1WTMO Chapter 1 :)

513 15 4
                                        

Hi Guys! Ang baba pa ng reads ko dito. :( SAD. Mas gusto niyo talaga iupdate ko ung OSL. :( HAHAHA! Btw. Ito ung chapter 1 :) Sana magustuhan niyo. Di ako magaling sa ganito pero tatry ko pa rin. :) Gusto ko kasi ipamahagi lahat ng naiisip ko e. :) Yun lang. Dedicate ko to kay Ate Isabelle De Leon na nagbasa din ng story ko. :) Hi Ate! :D pakinggan niyo ung kanta niya ha, Tas bili po tayo ng album niya available po un nationwide. Hahaha :D "Lovezone" :D

------------------------------------------------------------------------------

Monday ..

Ayokong magpaapekto, ayokong umiyak, ayokong magmukmok, ayokong magpakita sa mga tao. Bakit? Kasi nasasaktan ako. Naranasan niyo na bang iwan ka ng taong mahal mo? 2years na kayo pero nawala lahat sa isang iglap? Wala kang alam na dahilan kung bakit, paano, o Anong nanyare? Akala ko siya na eh. Siya ung taong makakasama ko lahat ng oras. Lahat pala ng akala ko mali. Masyadong masakit. Hindi ko alam gagawin ko. Gusto ko maging busy, Pero paano? Nawala lahat ng kaibigan ko dahil sa kanya, Iniwan ko kaibigan ko dahil pinili ko siya. Pero ano ko ngayon? Nag-iisa walang makausap. Parang tanga nagiiisip ng kung ano ano. Walang pumapasok sa utak ko kung hindi siya. Siya. Siya. Siya! NAKAKABALIW. Ano ba? :( Ang sakit sobra! Nasaan ka na ba? Sana isang panaginip lang ito, at bangungot. Pero imposible talaga eh, Gising na gising ako at nagagalaw ko katawan ko. Anong nangyayare ba sakin? Isabelle Salazar nga pala ang pangalan ko. At ito ang storya ng malabrokenhearted kong buhay. Meron akong 1 week para ayusing tong buhay ko. Actually ayos naman siya eh, Kailangan ko lang sigurong masanay na wala siya lagi sa tabi ko, Siya nga pala si Patrick Cruz ang taong mahal na mahal na ex ko na ngayon. Ang taong first boyfriend ko for two years, ang taong nagpasaya sakin noon, At ngayon siya ang taong taong dahilan kung bakit ako lumuluha at nasasaktan ngayon. Ganun pala talaga no? Kung sino rin pala ang taong nagbigay saya sayo, Siya rin ang taong magpapaluha sayo. Akala ko kasi siya ung taong papaluhain ako sa saya hindi sa sakit. Kaya nga sabi ko wag na akong mag-aakala para hindi ako nasasaktan ng ganito. Aish! Ano ba yan. Sobrang drama ko na. :( Pero guys, Totoo talaga! Masakit. :( Iniwan niya ko, Umikot lang ung mundo ko sa kanya eh. :( Nawala lahat ng taong mahalaga sakin. :( Kasi mas pinili ko siya, Kasi mas nanaig ung salitang mahal ko siya kesa sa mga kaibigan ko. Sana pala hindi ako naging tanga sa pagibig, Eh di sana hindi ako nagkakaganito. Well. Nasa huli nga ang pagsisi. Waka akong magagawa. :(

Flashback

Monthsary namin ngayon. Excited akong makita siya. May surprise daw kasi siya eh. At ito pa! Magkikita kasi sa park. :) Hahahaha. At na nga ako sa park nagaantay sa kanya. :)

30mins

1 hour

2 hours

*Tingin sa oras* Dadating pa kaya siya? Nakalimutan niya siguro. :(

*May kumalabit sakin* Isang bata. Hindi ko siya kilala pero maamo ang kanyang mukha. Isang batang lalaki.

Bata: Ate. Ikaw po ba si Isabelle?

Isabelle: Oo. Ako nga. :) *With a smile*

Bata: May nagpapabigay po nito sa inyo, At ang sabi po niya iabot ko sa inyo at sabihin na "Sorry" Yun lang po ate. Wag po kayong magaalala kapag po hindi niyo kaya andito po ako papatahanin ko kayo.

Medyo. Nagulat ako sa sinabi ng bata. Pero hindi ko itong pinansin. Binasa ko lang ang sulat.

Isabelle,

Sorry pero hindi ko kaya sabihin sayo ng personal, Ayoko ko kasing makita kang umiiyak dahil sakin. Sorry sa lahat ng nagawa ko, Sana mapatawad mo ako. Hindi ko sinasadya to. Kailangan kong gawin to. Sana sa pagbalik ko maintindihan mo ako at kaya mo pa akong tanggapin. Sana sa panahong un may natitirang pagmamahal sa puso mo para sakin. Alam kong nasasaktan kita ngayon. Pero hahanapin ko lang sarili ko. Iiwan kita ngayon pero hindi ko pa kaya sabihin sayo ang dahilan. Mahal na mahal kita. Pero hanggang dito nalang.

