"Surprise!" Napatigil ako sa nakita ko. Nabitawan ko ang dala kong cake na sana'y kakainin namin nang sabay habang pinagdiriwang naming dalawa ang kaarawan ko.
"Oh my god!" Agad na napatago ang babae sa ilalim ng kumot na kani-kanina lang ay nakapatong sa katawan ng boyfriend ko habang umuungol nang pagkalakas lakas. Sarap na sarap pa ang puta.
"Shit! Bakit ka andito Isha?" Wala akong masabi. Ang sakit. Bakit daw ako andun sa kwarto niya? Gago siya . Napakagago niya. Hindi ko magawang bumigkas ng ni isang salita. No words can explain this damn feelings.
"Bakit ako andito? Well, sorry for disturbing your session but I'm here to put you in pain and kill you!" Mabilis ako lumapit sa kanya at hinablot ang buhok niya.
"Aray! Aray!" Paghiyaw niya sa sakit. Bakit? Hindi ko lang naman kasi siya sinabunutan lang. Hindi sapat ang sabunot sa panglalapastangang ginawa niya sakin. Hinila ko ang buhok niya patungo sa banyo ng kwarto niya.
"Isha please! Tama na!" Pagmamakaawa niya sakin nang may kasamang tono na dati'y tumatalab agad sakin, but not this time asshole.
"Tangina mo! Manahimik ka!" Pagdating sa banyo'y pinihit ko agad ang gripong nakatapat sa bath tub niya. At pagtapos nun ay tiningnan ko si Zach sa mata. Sakit lang ang meron sa mata niya. Sakit na mula sa pagkakasabunot ko sa kanya. Walang pagmamahal. Wala na yung dating mga matang minahal ko.
Pinipigilan ko ang pagtunaw ng mga puso ko. Pinipigilan ko ang luha kong unti nalang babagsak na. Pinipigilan ko ang sarili kong patawarin ang gagong nasa harapan ko at mas lalong pinipigilan kong ipakita sa kanya na mahal ko pa ang tarandong tao tulad niya.
Napamulat bigla ako at napaupo sa pagkakahiga ko. Biglang may nagflash na kung ano sa loob ng utak ko pero ang mga larawa'y malabo na, hayaan na nga. Baka nanaginip lang ako. Napahawak ako sa mata ko. "Eh?" Bakit may luha? Umiyak ba ko? *growl* "Gutom na ko"
Sa paghimas ko ng tiyan ko at pagtingin sa paligid. Doon ko narealize na nasa ospital ako. Paano? Brainy kaya ako. Halata naman kasi eh. Puti ang background may dalawang kama. Sa kabilang kama katabi ng kama ko, natutulog ang mama ko. Hmmm, ako ba yung naospital? *growl* gutom na talaga ako. "Ma, mamaya na kita kausapin ha!" Bulong ko kahit malayo ako sa mama ko tsaka ako tumayo sa kama ko.
Nagtiptoe ako palayo sa kama nang biglang may sumulpot na nurse sa gilid ko. "Ay butiking nakasplit!" Nakakagulat naman tong nurse na to. Akala ko may multong naglakad. Yumuko siya at tila may kinuha sa sahig. Sinundan ko ng tingin ang kamay niya. "Ah, ballpen"
Pagkakuha niya sa ballpen ay dire-diretso siyang pumunta sa pinto at binuksan ito.
"Uy! Saglit lang!" Sinundan ko agad siya bago pa man niya masara ang pintuan. "Nurse, asan yung cafeteria?"
Sinabayan ko siya ng lakad at nagtanong uli, "Huy Nurse, asan yung cafeteria?" Dire-diretso pa rin siya ng lakad. Aba bastos to ah. Kakalabitin ko na sana siya nang bigla siyang tumakbo. Napatingin tuloy ako sa direksyong ng tatakbuhan niya.
"Ah, kawawa naman" May nahulog kasing lalaki na nakawheel chair. Anubayun, nakawheel chair na nga nahulog pa. Pero yaan na nga. ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng hospital gown ko. Sabay lakad.
"Asan na ba kasi yung cafeteriang yun? Kainis ah!" Naglalakad lakad pa ko hanggang sa mapadpad ako sa isang parte ng ospital na napakabusy. Ang emergency room. Tumayo ako sa mismong entrance nito at pinagmasdan ang nangyayari sa loob.
