A Little Too Late

15 0 0
                                        


"Naging kayo ba ni Vieo?"

"Ha?!"

"May nabasa kasi ako na you had a thing daw with him," kaswal na tanong ng binata sa kasama habang nilalantakan ang churros nito.

"De noh!"

"Oh, bat defensive?" natatawang asar ng binata.

"Alam mo? Para kang timang! Tatanong tanong ka tapos pag sinagot di maniniwala," umirap ang dalaga at sumandok sa gelato ng kasama.

"Oy!!! May sarili ka naman ah!!!" nilayo ng binata ang gelato niya sa dalaga.

"Wag ka nga madamot! Masarap kasi flavor nung iyo eh!" angal naman ng dalaga.

"Kung pwede sa iyo 'to, binilhan na kita kanina pa!" naiinis na sagot ng binata.

UY! JULIELMO!!

"Oh shit," sinubukan ng dalaga na isuot ang hood ng jacket niya pati ang dala niyang cap. Ganun din ang ginawa ng binata pero huli na. Nasa harap na nila ngayon ang tatlong babae na tila magpapapicture sa kanila.

"Hi Julie! pwede ba magpa picture?" napataas ang kilay ni Elmo nang iabot ng babae ang cellphone nito sa kanya. "Elmo, pakikuhaan kami ng maayos ha!"

Pagkatapos magpapicture ng tatlong babae ay nakipagchikahan ito kina Elmo at Julie. Pero 70% ata ng panahon eh si Julie ang kausap nitong mga 'to.

"Oh sige Julie, una na kami ha! Nice seeing you!" paalam nung medyo chubby na babae. "Bye Elmo!"

"That was—"

"Weird? Yeah I know."

"Buti hindi nila tayo kinunan ng picture together no?"

"Bakit? Ano naman kung picturan nila tayong dalawa?"

"Wala, ayoko lang may ibang isipin yung mga tao. Alam mo naman how judgmental people are, diba?" napatango ang binata sa sinabi ng dalaga.

"So going back, naging kayo ba ni Vieo?"

"Hindi nga! Ganito kasi, nung MyxMo couple of years ago, isa siya sa mga hosts. Yun, since friendly ako eh nakipagkaibigan din ako."

"Balita ko pinormahan ka daw eh?"

"Sort of? Binigyan ako ng letters," at nagnakaw na naman ito ng scoop sa gelato ni Elmo.

"Julie, hindi na ako natutuwa," ayaw na ayaw talaga ni Elmo ng ganun. Well, gusto niya na nakikihati si Julie sa kanya ng food. Pero ayaw niya if malamig yung kinakain niya. Gaya ng gelato na kinakain niya ngayon. Ayaw nya kasi masira ang voice ni Julie at kahit tubig na malamig lang ang inumin nito, nagkakasakit na ito.

"Last na," at nag pout si Julie.

"Kinilig ka naman?"

"Saan?"

"Sa letters."

"Oo naman noh! Ikaw kaya bigyan ng letters! Nung concert ko nun sa moa, binigyan niya rin ako ng letter eh,"

"Ah, kaya pala naging poet ka biglaan,"

"Medyo hehehe,"

"Eh bat naudlot?"

"Hm?" tumingin siya kay Elmo at agad inubos ng binata ang kanyang gelato. Natawa naman si Julie dito dahil may dumi pa ito sa pisngi kaya pinunasan muna niya. Kumuha siya ng churros bago sagutin si Elmo.

"Madaldal eh," natawa si Julie. "Eh kasi ayoko nung ganun. Yung super open sa lahat. It's fine na nakikipag interact sa fans pero ewan, eventually di na ako natuwa haha,"

One Shots CollectionWhere stories live. Discover now