Miss Mapagbigay (One Shot)

35 2 1
                                    

Sabi nila, "It's better to give than to receive". Siguro at some point okay to yung tipong minsan nagbigay ka ng bukal sa loob mo, ung masaya sa pakiramdam, at ung hindi ka humihingi ng kahit anong kapalit.

Nagawa ko na kasi yan, hindi lang minsan kundi palagi. Oo palagi. Applicable pa ba yung salitang It's better to give than to received? kung alam mo naman yung pinagbibigyan mo walang pakielam sa kung ano yung tama sa mali? Yung ang nakikita niya lang ung sarili niya. E paano naman kaming nagbibigay? Ganun ganun nalang ba un? Asan ang equality dun?

Hindi sa nagrereklamo ako dahil palagi nalang ako yung nagbibigay, masaya nga ako na nakakatulong ako sa isang tao eh kasi magaan sa pakirandam bukod pa dun yung tipong ang saya kasi nakatulong ka kahit sa maliliit lang na bagay.

Ako nga pala si Aeli, 19 years old. Bata pa lang ako tinuruan na ako ng magulang ko na matutong magbigay sa kapwa lalo na kapag sobra sobra.



"Aeli, akin nalang tong pagkain mo ha tutal hindi ka naman na nakain"




"Aeli, pakopya ng sagot mo ha"




"Wow Aeli, may bago kang gadgets pahiram ako ha"




"Aeli, pahingi naman ako ng 20 wala kasi akong pera eh"


"Aeli, pahingi naman akong napkin"




"Aeli, libre mo naman ako, ito nakakuha na ako pakibayaran nalang ha"







"Aeli....."





"Aeli......."




"Aeli......."




Aeli! Aeli! Aeli! Palagi nalang Aeli! Ano bang problema nila? Ako. Ako nalang palagi yung nakikita nila.

Nakakatawang isipin na yung dapat para saakin mas binibigay ko pa sa iba. E ano bang magagawa ko? Hindi pa ako pumapayag kinuha na nila.. hindi lang isa.. dalawa.. lahat na.

Kelan pa ako naging si Doraemon na lahat ng hingiin nila mayroon ako? Ganun na ba ako kataba para pagkamalang Doraemon ng bayan?




Kung sa materyal lang sana na bagay maaaring pagbigyan ko pa sila.



Pero yung mismong boyfriend ko hingiin nila sakin, e ibang usapan na yun..



"Aeli, akin nalang si Clark ha, tutal madami namang may gusto sayo jan eh"

"Aeli, diba may boyfriend ka? Akin nalang."



"Aeli,"




Yung totoo? Pati tao hiningi niyo nadin? Anong klase yan. my gosh. Wala na. wala na talaga akong masabi sa sobrang kakapalan ng pagmumuka niyo.



Sa lahat ng mga nangyari sa 19 years ng existence ko dito sa mundo may isa nalang akong hiling yung tama na! tama na sila. Pwedeng ako naman? Sarili ko naman aba!



Binigay ko na yung mga bagay na sinasabi ng magulang kong "sobra", lahat na. Yung boyfriend kong hiningi niyo, ayun tanga sumama na diba?

Ano nalang bang meron ako? Mga Kaibigan? Oo madami ako niyan, kaibigan nga ako ng bayan di ba? Lahat kilala ako kasi "mapagbigay" daw akong tao. Ni minsan ba naisip nilang tularan ang isang katulad ko? Syempre hindi. Kasi imbis na sila yung magbigay sila lang yung grab ng grab. Kumbaga grab the opportunity lang. Go lang! Go lang ng go.

Hindi ko sinasabing unfair ang buhay. Kasi unang una pwede akong tumanggi. Pwede akong umayaw. Pero choice ko to eh. Pinili ko tong mangyari.

Minsan natanung ko may kulang pa ba? may hindi pa ba ako naibibigay sakanila. Clothes, gadgets, school things, personal na mga gamit, boyfriend ko, ano pa? baka may gusto pa kayong hingiin kunin niyo na.




-
Nagising ako sa pagkakatulog ko ng marinig kong umiiyak ang mama ko, agad akong lumabas ng kwarto para puntahan siya.... Pumunta ako sa kwarto niya pero wala siya, nakita ko na bukas yung ilaw sa sala doon nakita ko siya nakasalampak sa isang sulok at umiiyak.


Mama, ano pong nangyari? Bakit ka naiyak?




Mama.





Mama.





Ma! Ano pong nangyayari sayo?







"Anak, wag ka sanang mabibigla pero wala na ang tatay mo hiningi na siya saatin ng Diyos. Tumawag ang kasamahan niya sa trabaho at sinabing wala na siya"





Ako naman ito natulala nalang, hindi pa pumapasok sa isipan ko yung totoong nangyari, anong meron? Joke time ba? Tinitrip ata ako nitong nanay kong to eh. Asan ang camera? Baka wow mali to. Wow Lord, hindi po buhay ng tatay ko yung hingiin niyo. Masyado naman po ata kayong joker saakin.

Pero wala eh, andito na to, wala na eh. Wala na!

Ang nasa isip ko lang sa mga oras na ito. Bakit? Bakit siya pa? Hindi pa namin siya binibigay eh, hindi pa para hingiin lang pati buhay niya, alam ko hiram lang natin to sa Diyos pero to the point na nagbigay nanaman ako, Kami ng mama ko, ay Grabe na talaga. Sobra na.


Mga materyal kong bagay, Pera, boyfriend ko, ngayon tatay ko hiningi nadin sa langit?


Aba ayos to! wala bang award sa pagiging mapagbigay? Kung meron man, malugod kong tinatanggap ang award na yan..

Miss MapagbigayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon