Chapter 1

7 0 0
                                    

Naiinis na talaga ako sa tunog ngalarm na yan. Kanina ko pa hinahanap ang cellphone ko sa side table pero hindi ko talaga mahanap.

Ughh! I mentally slapped my head. Sino ba ang naglagay nito sa sahig. Siguro ay inutusan na naman ni Papa si Nanay Gloria na ilagay sa ibang lugar ang phone ko para madali akong magising sa kakahanap neto. No matter how big the money I bribe her, kay Papa pa rin siya sumusunod. Loyal dog. Oh well, mas mabuti na rin 'yon para hindi na ako malate sa school.

Tuluyan na akong bumangon at ginawa ang usual morning ritual ko sa CR. Kasalukuyan akong nag aaply ng liquid eyeliner nang marinig ko si Kuya Ford na hinahampas ng napalakas ang pinto ng banyo.

"Clariz! Ano ba?! What's taking you so long?! Diba may sarili ka namang banyo, bakit ba nakikisiksik ka pa sa amin ni Ciara?!" Galit na naman si kuya, hindi talaga makukumpleto ang umaga ko kapag hindi to nangyayari.

"Ano ba Kuya? Ugh!" Pagmamaktol ko. Na smudge pa ang pag lagay ko sa eyeliner kasi nagulat ako sa paghampas nya ng pinto kaya kailangan ko naman itong ulitin. And I'm sure he won't get it when I start explaining kung gaano kahirap e balance ang paglagay nang eyeliner.

"Im here kasi may ipis sa CR ko. Hindi ko pa napapalinis kaya dito muna ako. And stop punching the door, baka masira yan. Hala ka, isusumbong talaga kita kay Papa." Pananakot ko, pasikat kasi ang mga kapatid ko kay Papa kaya takot sila. Pero hindi naman talaga ako nagsusumbong pag may atraso sila, nalalaman lang ni Papa. Hindi ko alam kung pano nya nagagawa yun, he just knows everything.

"Duh! As if masisira yan sa mahinang suntok ni Kuya no. Buksan mo nga to Clariz, sabay na tayo jan. Im also in a hurry." Ciara is rolling her eyes kahit hindi ko pa siya nakikita ay alam ko na. Sa aming tatlo si Ciara ang pinaka kalmado ang ugali.

Pagkapasok ni Ciara sa CR ay agad siyang pumunta sa shower area. Wala nang hiya hiya kasi magkapatid naman kami at babae naman siya. Narinig ko nalang si Kuya sa labas na hinampas nang napalakas ang pinto at tuluyan nang umalis.

Bumaba na ako para mag breakfast. Naabutan ko si Papa na nakabihis na para trabaho, drinking his coffee while reading a newspaper at katabi si Kuya na nakalukot ang mukha while sending me a death glare. Nasanay na ako sa ganitong set up kaya para wala lang sa akin kahit magalit pa silang lahat sa akin.

"Good morning Pa" I said while kissing his cheeks at nag smile din ako kay Kuya at hinalikan din siya, hindi rin naman nagtatagal ang galit niya sa akin dahil ganito lang talaga ang turingan naming magkakapatid dito sa bahay.

I was crossing my fingers under the table na sana umalis si Papa papunta sa work para hindi ako malate sa class ko. Pasimple akong tumingin sa kanya at saktong nasa last page na siya ng newspaper.

"Alis na ako. Clifford, anak, wag kanang pumunta sa office mamaya para sa OJT mo, I'll be out and focus on your thesis." He said while finishing his coffee "and Clariz, be home early and no funny business." Bilin ni Papa bago siya tuluyang umalis.

I was peaking at our window para masiguradong nakaalis na ang sasakyan ni Papa. Pagkatapos ay nagmadali akong tumakbo papunta sa office niya at kinuha ang susi ng aking pinakamamahal na sasakyan, it's the latest model of Honda Civic, cool and classy, so me. Excited na akong makapag drive na wala si Kuya o ang driving teacher ko.

Nasa garahe na ako nang makita ako ni Ciara na paalis na rin. Bumusina siya habang binababa ang windshield ng kanyang sasakyan.

"So much for getting in trouble, wala ka pang driver's license Clariz. Sumbay ka nalang sa'kin" Ugh! Biglang naglaho ang excitement ko. Hindi ko naman pwedeng tangihan si Ciara dahil baka isumbong lang ako kay Papa.

Wala kaming imikan ni Ciara habang papunta kami sa School ang tanging natirinig ko ay ang music mula sa stereo at ang mga busina ng ibang sasakyan sa labas.

Nang malapit na kami sa school ay biglang nagsalita si Ciara. "Hindi porket ikaw ang bunso sa ating tatlo, you can always have your way. Remember there are things that are far more important than your whims." Sinabi niya na may halong inis pero kalmado pa rin.

Sa aming tatlo, si Ciara ang eldest child kaya given na siya ang pinaka mature mag isip.

Hindi nalang ako umimik dahil alam ko naman na tama siya. Actually, alam ko naman talaga kung ano ang mas tamang gawin, mas gusto ko nga lang na hindi yon sundin.

I went straight to my classroom pagkadating namin sa school. Late na ako ng 30 minutes pero hindi na ako nagmadali. Bakit pa ako magmamadali kung late pa rin naman ako pagdating ko doon. Mabuti sana kung may classifications ang pagiging late na 'late but cares' o 'late and doesnt even give a damn'.

The day went smoothly, walang nang iinis at nakikipag away sa akin. Merong mga babae na pinag-uusapan ako kahit na I'm at a hearing distance pero nasanay na ako. Parang normal na lang para sakin dahil araw-araw silang ganyan kaya hindi ko na sila pinakialaman.

I have no true friends sa school namin. I may get acquainted to them pero alam ko naman ni bina-back stab din nila ako. Siguro ang matuturing ko lang na totoo sa akin are my siblings and my cousins kahit na nag aaway rin kami. We're family anyway.

Today is the last day of this sem. Kaya hindi na masyadong busy, and even if busy wala rin naman akong pakealam. I'm done with all my requirements. Kahit naman pasaway ako kay Papa I still try to get good grades, enough para hindi bumagsak.

I was walking peacefully papunta sa coffee shop na nasa tapat lang ng school ng may dalawang familiar na sasakyan ang biglang nag park sa gilid ng school.

Lumbas ang mga pinsan kong sina Ayesia at Adrian na lumabas sa unang sasakyan at si Elvira naman sa kasunod na sasakyan. Hindi ako sure but I can see in their faces na may malaki kaming problema.

"Why are guys here? May napaaway ba sa inyo?" I asked. Nakita kong nag irap si Ayesia.

"Nope. We have news." Elvira said.

"Lolo is back"

AN: short chapter muna hehe ♥

Taming  the  Evil PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon