A/N: I dedicate this chapter to @kristel0207, Jeanbie, Donna,Irene, Ferly, Kristine and Kaycee, Melrose Erika and Geraldine.
"Naaksidente kaming apat when we're trying to escape from the police. Nabangga kami at napuruhan si Moris. Nagpagamot siya sa America at pagbalik niya he lost his memory."
It's Rich.
"We've tried everything we can to find you Harmony. To pay for what we've done. Pero nalaman namin na itinakwil ka ng parents mo ng malaman nila na buntis ka bunga ng nangyari."
It's Calix.
"Believe us Harmony we tried to find you. Alam ko galit ka sa aming lahat. Sana, bigyan mo ng pagkakataon si Moris."
It's Nike.
"Wala kayong alam sa lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan ko kaya huwag niyong sasabihin sakin na kaya niyo akong tulungan by simply doing this fucking favor!"
"Nanay?"
"B-baby?"
Tumakbo patungo sa akin si Hailey. Tulad ng lagi naming ginagawa nagmano siya sa akin at hinalikan ko naman siya sa noo. Kinalma ko ang sarili ko. Alam kong maraming magbabago paggising bukas ni Hailey.
"Nanay! Tignan mo po oh! mayroon na po akong baby alive."
"Baby kanino galing yan?"
Nagulat ako ng makita kong tumayo mula sa kinauupuan niya si Moris. Samantalang si Hailey ay pumasok sa kwarto niya dala dala ang baby alive niya.
"You can leave now."
"Please Harmony."
Ewan ko pero may kung ano sa bahagi ng puso ko na nagsasabing bigyan ko siya ng pagkakataon para sa anak ko. Para kay Hailey.
"Nanay, pareho po kami ng kulay ng mga mata oh!"
Nakita kong napangiti si Moris. Habang patuloy si Hailey ng paghaplos sa mukha niya. Hindi ko inaasahang mapapansin pa yun ni Hailey. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag kay Hailey na buhay ang Tatay niya.
"Baby may sasabihin si nanay sayo ha. Makinig kang mabuti okay?"
"Opo nanay."
Sandali pa lamang silang nagkakasama ni Moris pero palagay na ang loob ni Hailey sa kanya. Sadya nga bang totoo ang lukso ng dugo?
"Baby sorry kung nagsinungaling si nanay sayo. Hindi pat–
"Nanay, siya po ba si Tatay?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko mula sa anak ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
"Kung ako ba ang tatay mo baby matutuwa ka ba?"
Napatitig ako kay Morris. Nakatayo sa harapan naming dalawa si Hailey. Palitan ang tingin sa amin ni Hailey. Alam kong naguguluhan siya.
"Tatay?"
"Yehey may tatay na ako! May tatay na ako!"
Nagtatatalong sigaw ni Hailey. Niyakap niya si Moris at ako. Ang bata nga naman. Bakit ang daling matanggap ni Hailey ang bagay na yun? Hindi ko naman ipinagkakait sa kanya ang karapatan niya.
***
"Baby kailangan ng uma–"
"Ayoko po nanay. Dito ka lang tatay. Dito ka nalang po tatay para hindi na po umiiyak at nananaginip si nanay ng masasama."
BINABASA MO ANG
Unchained Harmony(SHORT STORY)
Short StoryAfter that unfortunate night. Harmony's life has changed. Hayley became her strength to face the struggles of life.