Clarisse POV
"Rissy!!" napatingin ako bigla kay Maxine..
"Bakit?"
"Kelan kaya dadating yung ka roommate natin no? Curious lang ako kasi next day na ang pasukan.." Sabi niya habang pinagmamasdan ang uniform na hawak niya. Napakibit balikat na lang ako.
Alam koba kung kelan yun dadating? hindi ko naman hawak ang mga paa nun. Haysst!
"Ang ganda ng Uniform dito no..Ang Cute! sana habang buhay na tayo dito--."
"Walang Forever! at isa pa Max hindi tayo pwedeng habang buhay dito, may uuwian pa tayong pamilya sa pinas." Pagputol ko sa kanya. Napa 'Well!' face nalang siya at balik ang atensyon sa uniform na hawak niya.
Kumuha ako ng hotdog and egg sa may ref. At binuksa ang kalan habang naglalagay ng mantika.
Mga ilang minuto, naluto ko na yung hotdog and egg at hinain na ito sa mesa.
*Tok!tok!tok!*
Napatingin ako sa pintuan ng may narinig akong kumatok. Kaya inayos ko muna ang sarili ko bago pagbuksan ito.
"Hi!" bungad na bati sakin ng isang babae. I guess this is Ashley. "Im Ashley, ito bayung unit na sinasabi ni Mr. Flynn?"
"Yah! ito yun,pasok ka.." Sabi ko ng nakangiti. Mukhang wala sa itsura ang kaartehan. At mukhang pinoy rin. Ng makapasok na kami ay lumapit si Maxine.
"Hello! Im Max, always beautiful inside and out,Are you ashley?" sabi ni Max. Napapigil nalang ako ng tawa.
Ashley Chuckled. "Englishera ka?" tanong niya. Nanlaki naman yung mata ni Max.
"Ay! hindi no, pinay na pinay ako. Inside and out..Maxine!" Paglilinaw ni Max.
"Ahm..Clarisse,Rissy nalang." Sabi ko.
"Im Ashley, Ash nalang for short.Grabe akala ko mga foreign na ang kasama ko.Buti mga pinay rin." Sabi ni Ashley tapos nagsitawanan kami.
Magiging ka vibes namin siguro ni Max tong si Ashley. Madaldal rin kasi siya,bihira lang kaya ang ganyan.
"Tulungan na kita sa gamit mo..Lets go!" sabi ni Max. "Yah! Sure." Ashley replied.
***
(After an hour)
Mag gagabi na. Tapos narin namin iayos ang gamit namin. Ng biglang nagyaya si Max ng gala dito sa France.
"Ahmm.. Sure! para narin maka lasap ng sariwang hangin." Sabi ni Ashley.
"Oo ba! Tara na?" sabi ko. At sinuot ang jacket ko at yung scarf, ganun rin sila. Atsaka lumabas na.
Una naming pinuntahan yung effel tower sa Paris. Sumakay pa kami ng Cab para lang makapunta dun. Malayo kasi yung effel tower sa lugar namin dito sa France.
Nanguna silang maglakad. Habang ako nasa likod nila habang nag sasound Trip. Ilang kilometro narin ang layo nila sakin. Ng maglibot ako ng tingin sa buong paligid may isang lalaking umagaw ng aking pansin..
Nakaramdam ako ng sakit. Parang dinudurog ulit ang puso ko..Bakit siya nandito?
Bakit ka nagbalik? Nasasaktan ako...DANIEL ikaw naba yan?
