Akisha's POV
Pumunta ako sa school ngayon, dahil thursday na naman din, at Christmas party na namin bukas.
"Miss! Ano mga laro bukas?" Tanong ni Althea.
"Bukas niyo malalaman, naeexcite kayo masyado sa Christmas Party!" Sagot naman ni Miss Rem.
Ako nga pala si Akisha, pinakabata sa klase. Pamilya na nga pala ang turingan namin sa isa't isa. Bukas na rin ang Christmas Party namin. Kaya lahat ng tao dito ay naeexcite na, grabeng ingay ang maririnig mo rito.
"Anyways, Class gusto niyo ba magparty, I mean 'di lang one day. Siguro Outing?" Tanong ni Ms. Rem
"San naman yun?" Tanong ni Stef.
"Basta, gusto niyo ba? For 2 weeks lang naman. Ako na bahala sa parents niyo. Magthithird year na rin naman kayo next year eh haha." Sagot naman ulit ni Miss Rem.
Pumayag naman kaming lahat.
"Teka, magbabayad ba kami?" Tanong ni Alliza
"Actually, we're going to stay at Ron's Rest house." Kinabahan siya nung napatingin siya kay Ron, pero napangiti na lamang siya.
"Di niyo na kailangan magbayad. Pero 300 pesos para sa food, drinks at fare natin. Hati hati na tayo at pwede rin kayong magbaon." Dugtong ni Ms.
"Kailan alis natin?" Tanong ni Ireneo
"Bukas, after Christmas Party."
"Ano sasakyan natin?" Tanong ko.
"I rented a private bus for us." Sagot nito.
"May tanong pa ba about dito?" Tanong ni Miss Rem.
"Bukas na kayo magbayad, mag pack na kayo ng clothes kasi didiretso na tayo dun sa Rest House." Dagdag niya.
Lumingon ako at nakita kong naguusap sila about sa outing, kita sa mukha nila na naeexcite sila.
Pero, iba nararamdaman ko. Kinakabahan ako. Well, siguro naeexcite lang din, pero iba talaga eh.