"Aaaaah!"
"Nurse, get ready for blood transfusion. Blood type O"
"Yes, doc"
"Doc, masakit dyan aaaaaray!"
"Don't worry I'll take care of the rest---"
Ang gulo. Ang busy. Bukod sa nagkakagulo ang buong ER tuloy-tuloy pa ang alingaw-ngaw ng wang-wang ng mga ambulansyang patuloy sa pagdala ng mga sugatang taong namimilipit sa sakit.
Napagilid ako sa kinatatayuan ko dahil sa paparating na doctor at nurse na may dala dalang pasiyente. Pero laking gulat ko nang may tumagos sa katawang kong tao.
Literal.
Tumagos.
Sakin.
What the hell?
Tiningnan ko ang katawan ko at chineck kung buo pa ba ang katawan ko. Buo pa naman siya. Kinapa-kapa ko rin ang katawan ko. Nothing unusual. May boobs, tiyan, hita at binti. Walang kulang. Pero, bakit? Bakit tumagos sakin yung.
"Hahahhahahahaha! Ako patay na? Hahahahaha ako multo? Baka nga!" Tae, impossible yun brad. Baka naghahallucinate lang ako. Baka kulang lang ako sa gamot at baka nabagok ako kaya ako andito sa ospital. Tama tama. Ang brainy ko talaga shet. Nag lakad na ako pabalik sa paghahanap sa cafeteriang hindi ko alam pero feeling ko nagtatago ito mula sakin.
"Waaaaah!" Sumigaw ako. Isinigaw ko lahat ng kaya kong isigaw to make sure that I'm alive and everybody and hear me and see me.
Tiningnan ko ang paligid to check if everyone's watching me right now because of the noise I made.
One tear. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi pwedeng patay na ko. Kung patay na ko dapat wala na ko dito sa lupa. Hahahaha, imposible talaga eh. Sa mga drama at pelikula lang naman nangyayari to eh. Hindi pwedeng magkatotoo to. It's freaking impossible and unbelievable.
"Waaaaahh! Pansinin niyo ko please" hindi ko mapatigil ang pagbagsak ng mga luha ko. Nilapitan ko ang mga taong dinadaan daanan lang ako at sinubukang hawakan sila pero may kuryenteng dumadaloy sa kamay ko tuwing ginagawa ko yun. Hindi ko sila mahawakan.
Tumakbo ako pabalik sa kwartong pinanggalingan ko kanina. Bakit dito ako nagising? Hindi naman to morgue. Nakakatakot. Takot akong makita ang sarili kong patay na at hindi na humihinga.
Huminga ako nang malalim at naglakad nang diretso at hinayaang tumagos ang katawan papasok sa kwarto. Nakapikit ako nung pumasok ako at takot idilat ang mga mata kong kanina pa basa kakaiyak.
"Ma, okay lang yan. Gigising din si Isha" napadilat ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Andun ang kuya ko sa gilid ni mama. Pinapatahan ang tila napagsakluban ng langit at lupang kong ina.
Napatakip nalang ako ng bibig upang ang hikbi kong unti unting lumalakas ay mapatahimik ko. Ayokong may makarinig sakin. Kahit na ba mula sa mundong ginagalawan ko ngayon at sa mundong ginalawan ko noon.
Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko habang pinagmamasdan ang halos walang buhay kong katawang tao. Ang katawan kong parang kahapon lang ay nasasa-akin pa. Ang katawan kong ngayo'y bugbog ang mukha at puno ng benda ang ulo. Ang katawan kong dumidipende nalang sa makinang nasa gilid ng kama ko. Ang katawan kong ngayon ay nasa harapan ng kuya ko at mama ko. Ang katawan kong tila inayawan na ang kaluluwa ko kaya andito ako ngayon sa mundo ng mga nawawalang nilalang.
Mundo kung saan walang nakakakita sayo.
Mundong patay na at wala ng buhay.
Mundong wala ng pag-asa.
Ang mundong ngayon ay kayakap ko na. Tirahan ko na. Bahay ko na.
Ang mundo ng kawalan.
BINABASA MO ANG
Abyss' Perks
General FictionNo one can escape death. Everyone will die. And eventually, be forgotten.