PS: Sana maintindihan mo ako.

- Patrick Cruz

Nanginginig na luha ko. Hindi ko na kaya. Gulong gulo ang isip ko. Andaming tanong na pumapasok sa utak ko. Pero alam kong wala akong makukuhang sagot sa ngayon, Hanggang kailan ako magaantay? Wala kang sinabi. Nagulat ako ng yakapin ako ng isang batang lalaki at bigla siyang nagsalita.

Bata: Ate. Wag kang umiyak, Papanget ka nyan. Ang ganda mo pa naman po. Sabi niya po kasi sakin yakapin ko kayo at pagaanin ang loob niyo. Pero hindi ko alam kung paano mo. Bata pa po kasi ko eh. Ako nga po pala si Luis.

Natuwa naman ako sa bata at napakacute niya magsalita.

Isabelle: Salamat Luis ha. Sige tatahan na si Ate Isabelle. Nasaan siya?

Luis: Hindi ko po alam eh. Pero sana maintindihan niyo po siya. Tara po ice cream tayo. Libre niyo po ako. Hehehe. Gusto ko po icecream eh.

Isabelle: Ay sige. Teka nasan ung mommy mo?

Luis: Nandyan lang po un. Tara na po.

Ayun kumain kami ni Luis ng Ice cream, At medyo gumaan na rin naman ang pakiramdam ko. Masakit pa rin pero kailangan kong kayanin. Andito ko ngayon sa kwarto nakatingin lang sa kisame at sinabayan ako ng panahon nagdrdrama rin siya. Siguro ramdam ako ng langit. Kaya nagbuhos siya ng ulan. Kasabay ng pagtulo ng luha ko. Hanggang sa makatulog ako.

End of flashback

Naglilinis ako ng kwarto ko ngayon, Hindi naman siya ganun kakalat pero kailangan ko alisin lahat ng gamit na nakapagpapaalala sa kanya. Isa to sa part ng pagmomove on ko. Binigyan ko kasi ung sarili ko ng 1 week para makalimutan siya, Hindi naman as in makalimutan siya. Mawala lang ung sakit at nararamdaman ko sa kanya.

Habang naglilinig ako ngayon ko lang napansin lahat ng gifts niya sakin may message sa likod. Naiiyak ako, pero pinipigilan ko. Kailangan kong laksan ang loob ko. Makakalimutan din kita patrick.

"......" : Alam mo kung hindi mo ilalabas yan, mas masakit at mahirap.

Isabelle: Mommy? *Crying habang yakap si mommy*

Mommy: Ikwekwento mo, o huhulaan ko nalang?

Isabelle: Mommy, Masakit. Bakit ganon? Hindi ko alam dahilan kung bakit kami naghiwalay. Iniwan niya ko.

Mommy: Sige lang anak. Iiyak mo lang, Alam kong masakit ung pinagdadaraanan mo ngayon. Pero wag mong kalimutan na nandito ko para sayo. Aalalayan kita sa lahat ng pagsubok mo. Alam mo bata ka pa. 4th year highschool ka lang. Marami ka pang makikilala, makakasalamuha, Hindi lang siya ang lalaki anak. Madami pa. Syempre masakit first time mo eh, Sa una hindi mo kayang tanggapin pero hindi rin magtatagal mawawala din yan. Puppy love pa lang yan.

Isabelle: Mommy. Mahal ko siya eh. Bakit ganon? Iniwan niya ko. Walang dahilan. Hindi nagparamdam tapos susulat siya bigla? Hindi ko hinarap?

Gumaan ang pakiramdam ko kahit paano. Iba siguro talaga kapag magulang ang humaplos sayo, Yung handa kang damayan sa lahat ng bagay. Sa masakit at masaya mong emosyon.

Mommy: May dahilan siguro siya Isabelle. Hindi niya lang kayang sabihin. Tandaan mo lagi na kahit sinaktan ka niya ngayon may tao pa ring handang pasayahin ka uli at bubuksan ang iyong puso para magmahal ka muli. Kaya wag kana umiyak. Ngumiti ka. Magayos ng sarili at maging ikaw, hanapin mo sarili mo. Gawin mo ung bagay na hindi mo nagagawa noon.

Isabelle: Thank you mommy. I love you po.

Tama si mommy. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Kailangan kong maging busy at hanapin ang dating ako. Yung isabelle na masaya. Kaya ko naman na wala siya eh. :)

"Wag mong paikutin ang mundo mo sa isang tao. Dahil may taong nandyan sa palagid hindi mo lang napapansin."

--------------------------------------------------

Waaaaaaaaaa! Short update. Sana magustuhan niyo. Alam ko medyo panget pero sana sana ivote niyo and comment. :)))))))))))))))))

5 Votes and 5 Comments = MagUUD agad ako! Woooooooooo. :D Thanks Guys!

- Jan Kamillah B. Frivaldo -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1 Week To Move On :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon