Chapter 2 - Ace Kristoffe Corpuz

27 0 0
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa room, may nakita nanaman akong naglalampungan sa may Room 305.

Room 207 kasi yung sa akin kaya madadaanan ko muna yung Room 305 bago ako makarating sa room.

Halos araw araw na lang may naglalampungan sa room na yan,  balak ko nga sanang ipasara yan kaso sabi ni tito huwag daw, kaya pinapabayaan ko na lang.

Nandito na pala ako sa tapat ng room namin, at as usual para silang mga nakawalang wild animals sa zoo.

Sobrang ingay sa room, may naghahalikan dito, may nagtatawanan dito, may nagkukwentuhan.

Pero wala akong pakealam, basta huwag lang nila akong guguluhin, kundi baka diko mapigilan sarili ko makapatay ako ng wala sa oras hahahaha

Pumunta na lang ako sa upuan ko. Nilabas ko na yung libro ko para sa Science.

First Subject namin ngayon ang science, ang kaso kahit 10:23 na wala pa rin siya.

Balak ko na ngang ipatalsik dito yung teacher na yun, pasalamat siya at mabait ako.

(Author:Ang sabihin mo alex, paborito mo siyang teacher dahil lagi siyang late hahahaha)

Nagmumuni muni lang ako dito ng biglang may nag away na mag syota sa may labas ng room, ang ingay nila!

Anu ba yan, ang sarap nilang upakan.

Pasalamat sila at hindi ako pwedeng makipagaway kung hindi talagang malilintikan sila sa akin.

Kinuha ko na lang yung stress ball ko sa bag, mabilis kasing maubos ang pasensiya ko sa isang bagay, kaya lagi akong may dalang stress ball, para maiwasan na rin ang gulo.


"Kyaaah ! Ang gwapo niya! Sino ba siya?"

"OMG, OMG, Can I Die Now?! Ang gwapo niya shemss ! "

"Transferee ata siya mga girls, napakagwapo niya oh"

Napakaingay naman ng mga malalanding ito!

Para gwapo lang tumitili na, parang mapapansin naman sila.

Pero teka may transferee daw sa school? Hindi ko alam yan ah, wala naman nasasabi sa akin si tito.

Nagkibit balikat na lang ako sabay dukdok sa lamesa ko.

Wala rin naman kasi akong palealam kung sino yung mga tranferee.

Wala akong kaibigan at kahit kailan hindi magkakaroon, tinalikuran ko na lahat ng mga umuugnay sa akin noon.


Iba na ako ngayon. Hindi na ako ang Rafaela na noon ay madaling utuin, madaling umiyak, at higit sa lahat hindi na ako si Rafaela na matatakutin.

Iba na ako ngayon. Brutal. Strong. Brave and Fearless.

Dahil sa kanya nagbago ako.

Dahil sa kanya manhid na ako.

Nagbago ako ng dahil sa kanya.


*Tugsh*

Ano ba yan napakaingay naman nila. Huh?

Pero teka?

Kanina nakakabit lang yung pintuan dyan ah?

Bakit ngayon wala na yung pintuan? May plano kaya si tito na papalitan yung mga pintuan sa mga classroom?

Oh well, makatulog na nga lang ulit. Hmmmm

"Good Morning Class, may transferee tayo sa room. Iho magpakilala ka na sa mga bago mong classmates. "

Bigla na lang akong nagising, nandyan na pala si maam.

May ipapakilala daw siyang transferee?

Sino kaya yun? Sana gwapo hahaha

Ano bang pinagiisip mo Alex, nerd ka nga diba, nerd kaya wag kang maglandi.


Pero nagunaw ang mundo ko ng makita ko kung sino ang bago naming kaklase.

Bakit siya nandito?

Anong ginagawa niya dito?

"Ace Kristoffe Corpuz. 16. July 17 19** "


Siya nga.

Siya nga.

Ang sakit.

Sobra.

Bakit nagbalik ka pa.

Sana hindi ka na lang bumalik.

Unti unting bumalik ang mga alaala ko sa nakaraan.

Masaya. Nagmamahalan. Nagtatawanan. Nagkukulitan. Naglalambingan.

Pero unting unti din bumalik ang lahat ng sakit na pilit kong ibinabaon sa nakaraan.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko kayang makita siya.

Hindi ko kayang makita ang Ex ko na sinaktan ako.

Pinaglaruan ako, at sumira ng buhay ko !

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kaba. Takot. Lungkot at Galit.

Maam excuse me po, mag c-cr lang po

"Oh sige Ms.Ferrer" - Maam


Paglabas ko ng room. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung mga luha ko, punong puno na pala ng luha yung eyeglass ko.


Tinanggal ko yung eyeglass ko atsaka ko pinunasan.

Pero kahit ilang beses ko pa itong punasan, nababasa pa rin siya.

Akala ko kaya ko na.

Akala ko nakalimutan ko na siya.

Akala ko hindi ko na siya mahal.

Pero akala ko lang pala iyon.

Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin.

Hindi ko kayang makita at makasama siya araw araw.

Hindi ko kayang makita siya na masaya, samantalang ako nagdudusa.

Ano nga pa lang iniiyak iyak ko dito, eh kahit naman umiyak ako ng isang balde hindi pa rin naman mababawasan yung sakit ng nakaraan.


Hindi ako pwedeng magpalipat ng room, dahil baka makahalata yung mga classmate kong chismosa.

Hindi ako pwedeng magpalipat ng school, dahil may mission ako.




After 1 Hour

Nakapagisip isip na ako.

Magaaral pa rin ako sa dati kong room.

Same section. Same classroom. Same classmates.


Tutal malabo naman na makilala niya ako, dahil sa mga disguise na sinusuot ko araw araw.

Isa lang ang dapat kong isiguro.

Huwag siyang papansinin.

Iyan lang ang nakikita kong solusyon para makalayo sa kanya.

Para makalayo sa sakit.

Makalayo sa hapdi.


Sa paraang yan, matututunan ko na rin siyang kalimutan.


Sana...









(Author: Annyeong~~ Si Ace Kristoffe ay si LA AGUINALDO yung model sa SM Youth. Basta tignan niyo na lang sa picture sa taas. Thank you ! And don't forget to vote and comment . Arigatou *bow* )

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Black FearlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon