Kabanata 1

18 0 0
                                    

Kabanata 1

Wag Kang Lalapit 

"Aisha saglit lang ah, bibili lang ako ng bond paper at tsaka colored paper sa labas. Naubusan na kasi ako eh." Sabi ni Adriel habang nililigpit niya ang mga gamit niya.


Nilagay ko sa tenga ko ang earphones, at nagpatugtog ng napaka-lakas. Ano pa bang gagawin ko? Wala naman akong makakausap. 


"Sige! Bilisan mo ah, pagkadating mo kakain na tayo." Sabi ko sabay kaway pabalik sa kanya. 


Si Adriel ang nagiisang babae sa kanilang magpipinsan, pero hindi katulad ng ibang mga kuya ay hindi mahigpit si Ajax at Ash sa kanya. Matangkad si Adriel, matangos ang ilong, morena, mahaba ang buhok at kapag tumitig ka sa kanya mapapangiti ka nalang dahil sa kanyang mapupungay na mata. Pareha-parehas silang tatlo ng mga mata, siguro namana nila yun sa kanilang mga mama. Magkapatid ang mama nila Adriel at mama ni Ash. Nagiisang anak si Ash.


Nagpagdesisyunan ko munang gawin ang mga assginments ko dahil wala naman akong ginagawa, habang nagsesearch ako sa google biglang may lumabas sa notification ko..

"Ajax Radcliff liked your tweet"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko. 

"Oh my God, HE LIKED MY TWEET!!!! GUSTO NIYA AKO!!!!! GUSTO NIYA RIN AKOOOOO!! SABI KO NA NGA BA EH!!!!" sigaw ko.

Nakalimutan ko na naka-earphones pala ako, napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mga matang nakatingin sakin, yung iba naka-ngisi at yung iba naman ay naka kunot ang noo. Umupo ako at ngumiti sa kanila at nag peace sign.

Ni-like niya yung tweet ko, ibig sabihin online siya ngayon omg!!! Agad kong pinindot ang nasa baba at kaliwang bahagi na button, agad akong nag-tipa...

"Hiiii! Good morning po. :)" 

Nagulat ako ng may lumabas sa notification ko, nagreply si Ajax sa tweet koooo!!! Halos humiwalay yung puso ko sa dibdib ko. 


"Ajax Radcliff: cadwellaisha, good morning din! :) Kasama mo si Adriel? Nasan kayo?"

"Aisha Cadwell: baby_ajax, nope, mag-isa lang ako :( bumili siya ng materials eh, ikaw nasan ka?"

"Ajax Radcliff: cadwellaisha, gusto mo samahan kita? :) Nandito ako sa 3rd floor OB, nakatingin sayo. Ang cute mo talaga! Hahahaha!"


Agad akong napatingin sa 3rd floor na katapat kong building, nagulat ako ng nandon nga si Ajax naka-upo sa upuan at biglang kumayaw sakin. Bigla kong kinuha ang notebook na nasa lamesa at agad ko iyong tinakip sa mukha ko.


"Shit edi ibig sabihin nakita niya kung paano ako kiligin, kung gaano ako kabaliw sa kanya." bulong ko. Agad akong nag-tipa para mareplyan siya.


"Aisha Cadwell: baby_ajax, ikaw bahala. Baka may klase kayo ah :) Mas cute ka kaya. :p"

Hindi na ako tumingin pabalik sa kanya, dahil nahihiya ako na baka mabasa niya kung ano yung nararamdaman ko. Nahihiya ako. Tumunog ang cellphone ko, akala ko ay nagreply na si Ajax sa tweet ko ngunit hindi nakita ko ang text ni Adriel Sakin.


"Adriel Radcliff: Aisha, hintayin mo lang ako jan ah? Wag kang aalis. Ang daming tao nakakainis."

Hinayaan ko nalamang iyon at hindi na ako nagreply, inaantay ko ang reply ni Ajax sakin. Tumingin ulit ako sa 3rd floor kung saan siya nakaupo kanina ngunit wala na siya roon. Siguro magsisimula na ang klase nila. 

