Habang minamasdan siya
Habang nalulunod sa lalim ng kaniyang mga mata
Habang nahuhulog sa kaniyang ganda -
Alam ng puso'y ikaw ang nakikita.
Habang patuloy na naiiling
Sa alaalang hatid ng kaniyang pagdating
Habang nahuhulog na'ng damdamin
Alam kong ikaw pa rin ang iibigin.
Ikaw na kay layo na.
Ikaw na hindi ko na makikita.
Ikaw na bahagi na lamang nga
ng malungkot kong tadhana.
09/23/15
BINABASA MO ANG
DAGITAB(Kalipunan ng mga Tula)
PoetryKalipunan ng aking mga tula, utot ng aking diwa; Sana'y kung di man maibigan ay maunawaan.