PUTANG INA.
Ang ganda ng pambungad ko no? Eh yung tanginang boyfriend ko kasi *cough* este yung gago kong ex ay ayun, tangina niya.
Nilagok ko ang natitirang laman ng baso ko. Ah, ang pait. Kasing pait ng nararamdaman ko ngayon. Kung gaano gumuguhit ang alak sa lalamunan ko ganun din ang nangyayari tuwing pinipigilan kong bumagsak ang mga luha ko.
"Oy," tawag ko sa bartender na kanina pa tingin nang tingin sakin. "Isa pa ngang alak, yuuuuuuunngg piiinaka *hik* matapang *hik*"
"Coming right up!" Tugon niya, gabi na pero yung energy niya mataas parin.
Tss, putangina ulit. Naalala ko tuloy yung ex ko. Kahit anong lungkot ang nararamdaman niya hindi niya parin makuhang ipakita yun sakin, though hindi naman ako tanga para hindi mapansing nalulungkot siya minsan. Nalulungkot siya kapag nakalimutan kong magtext sa kanya, sagutin ang tawag niya at tawagin siyang baby. Tss, tangina baby? Baby ba kamo?
"Gago, ba*hik*by daw? Tawagin ko *hik* daw siyang *hik* baby?" Sabi ko sa basong hawak ko na unti nalang maihahagis ko na. "Tangina ni*hik*ya, may pa*hik*baby baby pa siyang na*hik*lalaman eh *hik* kung makagapang siya sa *hik*ibang babae parang gamay gamay na *hik* niya ang manggapang! Bwi*hik*set!"
Nakakagalit. Nakakainis. Nakakairita. Lalong humihigpit ang hawak ng kamay ko sa basong nasa harapan ko, "Putangina bakit *hik* ang tagal ng a*hik*lak ko mga punyeeta*hik*aaa!" Sigaw ko sa mga bartender na nakahilera sa counter sa harapan g katabi ko at ng katabi nito.
Ang ingay ng lugar, mabuti na rin yan para kung sakaling magbasag ako at makabasag ako ng bungo, walang makakarinig. Walang makakakita.
"Miss, iniwan ka ba ng boyfriend mo?" Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Napalingon ako sa bartender na kanina pa pala nakatingin sakin hawak hawak ang alak na sa tingin ko'y inorder ko.
"Ako ini*hik*wan? Mukhang ba kong *hik* iniwan ha?" Hinablot ko ang alak sa kamay niya at ininom ito nang tuloy tuloy. Haaaa. Ang tapang. Sobra. Ang sakit sa lalamunan para akong masusuka. Ugh.
"Oo, mukha kang babaeng iniwanan ng boyfriend niya kapalit ng ibang babae," sabi niya sakin with conviction.
Tiningnan ko lang siya nang masama, "Tapos ka na *hik* bang puta *hik* ka?"
Inubos ko ang alak na inorder ko at saka tumayo nang maayos. Inayos ko rin ang dress kong puti na long sleeves.
Hinampas ko nang pagkalakas-lakas ang lamesa sa harapan ko "Alam mo *hik* kamukha mo yung gago kong *hik* ex"
Nakatingin lang rin siya sakin binabantayan ang bawat kilos na ginagawa ko at kilos na gagawin ko. "Bakit hindi ka nalang mamataaaaay!" Hinablot ko nang mabilis ang buhok niya at inuntog ito sa lamesa. Phew, tigas ng ulo.
Tumuntong ako sa lamesa/counter at ikinulong ang leeg niya gamit ang braso ko. Straggling him is easy.
"Ang dami *hik* mo kasing sinasabi eh" lalo ko pang hinigpitan ang pagkakasakal sa kaniya.
Nagsimula nang makiusyoso ang tao sa paligid ko at sinubukang pakawalan ang lalaking sinasakal ko mula sakin.
"Hindi pwede, yung mga ganyang klase ng lalaki dapat pinapatay!" Hawak-hawak na ko ng isa sa mga bouncer sa bar at pinipigilang maabot ko ang buhok ng bartender.
"Bitawan niyo ko, papatayin ko pa yung tarantadong yun! Argggh!" Sumigaw ako nang sumigaw pero no use. Dinala ako ng mga bouncer palabas ng bar at "Ouch!" Itinulak pa. Ang sakit ah, tss. Sige di na ko babalik pa dyan.
"Walang kwenta ka*hik*yong lahat pwe!" Sigaw ko sa buong bar at lahat ng taong nakatingin sakin. Mga walang pakinabang sa mundo, tss.
Nagsimula na kong maglakad pauwi, oo lakad. Gusto kong magcool down muna ang pagkalasing ko bago ako makauwi, baka kasi imbes na ako yung manapak ay ako ang sapakin sa bahay.
Alam kong lasing na ko at wala na kong magagawa. Pagewang gewang na akong naglalakad pero kaya pa naman. Kakayanin ko to. Easy lang ang pagkahilo kumpara sa panloloko ng taong pinagkatiwalaan mo at minahal mo.
Dahil gabi na at tanging street lights nalang at ilaw na nanggagaling sa kotseng dumaraan ang nasa paligid ko, mas nahirapan akong tingnan ang dinadaanan ko.
"Aray! Miss tumingin ka naman sa dinaraanan mo!" Tumingin lang ako sa ikatlong babaeng nakabangga ko.
Blurred na nga ang paligid, limited pa ang sakop ng ilaw. And worse, umiikot na ang mundo ko.
Pagkita ko sa gate papasok sa subdivision namin ay nabuhayan ako ng loob. Yes! sa wakas makakatulog na rin ako. Makakalimot na rin ako kahit unting oras lang.
Inapak ko ang kanan kong paa para makatawid na papasok ng subdivision. Shit, yung ulo ko umiikot. Ang sakit ng ulo ko.
Nasa kalahati na ko ng kalsada nang maaninag ko ang ilaw sa kaliwang side ng mata ko. Shit, may paparating. Mabilis ko iniwas ang katawan ko bago pa ko masagasaan ng bike. Umabante pa ko ng lakad nang biglang may tumama sa tagiliran ko.
Ramdam ko yung sakit ng nabaling buto ko. Ramdam ko rin ang hangin sa mukha ko at katawan ko habang nasa ere ako bunga ng pagkakabangga sakin. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sobrang sakit ng katawan ko at isa pa ang puso kong sugatan.
Lumanding ako sa likuran ng truck na nakabangga sakin. Nakahilata na ko ngayon sa kalsadang kaninang nilalakaran ko lang ngayon kayakap ko na. Masakit ang buong katawan ko, pagod na ang isip ko pero kailangan kong manatiling gising. Kahit saglit lang. Kahit hanggang dumating lang yung tulong. Kahit dumating lang ulit si Zach para iligtas muli ang buhay kong nasa bingit ng kamatayan.
Pinanatili kong bukas ang mga mata ko at nakita kong lumabas ang laman ng truck na nakasagasa sakin.
"Diyos ko, nakasagasa ba talaga ako o multo lang to?" sabi ng sa tingin kong driver pagkalabas na pagkalabas niya sa truck habang nakatingin sakin.
"T-t-t---" hindi na magawang maibigkas ang salitang tulong. "Aaaa--" mahirap nang huminga. Ramdam ko na ang dugong nasa mukha ko at ang sakit ng bugbog kong katawan.
Napansin kong may lumabas muli na tao mula sa truck. Sa tingin ko'y ito na ang pahinante.
"Pare, multo ba yan?" Tanong ng driver. Sana nga multo nalang ako, para hindi ko nararamdaman ang sakit na pinaparanas sakin ngayon.
"Pre, mukhang hindi, nakadilat at gumagalaw eh" sagot ng pahinante.
"Tul---" ong. Tulungan niyo ko.
Lumakad palapit sakin ang driver at naramdaman ko ang pagsundot nito sa braso kong lanta na. Mga gago kayo, mamatay na ko oh!
"Pre! Tao nga to! Dal--"
At doon unti-unting dumilim ang paligid ko.Unti unti. Hanggang sa tuluyan nang nilamon ng dilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Abyss' Perks
General FictionNo one can escape death. Everyone will die. And eventually, be forgotten.