Napagdesisyunan kong ipagpatuloy ulit ang ginagawa kong assignment, sa kalagitnaan ng pagsusula ko ay biglang tumunog ako phone ko, hinayaan ko yun ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na pinalagpas. Akala ko ay text ni Adriel ang matatanggap ko ngunit ang reply ng kanyang kapatid ang aking nakuha.


"Ajax Radcliff: cadwellaisha, wala na kaming klase. Hintayin mo ako jan, pupunta muna ako sa cr magpapa-pogi para sayo ;)"

Nagulat ako sa huling sinabi ni Ajax, "pupunta muna ako sa cr magpapa-pogi para sayo ;)" Gusto kong ibato ang cellphone ko sa sobrang kilig! Hindi na ako nagreply, niligpit ko nalang ang mga papel na naka-kalat sa lamesa, inayos ko ang gamit ko at inayos ko ang sarili ko. 


Habang hinihintay ko si Ajax ay may biglang humawak sa balikat ko galing sa likod, tumaas ang balahibo ko at napangiti ako. 


"Nandito ka na pala..." tumingin ako sa likod ko at napatayo ako sa kinauupuan ko, biglang namilog ang mga mata ko kasabay kung paano rin namilog ang bibig ko.


"A-Agathaa... a-anong ginagawa mo dito?" nagulat ako kung sino ang tumambad sa harap ko, si Agatha. Ang ganda niya. Mahaba ang buhok, ang tangos ng ilong, sobrang puti, chinita pero hindi mapagkakailangang mas matangkad ako sa kanyan.

"Hi Aisha! Kumusta ka na?" Aniya. Inabot niya ang kamay niya sa akin, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.


Aabutin ko na sana ang kamay niya ng biglang may sumigaw.

"AISHA, WAG MO SIYANG HAHAWAKAN!" Nagulat ako kung sino ang nasa likod ko. Ang mga magagandang ngiti ni Agatha kanina ay biglang naglaho. Ang mga mata niya, nakita ko ay may nagbabadyang mga luha. 


"Aisha, ayusin mo na ang mga gamit mo! Sa labas nalang natin hintayin si Adriel." Ani Ajax. Galit siya, alam ko. Nakikita ko sa mga mata niya. Kinuyom niya ang mga daliri niya at tinulungan ako sa pagliligpit ng gamit, hinawakan niya ang braso ko at ng aamba na kaming aalis biglang hinila ni Agatha ang braso ni Ajax.

Napatigil kaming dalawa ni Ajax, nilingon niya si Agatha. Nagulat ako ng nakita ka na may bumubuhos na mga luha sa mga mata niya. 

"Don't touch me!!!" matigas at pasigaw na sinabi ni Ajax. Kaya naman ay napatalon ako doon. Nakita ko ang mga matang nakatingin sa aming tatlo, maraming nanunuod. Maraming camera ang nakatutok sa amin.

Hinila ni Ajax ang braso ko at sa pangalawang hakbang ay narinig ko ang mga hikbi ni Agatha.

"Ajax, I'm so sorry, please forgive me. Alam ko na ako yung mali, please patawarin mo na ako."

Hindi iyon pinansin ni Ajax, patuloy lamang kami sa paglalakad at sa pangalawang pagkakataon, tinulak ako ni Agatha at niyakap si Ajax. Tinignan ko siya, lalo siyang nagalit ng nakita niya akong naka upo sa lapag. Halos mapatalon ako ng sumigaw si Ajax


"I SAID DON'T TOUCH ME! NANDIDIRI AKO SAYO!" Ani Ajax. 

At inabot niya ang kamay niya sa akin. Tinignan ako ni Agatha. Nakita ko ang mga matanga niyang may bumubuhos na luha na may kahalong galit. Napayuko na lamang ako.

"Wag na wag mo na ulit akong hahawakan, at wag na wag kang magkakamaling lapitan si Aisha." Ani Ajax. 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Will Wait For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon