Station 3

29 5 3
                                    


*Marcus's POV*

"Kelly, bakit bihira lang kitang makita sa PMD?" Tanong ko kay Kelly, tinutukoy ang publishing company na kinabibilangan ko.

Magkasabay kami ngayon sa tren. Tuwing papasok kasi ako sa trabaho ay araw-araw ko siyang nakikita na naghihintay ng tren kaya naman naisipan kong sumabay sakanya, though nandoon pa rin ang kaunting awkwardness dahil sa sinabi niya sa akin nung nakaraan.

"Marcus, matagal na akong may gusto sa'yo."

Kaya nga tinatanong ko siya ngayon kung bakit bihira ko siyang makita sa PMD samantalang matagal na daw siyang may gusto sa 'kin.

"Sakitin kasi ako kaya bihira mo lang talaga akong makita. Pero nagtatrabaho talaga ako doon." Sagot naman niya, hawak ang isang pocketbook.

Tumango nalang ako.
But how come na wala talaga akong matandaan na may Kelly pala akong katrabaho?

Come on, Marcus! Alam mong mahina ka sa pagme-memorya ng pangalan! At yung tungkol naman sa matagal na  pagkakagusto niya sa'yo kahit bihira mo lang siyang makita, e baka naman kasi matagal ka na niyang nakikita o nakakasalubong kaya ganu'n.

"Uhm, Kelly?" Tawag ko sakanya.

"Hm?" Tanong niya, inalis ang tingin sa binabasang libro at tinitigan ako sa mata.

"Uh, seryoso ka ba talaga sa sinabi mo sa 'kin nung nakaraan? Na... may g-gusto ka sa 'kin? T-totoo ba 'yon?"

Nanlaki ang mga mata niya at biglang namula ang mukha niya kaya naman napayuko siya.
"Err.. ano.. ahh.. t-teka lang ah?" Nauutal-utal na sabi niya.

Nung mga panahong 'yon, gusto kong matawa. Nakakatuwa kasi si Kelly kapag namumula siya at nauutal.
"You know what? You're very amusing." Nakangiting sabi ko.

Napa-angat ang tingin niya. Halatang nagulat sa sinabi ko. Well, kahit ako, nagulat din sa nasabi ko.

"Talaga?"

Tumango ako.
"Pero seryoso ka nga ba talaga?"

Dahan-dahan siyang tumango.
"S-seryoso ako sa sinabi ko. Matagal na talaga akong may gusto sa 'yo. Matagal ko ng pangarap na makausap ka, na makasabay ka papuntang trabaho, makita ka ng malapitan...." Sabi niya at unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Bigla nalang kaming naghiwalay dahil biglang tumunog ang pagbukas ng pinto.
Nandito na pala kami sa trabaho.

"T-tara na?" Aya ko sakanya.
Nahihiyang tumango siya at sabay na kaming lumabas.



9:45 pm na ng matapos ako sa pagpu-proofread.

"Kailangan ko ng mag-elevator. Sana naman bukas pa." Sabi ko sa sarili ko at nagmamadaling pumunta sa elevator.

Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansing may nabangga na pala ako.

"Ooof!" Sabay bagsak ng kung sino sa semento.

"Ay sorry po! Ayos lang po kayo?" Alalang tanong ko 'dun sa bumagsak.

"Aray. Yung pwet ko." Nyek. Babae pala. Teka... pamilyar siya sa 'kin ah...

"Kelly?!" Tanong ko.
"Anong oras na ah! Bakit nandito ka pa?" Tanong ko, inalalayan siyang tumayo.

Pinagpag niya ang kanyang pang-upo.
"E, hinintay pa kasi kita e!"

Nagulat ako sa sinabi niya.
"Huh? Bakit mo naman ako hihintayin?"

"Nakakatakot kasi umuwi mag-isa. Tsaka, ikaw lang naman kakilala ko e."

"Sige na nga. Tara na at anong oras na. Baka pagalitan ka pa ng magulang mo." Sabi ko at hinawakan ang braso niya but suddenly jerked my hand off of her.

"B-bakit? Anong problema, Marcus?" Alalang tanong niya.

"Bakit ang lamig ng braso mo?" Medyo kinakabahan tanong ko.

Natawa bigla si Kelly.
"Kung maka-react ka naman! Parang bangkay nahawakan mo. Siyempre, air-condition yung opisina." Natatawang paliwanag niya.


Habang nasa tren pauwi, kung ano-ano ang pinag-uusapan namin. Hanggang sa mapunta ang topic namin sa pamilya ko.

"..Kaya, sanay na akong iniiwan. Kahit wala akong kasama, okay lang. Kaya ko ang sarili ko. Ganoon naman sila e." Sabi ko.

"Marcus, may dahilan ang lahat ng bagay. Baka naman, may reason sila kaya nawala nalang sila bigla. Malay mo, kaya sila dumating sa buhay mo ay para turuan ka ng isang hindi malilimutang aral. Malay mo, kaya sila dumating sa buhay mo ay para ipaalala sa'yo na, 'Marcus, hindi pa tapos ang laban. Huwag kang susuko, okay?'" Sabi ni Kelly.

Bigla akong napangiti. Nakakatuwa talaga kausap 'tong si Kelly.

"Hindi mo ba sila namimiss?" Tanong niya.

Umiling ako.
"At bakit ko naman sila mamimiss? Wala na akong pakialam sa kanila." Medyo sumeryosong sagot ko.

Nakita kong kuminang ang mga mata niya.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

"K-kelly—"

"Marcus, bakit mo sinasabi 'yan? Hindi mo alam ang sakit na mararamdaman mo once na may mahal ka sa buhay na mawala sa'yo. Paano kapag wala na sila sa mundong ibabaw? Anong mararamdaman mo? Marcus, kahit 'yang magulang mo pa ang most wanted criminal duo dito sa Pilipinas, kung ipapapatay sila ay masasaktan ka pa rin." Sabi niya.

Nagulat ako sa pinagsasabi niya.
"Teka, Kelly—"

"Marcus, magulang mo pa rin sila. Kahit pagbali-baligtarin mo ang mundo, magulang mo pa rin sila. M-marcus......" Hindi na natuloy ni Kelly ang kanyang sinasabi dahil lumandas na ang mga luha sakanyang magagandang mata. Humigpit rin lalo ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Kelly, I-i didn't mean to—"

"Marcus, huwag mong hayaan na mawala ng tuluyan ang mga taong mahalaga sa buhay mo. Hindi pa huli ang lahat. Gawin mo na ang dapat mong gawin hangga't nariyan pa ang mga taong mahalaga sa'yo." Pinilit pa niyang ngumiti kahit hirap na siya.

Hindi ko alam kung bakit pero niyakap ko siya. Yakap na sobrang higpit.

"Kelly, I'm sorry."

Pinahid niya ang mga luha niya.
"Don't be. Tsaka, tingin ko, hindi ka dapat sa akin mag-sorry. Alam mo na kung kanino," sabi niya at tumayo na.

Ngayon ko lang napansin na nandito na kami sa istasyon niya at kailangan na niyang bumaba.
"I better be going." Sabi niya sabau ngiti.

"Hatid na kaya kita?" Tanong ko at tumayo na.

"Huwag na Marcus. Kaya ko na sarili ko. Salamat nalang."

"So, sige. Bye." Sabi ko, bibitaw na sana sa kamay niya pero mahigpit pa rin siyang nakahawak.

"I love you," sabi niya at mabilis na idinampi ang kanyang labi sa labi ko saka siya lumabas ng tren at nawala sa paningin ko.

Naiwan akong tulala habang nakahawak sa labi ko.



Baliw na yata ako.



-----------------------*

HI! Comment and Vote please!♡

I need your reactions and suggestions. Also, try reading my two other stories.

A Switch Of Spirits and Inlove with My Bestfriend.

THANKS!

--- Oreoo. ✔

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiting By The Train Station.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon