Chapter 2 - From the Past

2 0 0
                                    

Jhei's POV

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko.

*Krissy calling*

'Huh? Anong oras na ba at tumatawag na'tong babaitang 'to?'

Napatingin ako sa electronic clock na nakalagay sa bedside drawer ko. '7:25am palang, ah? Aga naman netong mambulabog.'

Sinagot ko na lang yung tawag bago pa man kusang mag endcall.

"hmm hello bakla. Aga mo naman tumawag. Diba lunch pa naman yung appointment ko today?", I said while yawning.

(Nagising kita, no?. Halata sa boses mo, eh. Hahaha. Anyway, tumawag yung secretary ni Mr. Saavedra at sinabing ireschedule na lang daw yung meeting nyo kasi he has to attend an emergency meeting sa NY. So basically, you're free today at maaga kang makakauwi sa inyo. Ako na bahalang mag reschedule ng meeting nyo. I'll update you na lang.)

"Gaga ka talaga. Sana mamayang 9am mo na lang sinabi. Inaantok pa ako, eh!", medyo irita kong sabi. Kasi naman. Nabitin yung tulog ko. Sarap na sarap pa naman ng tulog ko.

(Hahahaha. Sorry na. Nabanggit mo kasi kahapon na mamimili ka pa ng pasalubong mo sa family mo after ng appointment mo, eh. Since cancelled na, tinawagan na kita para makapamili ka ng maaga at makauwi ka din ng maaga. At least hindi ka aabutan ng dilim sa daan. Knowing you, ang tagal mo kayang mamili.) She said matter-of-factly.

Well, my point naman tong gagang to kaya hayaan na.

"Oo na! Oo na!. Grabe ka talaga. Osya! Thank you for informing me earlier." medyo pasarcastic na sabi ko. Hahaha. Sanay naman na sya sakin. Hindi magagalit yan.

(Hahahahaha. Sige na. Naglalambing na si boyfie. Ingat bakla! Text mo ako pag nasa Bulacan ka na. Toodles!) then she hang up.

Luka-luka talaga. 7:45am na. Oh well, bumangon na din ako para simulan ang morning rituals ko since nawala na yung antok ko.

Natapos na ako sa rituals ko after an hour. I'm wearing my casual attire. Statement shirt, denim ripped-shorts, and converse. I also applied face powder and lipgloss para maging super fresh tignan. I sprayed my perfume from Petit Monde to finish.

Almost 9am pa lang naman. Dadaan muna ako sa Signatures to give instructions and para makapag breakfast na din.

Holding my bag, I went out my room and check everything first before I locked the main door. Dumiretso na ako sa parking space ko at nilagay sa back seat yung bag ko. Then I started the engine and went off.

*SM NORTH EDSA*
11:30am

After kong mag breakfast sa resto, nagbigay ako ng ilang instructions sa mga staffs ko and nasabi ko na rin sa kanila kagabi that I'll be having a 3-month vacation. Sinabi ko din na once in a while bibisita ako to check on them.

Pagkatapos ko silang kausapin, dumiretso na ako sa SM department store para mamili ng pasalubong.

Habang namimili ako sa babies' section, I heard a baby's cry. Agad ko namang nakita ang isang cute little boy sa tabi ng toys for boys. I think he's lost so I went near him.

"Hey baby, why are you here? Where are your parents?", I asked.

"Hindyi ku po ayam. *snif* Kanyina ku pa po shiya nihahanap *snif* hindyi ku po shiya *snif* makyita. Huwaaaahh!!" sabi nya na medyo bulol pa.

"Ganon ba?. Come on. Let's find your parents.", sabi ko saka sya kinarga at dinala sa customer service ng department store para ipapage yung bata. Tinanong ng customer service representative ang pangalan ng bata.

"Baby what's your name?", tanong ko sa bata.

Mabuti na lang at alam na nya ang pangalan nya. "Jewnan Wosel Pagtalunan po." sabi nya sabay pakita ng papel na nasa bulsa nya. Nakasulat dun yung name nya pati address. Malapit lang pala samin nakatira itong batang to.

Sinabi ko na sa representative yung name ng bata. Ilang sandali pa, dumating na din yung daddy ng bata na bakas sa mukha ang sobrang pag-aalala para sa anak. Tinitigan ko ang pamilyar na mukha ng daddy ni Jernan. At sa gulat ko, muntik ko nang mabitawan lahat ng dala ko. After 8years nagkita ulit kami. At sa ganitong sitwasyon pa.

Namalayan ko na lang na nakatingin na din pala sya sakin. Gulat at kaba ang rumehistro sa mukha nya. Wala pa rin syang pinagbago except the fact that he already has a child. Sya pa rin yung lalaking laging nagugulat kapag nakikita ako. Sya pa rin yung lalaking laging kinakabahan kapag malapit ako sa kanya. I guess I still have that effect on him even he has a child.

Napangiti na lang ako at nakita ko kung paano sya natigilan. Walang nagsasalita sa amin so I decided to broke the silence.

"Kamusta ka na, Jordan?"


~~~~~

Sorry guys.. I know its lame.. :'(

Love MeasurementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon