"Happy 2nd Anniversary baby, i love you.." sabi ko habang tuloy tuloy ang patak ng luha ko.
Eto nanaman! 2nd anniversary namin wala nanaman siya! Pati nung first wala! Ang sakit sakit sakit, ni greetings nga nya hindi ko marinig.
Last na grineet nya ako nung 9th monthsary namin, kami pa naman diba? Kahit hindi ko siya kasama ngayon diba? Kasi alam ko mahal pa namin pareho ang isa't isa.
Agad kong pinunasan ang luha ko, habang nakatingin sa picture frame kung saan nakalagay ang picture naming dalawa nung 1st monthsary namin, makikita mo na ang saya namin pareho. Medyo bata pa kami nyan, mga 1st year college.
Namimiss ko na siya.. sobra.. Parang sasabog na ang utak ko kakaisip sakanya. Wala eh, ganyan talaga mahal ko eh.
-
"Class you have an assignment! To be passed next week! Your assignment is you have to list down all the things you love about someone or the person you admire, like your crush. This is related to our next lesson! Bye!"
Nagsilapitan ang mga bestfriends ko, sina Shey at Pia. Sigurado ako magtatanong nanaman ang mga babaeng to.
"Trixia! Ilan lalagay mo?"
"Hmmm. Madami siguro, bakit?"
"Ahihihihi! Ako din!"
Napabuntong hinga ako, ilang papel ang kakailanganin ko para maisulat kung ano ung bagay na gusto ko sa taong mahal ko, madami kasi eh!
"Problema mo Trixia?"
"Wala..."
"Miss mo na siya no?"
Oo sobra, miss ko na siya makita, mahawakan at makausap.
"Sobra." Tapos biglang tumulo ang luha ko.
Bakit nanaman ako umiiyak?! At ang masaklap pinipilit ko na ngang maging matatag, pero hindi sumasangayon ang utak at puso ko.
Niyakap naman ako ng mga kaibigan ko, sana siya ang kayakap ko ngayon, siya ung magsasabing 'tahan na..' pero hindi eh!
Gusto ko na siyang makita ulit! Miss na miss ko na siya, diba normal lang naman to? Ang makamiss ng taong mahal mo.
-
Hawak hawak ko ang ballpen ko at ang bondpaper kung saan gagamitin ko para magawa ko na ang assignment ko.
Nandito ako ngayon sa park, sa park kung saan kami nagdadate at nagpapalipas ng gabi.
Ang park na puno ng memories namin.
*2 years ago*
"Bleh bleh bleh! Hindi moko mahahabol!" Sabi ko sakanya, habang kumekembot kembot at nakabelat.
Naghahabulan kasi kami, kapag nahabol nya ako may kiss siya sakin.
"Mahahabol kita! Gusto ko ng kiss eh!" sabi nya at tumakbo papunta sakin, at agad naman din akong tumakbo.
Ganito kami naglalambingan, ang sarap sa feeling.
Nagtago ako sa puno, medyo madilim na kaya baka hindi na nya ako makikita.
Kahit gusto ko din magkiss kami, syempre konting pakipot muna. Hehehe.
Nagulat ako ng may biglang yumakap sa likod ko at hingal na hingal, alam ko na agad kung sino to syempre, ang lalaking mahal ko..

BINABASA MO ANG
2 years.. (One Shot)
Teen Fiction"Its been 2 years, and I'm still here loving and missing you. It hurts, but what can I do? I've been bearing this pain, for two years. Please comeback."