KiDo

1 0 0
                                    

"Takbo!!"
"Umalis ka na hanggat may oras pa!"
"Iwanan mo na kami!!"

"Hindi pwede, magkakasama tayo!"
Paluhang isinigaw ni Jacob sa kanyang mga kasamahan habang nakadapa at puno ng sugat ang katawan. Halos mapuno ng dugo ang kanyang damit at naging dahilan ng paglabo ng kanyang paningin. Pilit nyang sinisilayan ang kanyang mga kasamahan. Nanghihina, nagugutom, puno ng sugat, at halos bale na ang kanang kamay sa paggamit ng kanyang espada.

BOOOOM!!!

Isang malakas na pagsabog ang narinig at halos mabingi si Jacob. Umalingawngaw ng matagal sa kanyang tenga ang tunog at napasigaw sya sa sobrang sakit na dulot nito. Ramdam ni Jacob ang pagdanak ng dugo mula sa kanyang tenga.

Nakikita ni Jacob na patuloy ang pagsigaw ng kanyang mga kasamahan. Pilit nya itong iniintindi ngunit bigo sya.

Tumayo si Jacob at buong lakas na iniangat ang kanyang espada. Akmang susugod si Jacob ngunit biglang may humila sa kanya. Humarap ito sa kanya. Puno ng sugat ang mukha at halos pagod na sa pakikipaglaban. May isinigaw ito sa kanya ngunit hindi nya ito marinig.
Ang alam lang nya ay isa ito sa kanyang mga kasamahan. Kinaladkad nito si Jacob at dali daling tumakbo sa isang lagusan.
Isang sibat ang tumama sa likod ng kasaman nya at bumagsak ito. Kitang kita nya ang pagsigaw nito sa sakit. Tumahos ang sibat sa dibdib nito.

"Tama na!!"

Sigaw ni Jacob na halos maubos ang kanyang hininga upang madinig sa buong lugar.
Umaasa sya na maririnig ito sa buong ngunit sa isip nya ay ito ay imposible. Kaliwa't kanan ang labanan, pag tunog ng mga espada, pagsabog, sigaw ng bawat nasasawing mandirigma.

Nagulat si Jacob na pilit tumayo ang natumbang kasamahan nya. Kahit may tama na ito at halos maubos na ang dugo nito ay nagawa nyang putulin ang sibat gamit ang mga kamay nito.

Kinaladkad nya si Jacob habang nakahawak ito sa paanan nya. Pasuray suray ang paglakad ng kasamahan nya. Nakita ni Jacob na ilang Tatlong kilometro mula sa kinalalagyan nila ay may isang maliit na butas na kasya ang isang normal na tao kung pipilitin dito. Mas bumilis ang paglakad ng kasamahan nya at ramdam ito ni Jacob. Dalawang hakbang nalang ang pagitan nila mula sa butas ng binitawan sya nito. Lumuhod ang kasamahan nya, at naaninag ni Jacob na may kinuha ito sa dala nitong bag. Nagsambit ang kasamahan nya ng ilang salita ngunit bigo si Jacob na marinig ito.
Ilang saglit lang ay nagliwanag ang butas.
Tumingin ang kasamahan nya at napangiti sa kanya. Nasilayan ni Jacob ang mukha nito na puno ng dugo at sugat. Bakas sa mukha niya ang hirap at sakit na dinaranas nya ngunit nagawa pa nitong ngumiti.

BOOMM!!!
BOOOOOOOOOMMMMM!!!
Sunod sunod na ang pagsabog ang naririnig sa buong paligid.

Hindi na mapakali ang kasamahan ni Jacob at dali daling hinila sya nito. Mah iniabot na sing sing sa kanya ang kanyang kasamahan at may ibinulong ito sa kanya.

"Anong sabi m-"

Hindi natapos ang kanyang pagsasalita ng biglang itinulak sya nito sa butas.

Aaahhh!!!!
Sigaw ni Jacob habang nahuhulog sa butas. Hindi nya alam kung ano ang babagskan nya o kung may hangganan ito. Tuloy ang kanyang pagsigaw. Nais nyang gamitin ang kanyang kamay at kumapit sa kung anong bagay na maaaring kapitan sa paligid nito ngunit bigo sya. Bale ang kanyang kanang kamay at anv kaliwa naman ay okupado ng sing sing na sa tingin nya ay napaka halaga nito. Patuloy lang ang pagsigaw nya.

Ahhhhhh!!!!

May naaninag si Jacob na liwanag sa kailaliman nito. Habang tumatagal sa pagbagsak nya ay mas lalong nagkakaroon ng imahe ang kanyang babagsakan.
Bumilis ang tibok ng puso nya at takot na takot sya ng makitang maitim na tubig ang babagsakan nito.
Nagsimula ng huminga ng malalim si Jacob, umaasang magiging sapat ito sa pagbagsak nya at hindi maalis sa isipan nya kung malalim ba ito o mababaw. Kung ano sa dalawa ay hindi nya na alam ang pagpipiliian.

Aahhhh!!!

Patuloy na pasigaw nya.

Wooossshhh!!!

Napaupo si Jacob sa kamay nya, basang-basa, hinahabol ang hininga, halos man laki ang kanyang mga mata.

Jacob!! Jacob!! Aba bata ka, palagi ka na lang ganyan! Sambit ng babaeng may dalang balde na halos manggitata na sa sobrang luma. Ang babaeng ito ay mataba, may kaitiman na halos gumuhit na ang libag nito sa kanyang taba. Dilaw ang buhok nito na hindi akma sa kanyang mukha. Pango ang ilong, makapal at maitim ang labi at sa kanang tenga nito ay may sigarilyo pa na nakaipit at ang mas nakakapansin ay ang eyebag nya na mukhang black eye.

Agad-agad na nagmasid si Jacob sa kanyang paligid na tulad ng pagmamasid ng isang adik na lango sa bato. Dilat ang mata at alerto.

"Hoy Jacob! Sabog ka ba?", "Siguro ikaw ang kumuha ng tinago ko sa may drawer."
Galit na pasigaw na isinambit ito kay Jacob habang pinipingot ang kanyang tenga.

"Hindi po! Hindi ko po magagawa yon! depensa ni Jacob

"Anong hindi ikaw!! baka gusto mong ipa drug test kita at makita mo!!"

Dalawang tenga na ni Jacob ang pinipingot nito at halos matanggal na ang na ito sa pagkaka-kabit.
Nais nya itong ilayo sa pagkakapingot sa kanyang tenga gamit ang kanyang mga kamay ngunit ng akmang igalaw nya ang kanyang kaliwang kamay ay mana salat sya sa kanyang palad na maliit at matigas na bagay.

Piniga nya ang kanyang kaliwang kamay upang manigurado. Bumilis na naman ang tikbo ng kanyang puso ng maalala nya ang nasa panaginip nya.

Iniharap nya ang kaliwang kamay nya at dahan dahan itong binuksan.

Laking gulat ni Jacob at ang babaeng nakalingot sa kanya sa kanilang nakita...

Ano kaya ito....
Abangan sa susunod na kabanata...

Thats My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon