Simula
First year high school ako noon nang nagsimulang mangulit sakin si Ash Radcliff. Third year high school siya, dalawang taon ang pagitan namin. Kaya ng tumungton akong Second year high school ay siya namang Fourth year. Hindi mapagkakailang magandang lalaki si Ash. Maputi, matangkad, matangos ang ilong, mapupungay ang mga mata at may tamang kapal ang mga kilay, na akala mo ay lagi siyang nagsusungit. Pinsan siya ng kaklase kong si Adriel Radcliff.
Kaya naman ay mabentang mabenta silang magpipinsan sa school namin. Si Adriel ay may kapatid na kasing tanda lamang ni Ash, siya lang naman yung pinapangarap kong si Ajax Radcliff. Nawiwindang talaga ako tuwing nakikita ko siya, tuwing dumadaan siya sa harap ko, tuwing binabati niya ako. Tumitigil ang paligid ko.
Haaayyy Ajax kailan ka kaya mapupunta sa akin?
"Hindi ko talaga alam kung bakit maraming patay na patay jan sa pinsan ko at sa kuya kong panget. Ew..." Patuloy ang panglalait ni Adriel sa kanyang kuya at pinsan.
"Ano ka ba! Ang gwapo gwapo kaya ng kuya mo, etong si Ash lang ang panget."
Oh my God!!! Lalapit sila dito sa inuupuan namin, omg! Lord, please help me. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Gusto ko siyang yakapin, gusto kong halikan ang mapupula niyang labi...
"Hi Aisha! Goooood Morrrrniiiiingggg!"
Nagulat ako ng biglang sumigaw si Ash sa tabi ko at may dalang tatlong pirasong mga bulalak. WTF ano bang trip netong lalaki na to?
"Morning din Ash hehe" sabay abot ng bulaklak na binigay niya.
"Good morning, Ajax!" Kitang kita ko ang mga dimples niyang nagsilabasan kasabay ng nakakalaglag panty niyang mga ngitin. Hay kung nakakamatay itong mga ngiti niya kanina pa ako pinaglalamayan dito sa kinauupuan ko.
"Good morning Aisha." Aniya. Halos tumalon yung puso ko dahil binanggit niya yung pangalan ko!
"Hi Aisha!"
"Hi Aisha and Adriel, good morning sa inyo."
"Naks ganda niyong dalawa ngayon ah."
Bati naman ng ibang ka teammates nila Ajax. "Good morning din." Bati ko naman sa kanila.
"Aisha, bakit sa lahat ng binati mo sa amin sakin ka lang hindi ng 'good' morning?" malungkot na tanong ni Ash
"Kasi Ash.. ano.. masakit kasi yung ulo ko tapos nung dumating sila Ajax nawala na hehe" sabi ko sabay ngiti na akala mo sinakluban ng langit at lupa.
"Oo nga pala. Uuwi ako ng maaga ngayon sa bahay, darating kasi sila Agatha ngayon eh." Untag ni Adam na isa sa mga teammates ng grupo sila Ash.
Nakita ko kung paano naging matalim ang mga mata ni Ajax, yung mga magaganda niyang ngiti ay biglang naglaho. Nanlaki ako mga mata ni Ajax. Napatingin sa kanya halos lahat ng teammates niya, maging kaming dalawa ni Adriel ay napatingin sa kanya.
"Bakit kayo naka tingin sakin?" Masungit na tanong niya.
Agad akong napayuko dahil sa hiya. Siniko ako ni Adriel.
"Uhm kuya Ajax, kain muna kami sa canteen ahh?" Ani Adriel para makatakas kami doon sa mga oras na yun. Alam ni Adriel na gusto ko ang kuya niya kaya naman ay inalis niya ako sa lugar na yun para hindi ko doon mailabas ang nag babadyang mga luha sa aking mga mata.
"Uhm! Teka lang Adriel, sasama ako sa inyo kumain!" Sigaw ni Ash
"WAG KA NG MANGGULO SAMIN. MARAMI PA KAMING GAGAWIN! BYE, SEE YOU LATER!" Sigaw naman ni Adriel.
Tumakbo si Adriel, hinili niya ang kaliwang kamay ko pero binawi ko iyon muli akong lumingon kung nasaan sila Ajax, nakita ko si Ash na nagkakamot ng ulo at kumakaway sa amin. Nakita ko naman ang madidilim na tingin ni Ajax, nakatingin lang siya sa bola. Galit siya, galit na galit.
Umamba ako babalik sa kanila ng biglang hinila pabalik ni Adriel ang braso ko..
"TAMA NA AISHA. BALIKAN NALANG NATIN SILA MAMAYA." Aniya
Wala akong nagawa, naglalakad kami ni Adriel habang ang mga tingin ko ay nakay Ajax..
"Meron pa nga talaga... meron pa.." bulong ko.