin. Pakiramdam ko nauulit sa isip ko yung nangyari noon. Yung mga nangyari noon.
BINABASA MO ANG
Unchained Harmony(SHORT STORY)
Short StoryAfter that unfortunate night. Harmony's life has changed. Hayley became her strength to face the struggles of life.