Tingin-tingin lang

282 14 11
                                    

~Hanggang tingin-tingin na lang ako kay crush.

~***

Ikaw ba, hanggang tingin-tingin ka na lang ba kay crush mula sa malayo? pasulyap-sulyap mula sa malayo? pasilip-silip? nagmamasid? ini-stalk siya sa FB or Instagram? pero...

pero alam mo sa sarili mo na hanggang diyan ka na lang sa pwesto mo kasi alam mo na may mahal na rin siyang iba. May iba na siyang tinititigan, minamahal, binibigyan ng tuon.

Parang ako, andito lang. pasulyap-sulyap sakanya mula sa malayo. nagmamasid.

at nasasaktan.

Ako nga pala si Alison Jane Crimson Torres, isang dakilang stalker ni Kurt Vaughn Tan.

At andito ako sa library kasama ko ang best friend ko na si Keight Martinez. Andito ako sa library kasi andito lang ako tahimik na nag ii-stalk kay Kurt sa FB, twitter at Instagram account niya.

*ting*

ayun na ang tunog ng tab ko na senyales na may bago sa notification.

Kurt Vaughn updated his status on Facebook

Kurt Vaughn added 2 new photos with Melanie Pili

Kurt Vaughn retweeted Melanie's tweet

at etc...


grabe naman.

ang sweet talaga nila.

sinasaktan nila ang puso ko.

tinusok ng million times.

ang sakit beh!

"Uuyy! kung ayaw mo kasing masaktan ng araw-araw, pwede mo naman siguro itigil na ang pag stalk sakanya diba?" sabi naman ni Keight na may tono na parang nanay na nagsesermon.

"tsss... diba bestpren kita? suportahan mo na lang ako keight. hindi yung umaasta kang nanay ko." pagtatampo ko naman sakanya.

"Haayy! basta bahala ka na sa buhay mo kapag umiyak ka na naman dahil dyan sa Kurt na yan!" sabi niya at ibinalik ulit ang atensyon sa binabasa niyang Encyclopedia.

Oo, Encyclopedia ang binabasa niya instead Fiction books. yan kasi si Keight masyadong maingat sa grades niya. alam niyo kung bakit? pinapanatili niya ang pagiging top 2. sino top 1? syempre, ipagmamalaki ko ang top 1. Syempre ako.

"Aish... ang nega mo naman bestpren." pabulong kong sabi habang nakatutok ang atensyon ko sa tablet.

"narinig ko yun bestpren ha!" sabi niya pero nakatuon pa rin ang atensyon niya sa encyclopedia.

Tingin-tingin langWhere stories live. Discover now