Simula

40 3 0
                                    

  Malayo palang natatanaw ko na ang mala demonyong ngiti nitong si Drew. Siyam na taon palang siya noon at ako'y pitong taong gulang. Matalik siyang kaibigan ni Kuya, simula palang noong kinder sila. Kaya naman madalas din siyang nandito sa bahay. Minsan para maglaro at minsan  para gumawa ng kalokohan.
 
"Bro!" Nag apir agad sila ni Kuya pagpasok sa pinto. At umakyat agad sa taas para pumasok sa kwarto ni Kuya Nyx.

  Malamang maglalaro na naman yun ng video games. Minsan nga sa sobrang close nila ni Kuya, parang sila pa yung mukang mas magkapatid. Napagkakamalan ko pa nga silang bakla na dalawa, sa sobrang dikit sa isa't isa. Kulang na nga lang, sabay na sila maligo.

  Habang umaakyat sila ni Kuya sa taas, biglang lumingon itong bakulaw na Drew na 'to at kumindat saken sabay ngisi ng nakakaloko.

  Bigla na namang uminit ang dugo ko sa napaka over confident na panget na 'yon. Ganyan 'yang si Drew, hilig niyang pataasin ang dugo ko. At nagagawa naman niya yon ng mabuti. Tuwing pumupunta yan sa bahay, walang ginawa kundi mang asar saken at magpapogi. Well, guwapo naman talaga siya. Pero, nakakasuka talaga ang pagiging mayabang niya. Kaya ayaw na ayaw ko sa kanya.

  Sa sobrang inis ko dito sa kurimaw na 'to, bigla ko nalang nahampas yung table kung saan ako naglalaro ng mga manika ko. Sa sobrang lakas ng pagkakahampas ko, napahinto sila Kuya sa pag akyat sa hagdan. At nilingon ako.

"Oops! Sorry.." Sabay ngiti ng pilit kila Kuya, para hindi mahalata na nanggagalaiti na ko dito sa pagmumukha ni Drew.

"Hahaha. Bro! Look at your Sis face. Kahit sinong artist ang magpinta sa muka niya, walang makakagawa." Sabay hagalpak ng tawa ng baliw. Siniko siya ni Kuya ng marahan. Nagpigil naman ng tawa ang bakulaw. Sana mautot ka diyan sa kakapigil mo ng tawa.

"Oh, little sis? You ok? Ba't namumula ka?" Tingin ni Kuya sa muka ko na ngayoy para ng kamatis sa pula.

"Umm, I'm ok Kuya. Parang may nakita lang kase akong ipis, ang sarap lang pisain. Hehe." Ngiti ko. Sabay tingin ng masama kay Drew. Kinindatan na naman ako ng hinayupak na 'to.

"Ganun ba? Ok, akyat lang kame ni Drew sa taas. You stay here, baka dumating na sila Mom and Dad maya maya. Sabihin mo nasa taas lang kame." Lingon ni Kuya sa taas.

"Sure. Enjoy..." Tango ko.

  Narinig ko naman ang pagpanhik nila Kuya sa hagdan at ang walang hanggan na pagtawa nitong si Drew. Nakakainis talaga siya. May sinasabe pa siya kay Kuya dahilan para matawa si Kuya ng mahina. Iniisip ko tuloy kung ano yung sinabe nya, baka sinisiraan niya ko sa sarili kong kapatid. Buwisit talaga siya. Narinig ko na ang pagsara ng pinto ng kwarto ni Kuya. Haaay, salamat. Payapa na ulet ang kapaligiran.

  Pagkatapos ko maglaro ng mga manika ko ay nauhaw ako ng bigla. Dumiretso ako sa kitchen at nakita si Manang na gumagawa ng meryenda.

"Hello po Manang. Ano po 'yang ginagawa nyo?" Tiningnan ko ang piniprito ni Manang sa pan na parang lumpia habang binubudburan niya ito ng asukal.

"Ahh, eto ba? Turon ito anak, nagpahanda kase ang Kuya mo ng meryenda kase nandito daw si Drew." Ani Manang habang hinihinaan ang apoy. Napairap naman ako sa kawalan nang marinig ang pangalan nung bakulaw na yon. Naalala ko na naman ang pang aasar ni Drew kanina saken.

"Meron na diyang luto at hindi na gaanong mainit. Kung gusto mo kumuha ka nalang diyan at ihahatid ko lang itong iba sa taas." Habang nilalagay sa tray ang juice at turon na nakahanda na.

