Elysha's POV
Kitang kita sa itsura ni Akisha na nakabantay lang siya samin.
Ano ba nangyayari? Mabuti pang tanungin ko si Miss Rem
"Miss, may problema po ba?" Tanong ko sabay kalabit sakanya.
Dahan dahan lang siyang humarap sakin at dahan dahan din ngumiti.
"Wala wala, wag ka na magaalala." Sabi niya
Iba tono ng boses niya.
Gusto ko sanang sabihin,
Nagd-drugs ka ba? Ang pula ng mata mo.
"Ahh sige po." Sabi ko naman at dumiretso ako sa labas ng rest house
"Elysha, t-tulungan mo ko."
Di ko alam kung sino yung nagsalita kaya lumingon lingon ako.
Boses lalaki.
Nasan yung nagsalita?!
Guni-guni ko lang ba iyon?
Papasok na lang ako, baka nga guni guni lang.
Andrew's POV
"Ayoko sa lahat ng tinitignan ako na para bang may ginawa akong masama!" Sigaw ko sakanila.
"Pakawalan niyo na ako! Please lang!"
