Media: suot ni Axi nung umalis. PICTURE CTTO
[[ FLASHBACK ]]AXIS's POV
"Omg hala sino yun?" Turo ni Zai sa bandang kaliwa ko.
"Saan jan?"
"Yung naka kulay blue na tshirt ayan oh ayan." Pabulong niyang sabi sakin.
"Ah yun ba. Di ko alam e, hehe"
"Ano ba yan."
"Diba classmate mo yan Ax?" Sabi naman ni Neeka habang nagsusuklay.
"Ay weh? Di ko alam."
"Ang gwapo niya hala." Sabi ni Zai.
"Ay oo nga Ax nakita ko siya kanina sa bandang likod sa gilid" sabi naman ni Jam habang nakatingin sa lalaki.
"Ah ewan ko. Di naman ako tumitingin tingin dun kanina."
"Tara na?" Sabi ni Elle na nakitingin lang sa cellphone niya.
"Madadapa kana niyan." Sabi ni Neeka kay Elle.
"Hehe" tipid na sabi ni Elle. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makalabas ng gate .Hanggang ngayon nac-curious pa din ako dun sa lalaking nakablue hindi ko alam kung bakit. Sino kaya yun? Ano kayang pangalan niya? Ano bang itsura niya? Sabi ni Zai gwapo daw. Nakita ko na kaya siya? Teka nga bakit ba to takang taka ako dun sa lalaki na yun. Ang taas na naman ata ng expectation ko dun tapos ano? Yung reality? Kamusta nam--
Napatigil ako sa pag iisip ng biglang kong mabangga ang isang lalaking nakablue. Napatingin kami sa isat isa dahil sa nangyari. Ang gwapo niya ha, ang simple tignan pero ang cute na ewan. Teka, nakablue? Eto yung lalaki kanina na pinaguusapan namin ah. Hala siya nga. Nagbalik ako sa realidad ng marinig ko siyang nagsasalita.
"Miss okay ka lang?" Nakangiti niyang sinabi. Hala yung ngiti niya. Napapraning na naman ako eh no.
"Ahh- miss?"
"Ay,ay. Sorry sorry. Uhm Hi?" Teka bakit nag hi ako?! Ano nga ba uli sabi niya?
"Hi. Okay ka na ba?" Di pa rin nawawala ang ngiti niya habang.. Nakahawak siya sa braso ko. Hala ano Axitrice praning lang?
"Miss? Hello? Nandyan ka pa? Okay ka lang?"
"Ay. Sorry talaga. Okay lang ako sorry po. Ikaw? Naapakan ba kita? Sorry. May iniisip lang kasi ako kanina."
"Hindi mo naman ako naapakan kaya okay lang. Wag ka mag alala mahal ka nun." He chuckled. Alam mo bang ikaw yung iniisip ko kanina ha?
"H-ha?"
"Wala. Reaction lang yun. Uhm oo nga pala. Clint Vincson Rimorin." Sabay nakipag shake hands siya sakin. Wow ang lambot ng kamay hehe. Ano ba tong iniisip ko?!
"Uh--- h-hi Clint? Axitrice Espinosa." I smiled.
"Ah nice to meet you. Sige una na ko. Bye Axi." He raise his hand gesturing as a goodbye then I smiled.
"Wow naman." Sabi ni Jam habang binabangga bangga ako ng balikat niya.
"Ang gwapo." Sabi ni Zai.
"Akala ko magiging cold siya kanina e. Tara na uwi na tayo. Aalis pa pala kami." Pag aaya ko. Syempre ako naman tong si gala, kung saan saan napapadpad pero syempre kasama ko sila mama at papa kaya okay lang yun di naman ako gumagastos eh. 😂 Kakain lang naman kami mamaya.
I am currently at the car right now. Nakasilip lang ako sa bintana dun sa mga taong nasa labas, tintignan kung anong ginagawa nila,nanghuhuli ng mga awkward moments at kung ano ano pa. Huminto yung sasakyan dahil may mga tatawid pero biglang pumukaw ng atensyon ko ang isang lalaking nakablue...
"Clint?" Bulong ko at sinundan ko siya ng tingin habang tumatawid. Sayang di niya ko nakikita. Kita niya kaya ako? Ay ang kulit hindi nga diba. Biglang napalingon si Clint at pagkaharap niya ay di pala siya. Nakakaloka. Umasa na naman ako wow.
"Ax" tawag ni mama.
"Po?" Uutusan na naman ako neto pustahan tayo.
"Baba ka nga saglit bili ka lang nun oh" sabay turo niya sa shawarma. O diba galing ko talaga. Tinabi ni papa ang sasakyan at bumaba ako sabay bili. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa kakainan namin.
CLINT's POV
"Nice naman Son, lakas pre." Natawa nalang ako sa sinabi ni Edzel.
"Sa lahat ba naman ng pwedeng makabangga si Ax pa." Dagdag niya. Napalingon ako.
"Magkakilala kayo?"
"Oo naman close kami nun mula 4th year. Matalino yun pre ang bait pa."
"Tinatanong ko lang kung magkakilala kayo." Sabay tulak ko sa kanya.
"Ikaw pa ba Son?" He tapped me.
"Ewan sayo. Ge pre uwi na ko."
"Ge hingin mo ba number niya?" Sabay takbo palayo.
"Baliw!" At napangiti ako. Baliw talaga yun si Edzel. Magpapakilala muna ako. Im Clint Vincson Rimorin, kilala sa tawag na Clint. At mga tropa ko lang ang tumatawag sakin ng "son". 17 years old, taga Bulacan. Mabait ako at napakahina ng boses ko, di ako katulad ng mga lalaki na bakulaw magsalita. Mukha nga daw akong bakla dahil sa boses ko. Trust me my dear, im not. *smirked* husky voice lang talaga ako. Sabi nila gwapo daw, thanks sa pamatay kong smile. Sweet ako. Yun lang.
Nagpapalit na ako ng shorts nang tawagin ako ni papa.
"Clint!" sigaw ni papa.
"Pa?" Sabi ko habang pababa ng hagdan.
"Bili ka nga ng pagkain sa kanto"
"Wala na ba sa ref?"
"Magpapabili ba ko kung meron?" Napa facepalm nalang ako. Oo nga. Kinuha ko ang pera at dumiretso na sa labas. Malapit na ko sa kanto ng makita ko...
"Wow ang daming naka blue" sabi ko sa isip ko. Tumingin ako sa kanan at nakita kong may apat na taong nakablue sa kaliwa naman ay may dalawang babae na nakablue, meron din akong tatlong kasabay na nakablue. Sasayaw talaga kami.
O eto pa isang lalaki habang tumatawid, nakablue din. Napailing nalang ako at ngumiti. Bakit ba ko nag iisip ng blue? Siguro dahil magkaparehas lang kami ng nakabangga ko kanina na nakablue. O e ano namang connect? Nakatawid na ko at kasalukuyang naghahanap ng bibilhin. Ah ayun, shawarma. Palapit na ko sa stall ng makita ko ang isang babaeng bumaba ng sasakyan.
"Si Axi." Bulong ko sa sarili ko. Pupuntuhan ko ba siya? Pagkain ang pinunta mo dito Clint. Pagkain. Bibili. Ka. Ng. Pagkain. Fuds. Sa. Condo. Lol. Tinitignan ko lang siya habang bumibili nang mapansin kong palinga linga siya sa paligid. May sumusunod ba sa kanya? O may hinahanap lang? Umiling ako sa sarili ko at nakitang umalis na ang sasakyan nila. Saan naman ang punta niya? Ang simple lang niya manamit pero nadadala niya.
"Kuya anong sayo?"
"Ha?"
"Bibili ka po ba?" Sabi ng nagtitinda. Nasa bilihan na pala ako, ano ba yan.
"Dalawa po. All beef walang gulay." Sabi ko at dumiretso na pag uwi pagtapos.
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong Pa-fall
Teen Fiction"Its hard to pretend you love someone when you dont but its harder to pretend that you dont love someone when you really do."----