"Thanks manang. Juice nalang po, mejo busog pa po ako eh." Ngiti ko kay manang.

"Ahh, osige. Nasa ref yung juice, sandali ipagkukuha kita." Sabay lapag ni manang sa tray.

"Wag na po manang ako nalang po. Kaya ko naman po, ihatid nyo nalang po 'yong tray sa taas." Pigil ko kay manang. Hindi naman kase ako yung tipo na inuutos lahat ng bagay, kung kaya ko naman eh ba't di nalang ako ang gumawa.

"O hala sige. Basta kung magutom ka nandiyan lang yung turon sa mesa." Sabay alis ni manang.

  Hindi pa naman kase talaga ako gutom. Hinanap ko nalang agad ang juice sa ref at kumuha ng baso. Nagsalin ako nito at ininom. Grabe! Refreshing talaga.

"Mmmm!" Pagkatapos kong inumin ang juice.

"Mukang masarap 'yang juice na iniinom mo ha." Ngisi nya saken sabay kindat. Sino pa ba? Edi yung bakulaw na Drew. Pano ba 'to nakarating dito? Inirapan ko nalang sya sabay tinalikuran.

"Ang sungit naman." Naramdaman ko ang paglapit niya sa likuran ko. At sabay kinuha sa kamay ko ang  baso ng juice na kanina'y iniinom ko.

"Abat?!" Wala akong nasabe dahil sa gulat sa ginawa nya. Ininom nya yung natirang juice sa baso ko.

"Mmmm!" Sabi nya pa. Tulad ng ginawa ko kanina. Halatang nang iinis. Napanganga nalang talaga ako. 

"Masarap nga." Bulong nya sa tainga ko. Sabay sarado sa naka awang kong mga labi, gamit ang kanyang hintuturo.

   Bigla akong kinabahan. Natulala ako ng sandali sa ginawa nya. Pero nangibabaw parin yung inis ko kaya nasipa ko yung iniingatan nya. HAHA! Buti nga sayo!

"Ahhh! Aray! Why did you do that?!" Habang namimilipit sa sakit dahil sa ginawa ko.

"Oh! Hey! Anong ginawa mo kay Drew princess? Nag talo na naman ba kayo nitong si Drew?" Napalingon ako sa likod at nakita sina Dad and Mom. Nakarating na pala sila. Buti nalang.

"Oh, hi Dad. Mom." Halik ko sa cheeks ni Dad and Mom.

"He was just so happy Dad, tears of joy." Sabay akbay ko kay Drew na namimilipit parin sa sakit. Hahaha. Bigla namang natawa ng mahina si Mom.

"Tears of Joy? Why? Anong meron sa inyong dalawa? Kayo na ba? Sinagot mo na ba sya?" Sunod sunod na tanong ni Mom saken.

"Omg! Dalaga na ang princess naten Hon." Sabay yakap ni Mom kay Dad.

"Just remember. Dahan dahan lang, you two are still young." Dagdag pa ni Mom. Napailing na talaga si Dad at natatawa sa mga sinasabe ni Mom.

  Kahet na biro yung mga sinabe ni Mom nandidiri parin ako kapag iniisip ko na kame ni Drew. Like ewww!

"Mom! Dad! And bata ko pa po. Hindi ko din sya gusto! At kahet kailan hinding hindi ako magkakagusto sa bakulaw na yan!" Irap ko sa bakulaw na Drew na 'to at sabay tanggal sa kamay ko na kanina'y nakaakbay sa kanya. Akala ko panalo ako hindi pala.

  Parang nawala ang pamimilipit na ginagawa niya kanina. Parang may naiisip na namang kalokohan. At ngayon sya naman ang umakbay saken na may suot na mga ngising parang nanalo sa pinaka nananalo. Buwisit!

"You know what princess? Ngayon ko lang napansin na you two looks cute together. Haha." Tawa naman ni Dad.

"Don't worry Tito, I'll take care of her. Haha." Sabay hawak sa bewang ko at mas lalo akong nilapit sa kanya. Mas lalo namang natawa sina Mom and Dad. Pinagkakaisahan nila ako.

  At hindi ko alam kung ano na ang itsura ko sa ngayon. Panigurado, pulang pula na kamatis na ako ngayon. Kainis!

  Buwisit ka! Andrew Vincent Ramirez. Kahit kailan ang yabang mo talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let yourself FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon