Ikaw(one-shot)

68 15 15
                                    

Ikaw....

Ikaw pa rin ang laman nito..baket ba di kita malimot-limot? Pina-inom mo ba ko ng gayuma kaya ako nagkaganito sayo? Alam mo ba na lagi kitang naiisip kahit anung gawin kong limot sayo...hirap na hirap na ako...di ko na kaya...

Pero makalipas ang ilang taon...

Akala ko naka-move on na ako...

Pero di pala...nagkita tayo nun...pero di mo ko napansin...at napatunayan ko sa sarili ko na...na...mahal pa rin kita...bwisit ka kasi eh...kung kailan na unti-unti nalang makaka-move on na ako, dun ka naman magpapakita...nawala ang lahat...at ito naman si heart tibok ng tibok sayo na dapat hindi...minsan gusto ko ng patigilin eh...pero made-dead ako...

Ilang ulit na tayo nagkasalubong pero di mo parin ako napansin...ako lang yata eh...ang saklap ng tadhana sakin...pero nung reunion party natin. Para sa batch natin...pinansin mo ko..sabi mo pa nga na ang laki na ng pinagbago ko...na mas lalo akong gumanda...ngumiti lang ako at pumunta na sa mga ka-batchmate natin...iniiwasan kita nun...at ikaw naman dikit ng dikit sakin...alam mo ba ang hirap ng situation nun...gusto kitang sampalin...dahil nag-aacting ka na parang walang nangyari sa past natin..na parang di mo ko niloko at pinaglaruan...nalimutan mo na yata ang mga ginawa mo sakin...dapat ko na rin ba kalimutan? Ilang years na yun eh...

Pilit mo kong kinakausap nun...na alam mo naman na ayaw ko...

Ng di nako nakatiis..nasigawan kita na

anu bang problema mo? Di mo ba nakikita na iniiwasan kita? O nagbubulagan ka lang? Nalimutan mo na yata ang ginawa mo sakin noon. Pina-ibig mo ko. Pinaniwala mo'ko na mahal mo rin ako..pero malalaman ko na pustahan lang pala? Ang tanga ko...ang tanga tanga ko...baket ba kasi naniwala ako? Na sa una una palang imposible na magkagusto ka sakin dahil isa lang naman akong hamak na nerd na parang nanang mag suot..pang old fashion kumbaga..kaya pede bang layuan mo ako...wag ka nang magsabi ng mga sweet na salita dahil...dahil ayoko ng mahulog sa lalaking walang kwentang tulad mo!...ang sakit...ang sakit sakit lang kasi...at sana ito na ang huli nating pagkikita...

Matapos kong sabihin nun tumakbo ako habang umiiyak papuntang parking lot pero bago nun..nakita ko sa mukha mo ang pagsisisi, humihingi ng tawad, lungkot at higit sa lahat nasasaktan.. hah! Baket ka naman masasaktan? Diba dapat ako yun..

Narinig ko pa ang sabe mo...'Mahal kita..'
ang katagang akala ko totoo...

Akala mo mapapaniwala mo ulit ako? Di na mauulit yun..ayaw ko ng magpakatanga sa pag-ibig...ayaw ko ng mag take a risk...dahil puso ko ang nakasalalay dito...dahil pag maulit muli... siguradong ikamamatay ko toh...at...

Ikaw mismo ang dahilan...

End

IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon