Si James ay isang masayahin, palakaibigan, matalino at mabait na tao. Pero sa di inaasahang pangyayari, nagkasakit siya ng Cancer sa Dugo. Hindi niya ito ipinaalam sa mga kaibigan at kaklase niya at tanging pamilya lang niya ang may alam tungkol dito. Tumigil sa pag-aaral si James upang magpagamot ngunit malala na ang sakit niya. "2 months." ang nasabi na lang ng kanyang doktor.
Sa huling dalawang araw ni James ay nag-GM siya sa mga kaibigan at kaklase niya.
"Mga pards at mars! Musta na? Punta naman kayo dito sa pinagtatambayan natin dito oh. Sa may playground. :)"
Ang problema ay may exam ang iba, may klase, may gala, at yung iba, hindi talaga makakapunta. In short, walang pupunta.
8am, pumunta na si James sa playground kasama ang magulang nito. Pinauwi niya ito at sinabing bumalik na lang kapag lunch time na.
12pm, wala pa ring dumadating sa mga kaklase at kaibigan niya. Dumating ang magulang niya upang dalhan siya ng pagkain at gamot. Pinauwi niya ulit ito at sinabing 6pm na sila bumalik.
5pm, nakita ni James ang gandang papalubog ng araw, doon tumulo ang luha ni James. 6pm, sinundo na siya ng magulang niya at umuwi na. Sa tagal ng paghihintay niya, walang dumating.
11pm, namatay si James.
Nabalitaan ito ng mga kaibigan at kaklase ni James kaya agad silang pumunta sa burol ni James. Doon lang din nila nalaman na nagkasakit ng malala si James.
Madami sila. As in, madami. May inabot na isang sulat ang nanay ni James sa kanila habang siya ay umiiyak. Hindi alam ng nanay ni James kung ano ang laman ng sulat. May namuno upang basahin ang sulat. Ang nakalagay sa sulat,
"Mga pards at mars! Ang tatagal niyong dumating. Hahaha. Mukhang mga busy ah. Pasensya na ah. Di ko na kayo nahintay. Mauna na ko. Lagi niyong tatandaan, mahal ko kayo! Ingat kayo palagi. - James"
THE END